Friday, 11 May 2018

Isang 20 Anyos na Pilay na Babae Ininda ang Hirap sa Pagtayo sa Loob ng Isang Crowded na Tren Mapanatiling Komportable lang sa Pag kakaupo ang Isang Matandang Lalaki

Ang tren ang pangunahing transportasyon ng mga tao sa bansang China kapag sila ay umuuwi sa kanilang tahanan dahil ito ay mabilis kumpara sa iba. Ngunit dahil sa limitado lang ang mga upuan sa loob nito, karamihan sa kanila ay nagtitiis nalang tumayo para lang makauwi ng mabilis sa kanila.


Tuwing buwan ng tagsibol o spring season, madalas puno ng pasahero ang tren na K529 na may byaheng galing sa Hangzhou papuntang Chengdu.



Isang matandang lalaki ang nakaupo sa loob ng tren at nagkwento sa kanyang katabi tungkol sa nabili nyang ticket. Ang nabili kasi niyang ticket ay walang upuan kaya naman ng mauna syang pumasok sa loob ng tren ay agad syang umupo sa upuan at nananalangin na sana huwag dumating ang taong nakabili ng ticket ng kanyang inuupuan.

Laking tuwa niya ng hindi na talaga dumating ang taong may-ari ng kanyang inuupuan dahil paalis na ang tren na kanilang sinasakyan ay wala pa ding kumukuha ng upuan..

Habang sya ay natutuwa dahil sya ay nakaupo may iilan namang pasahero ang nakatayo sa gitna ng tren at isa nga dito ang batang babae na mukang nanghihina. Nahihirapan din syang tumayo ng ayos kaya naman hindi maiwasang masaktan sya kapag natutulak ng mga pumapasok na pasahero. 


Nang makita ito ng matanda agad nya itong tinanung ng, “Iha kung nahihirapan kang tumayo sa loob ng tren sana ay pumasok ka ng maaga katulad ko para nakahanap ka sana ng pwede mong upuan, mga ilang oras paba bago makarating ang tren na ito sa iyong destinasyon?”.

Sinagot naman ng babae ang matanda at sinabing “Okey lang ho ako lolo, isang araw at kalahati pa ho bago ako makarating sa aking destinasyon”. Laking gulat naman ng matanda ng marinig niya ang sinabi ng babae kaya tinanong nya ito kung kaya pa ba nitong tumayo ng ganoong katagal?.


Sa sobrang pag-aalala ng matanda sa babae ay kinausap nya ulit ito at sinabi na malapit na siyang bumaba kaya kung gusto nya pwede siya na ang umupo sa upuan na kanyang inuupuan. Agad namang nagpasalamat ang babae pagkatapos itong sabihin ng matandang lalaki.


Pagkatapos nila mag-usap ay bigla namang nagcheck ng ticket ang konduktor ng tren. Nang makita ng konduktor ang ticket ng babae ay bigla syang nagtaka at tinanung ang babae, “Miss ikaw diba ang may-ari ng upuan na ito? Bakit ikaw ang nakatayo?. 

Napangiti at kumindat nalang ang babae habang binubulong sa konduktor na “He’s a 70-year old man with walking disability. It would be hard for him to stand and the journey is going to be arduous for him”. Tinanung ulit sya ng konduktor na kung alam ba ng matanda na sya ang may-ari ng upuan?.

Sinagot naman sya ng babae at sinabing, “I did not have the heart to tell him. If he knew that was my seat, he would stand up and return it to me.” 

Pagkatapos itong sabihin ng babae ay ibinalik ng konduktor ang ticket nito at tumingin ulit sa matandang natutulog. Binulungan ng konduktor ang babae at sinabing sumama sya sa dito sa restawran at doon ay hahanapan sya ng mauupuan.


Kinuha ng babae ang kanyang saklay para gamitin papunta sa restawran. Napahanga naman ang lahat ng taong nakarinig at nakakita sa babae dahil kahit na ito ay gumagamit ng saklay sa paglalakad ay nagpaubaya parin ito at pinaupo parin nya ang matanda sa upuan na dapat ay sa kanya. 


Tumabi naman sa dadaanan ng dalawa ang mga tao na nasa paligid nila para hindi narin mahirapan o matulak ito habang naglalakad.

Talaga namang napakabuti ng puso nitong babae dahil sa kabila ng kanyang kapansanan ay pinili nya pa ding magtiis para lang makaupo ang matandang lalaki.

Isa din sa may mabuting puso ay ang konduktor dahil tinulungan at hinanapan nya ng mauupuan ang may kapansanang babae.

source: goodtimes




SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only