Monday, 21 May 2018

Inakala ng Isang Babae na "Tibetan Mastiff" ang Kanyang Nabiling Tuta, Pero ng Lumaki ito Nabigla Nalang Siya ng Malaman niya na isa pala itong "Asian Black Bear"

Halos lahat ng pamilya ay naghahangad na magkaroon ng sarili nilang alagang hayop. Hindi matatawaran ang naidudulot na saya at ngiti ng mga hayop na ito sa isang pamilya.



Isa na ang mga aso sa mga uri ng hayop na pinipili nilang alagaan dahil madali itong makasalamuha at dahil na rin sa katangian nito na pagiging maamo sa mga tao. Madali rin itong bantayan at hindi maselan sa mga pinipiling pagkain.

Ngunit ano ang gagawin mo kung ang nabili mong alagang aso ay ibang uri pala ng hayop?

Isang pamilya sa probinsya ng Yuan sa China ang nakabili umano ng isang oso dahil napagkamalan niya itong aso.


Si Su Yun, na naninirahan sa siyudad ng Kunmin ang nakabili sa oso na napagkamalan niyang tuta.

Akala niya na ang nabili niyang tuta ay isang uri ng aso na tinatawag na “Tibetan Mastiff.” Ito ang isa sa pinakakilala at pinangangalagaang uri ng aso sa China dahil sa kawili-wiling itsura at hugis nito.

Larawan ng isang Tibetan Mastiff


Hindi niya matanggihan ang presyong inialok sa kanya ng lalaki kaya napagdesisyunan ni Su Yun na bilhin ang aso. Hindi niya na inisip kung ito ay manloloko dahil nagustuhan niya agad ang nakakaakit at napakaamong itsura ng tuta.

Nang magtagal, napansin ni Su Yun na medyo kakaiba ang paglaki ng kanyang aso. Malakas itong kumain at habang tumatagal nagiiba ang itsura nito taliwas sa kanyang inaakala.

Nakikita niya rin itong nakatatayo at naglalakad gamit ang dalawang paa nito sa likuran. Huli niya na namalayan na ang hayop na kanyang nabili ay isa palang “Asian Black Bear.”



Dahil napamahal na si Su Yun sa osong ito, naisipan niya pa ring alagaan ito kahit na nahihirapan siya sa pagpapakain dito. Madalas kumain ang osong ito ng isang kahon ng mga prutas at dalawang timba ng noodles kada araw.


Kahit na kayang alagaan ni Su Yun ang maluhong gastusin ng osong iyon, nalaman niya na illegal ang pag-aalaga sa mga malalaki at mababangis na hayop sa kanilang bansa. Dahil dito, napatawag siya sa Yiliang County Forest Public Security Bureau na kung saan inamin ni Su Yun ang sitwasyon niya at ng kanyang alagang oso.



Dinala ang oso sa Yunnan Wildlife Rescue Center para maobserbahan ng maigi. Nabanggit nila na walang anumang senyales ng pang-aabuso o kaya naman sugat na natamo ang oso sa ilalim ng pangangalaga ni Su Yun.

Sinabi rin na maganda ang kalagayan at estado ng kalusugan ng oso kaya maaari itong ibalik sa natural na tirahan ng oso sa kagubatan ngunit mangangailangan pa rin ng rehabilitasyon.



Isinaad din ng mga empleyado ng wildlife rescue na mas mainam kung bibili sila ng alagang hayop sa mga legal na bilihan ng hayop upang maiwasan ang mga problemang katulad ng nangyari kay Su Yun.



Anong masasabi niyo sa alagang hayop ni Su Yun? Ibahagi ang inyong reaksyon sa artikulo na ito.

source: buzzflare





SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only