Saturday, 19 May 2018

[Inspiring Story] Isang Matandang Babae na Kahit Basura lang ang Ikinabubuhay Nagawa Pa din Iligtas ang 30 Batang Inabandona at Inampon ang Apat Dito

Si Lou Xiaoying, isang kolektor ng mga basura, ang taong kumupkop sa 30 inabandonang mga bata sa mga kalye ng Jinhua sa China.


Ang 88-taong gulang na matandang ito ang nagpalaki at nagtaguyod sa kanyang mga anak sa pamamagitan ng pag-‘recycle’ sa mga nakolektang mga kalat sa daan. Binansagan siyang bayani nang kumalat ang istorya niya sa “the Internet.”


Upang hindi mahirapan si Lou at ang kanyang asawa na alagaan ang mga nakitang bata, kinupkop niya lamang ang apat sa mga ito at naisipan niyang ipaubaya ang ibang mga bata sa kaniyang mga kapamilya at matalik na kaibigan.


Ang pinakabata nilang anak na si Zhang Qilin, pitong taong gulang, ay natagpuan mula sa isang lagayan ng basura. Kinupkop siya ni Lou noong 82-taong gulang pa siya.

Nabanggit ni Lou noon na: “Kahit na nagiging matanda na ako, hindi ko kayang hayaan na lamang ang batang iyon at iwan na lamang para mamatay. Kaaya-aya ang kanyang itsura at nangangailangan ng kalinga. Kailangang dalhin ko siya sa aming tahanan.”

[Even though I was already getting old I could not simply ignore the baby and leave him to die in the trash. He looked so sweet and so needy. I had to take him home with me]


Nailigtas ni Lou ang kaawa-awabg batang ito palayo sa kapahamakan at dinala sa kanilang mumunting tahanan. Inalagaan niya rin ito para maibalik ang normal na lakas ng bata.

Ngayon, isa sa mga nakakatandang anak ni Lou ang nag-aalaga sa kanyang mga bata pa niyang anak.


Kahit maliit lamang ang kinikita ng pamilya ni Lou mula sa pagkolekta ng basura, nagawa niyang matugunang buhayin ang kanyang mga anak.


Inamin pa ni Lou na: “Nag-umpisa ang lahat ng ito nang may nakita akong batang babae noon 1972 habang nangongolekta ng mga kalat. Nakalatay lamang siya kasama ng mga kalat sa kalye na inabandona. Maaaring ikamatay niya iyon kung hindi ko siya iniligtas at kinupkop.”

Nang nakaramdam siya ng labis na tuwa sa pagligtas sa mga bata, napagtanto ni Lou na ginusto niya talaga ang pag-aaruga sa mga inabandunang bata. Sinabi niya pa na lahat ng bata ay nangangailangan ng pagmamahal at atensyon at kinuwestyon niya rin ang mga magulang ng mga bata kung paano nila nasikmurang iwan ito sa mga kalsada.

Si Zhang Caiying, may edad na 49-taong gulang, ay ang natatanging tunay na anak ni Lou. Inilahad ni Zhang na nangako siyang babantayan at aalagaan ang mga batang naiwan ng kanyang ina bago ito mamaalam.


Ang kabutihang pinakita ni Lou ay kumalat sa buong Tsina na kung saan ay libo-libong mga bata ang inaabanduna sa gitna ng daan dahil sa kasakiman ng kanilang magulang. Nakakalungkot lang isipin na nagkaroon ng kumplikasyon si Lou sa kanyang baga na nagdulot ng kanyang kamatayan.


Ito ang isang larawan ni Lou at ang dalawang batang kanyang natulungan.


Inamin ng isa sa kanyang mga tagahanga na isa si Lou sa nga taong nagpapahiya sa gobyerno, mga eskuwelahan, at mga taong may kakayahang tumulong ngunit wala namang naibibigay kahit konti. Wala namang pera o kaya naman ay koneksyon si Lou ngunit nagawa niyang iligtas sa pakapahamakan ang mga batang iyon.”

[She is shaming to governments, schools, and people who stand by and do nothing. She has no money or power, but she saved children from death or worse.]


Anong masasabi niyo sa kagandahang loob na ipinakita ni Lou sa mga batang iyon? Ibahagi ang inyong reaksyon sa artikulo na ito.

source: goodtimes




SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only