Wednesday, 9 May 2018

Isang Aso Pinaluha ang Maraming Tao Matapos itong Makita na Tinutulak ang Kanyang May Kapansanan na Amo Umaraw man o Umulan

Ang aso ay kilala bilang man's bestfriend at hindi sila babansagan ng ganito ng walang dahilan. Tunay nga naman na kapag trinato mo sila bilang kapamilya mo ay mas malaki ang ibabalik nilang pagmamahal sayo. Narito at ating basahin ang kwento ng isang matapat at maarugang aso sa kanyang may kapansanang amo.


Si ginoong Ma ay 59 na taong gulang na sapatero sa kalsada at 40 taon na din nyang ginagawa ang ganitong klase ng trabaho. Ang kalahating bahagi ng katawan ni ginoong Ma ay paralisado dahil sa malubhang sakit na kanyang naranasan noong sya ay bata pa. 



Ang bawat pagkilos ni ginoong ma ay inaasa nya lang sa isang homemade na wheelchair at ginagamit nya din ito sa pagtratrabaho. Araw araw ay halos isang kilometro ang nilalakbay nya para lang makapunta sa kanyang maliit na pagawaan ng sapatos. Mabuti nalang at isang malaking aso na kulay brown ang tumutulong sa pagtulak ng kanyang wheelchair para sya ay makagalaw.


Kilala si ginoong Ma at ang kanyang aso ng mga tao sa paligid nila dahil araw araw nila itong nakikitang magkasama. Bukod sa tinutulungan ng aso si ginoong Ma sa pagtulak ng kanyang wheelchair, tumutulong din ito sa pagbantay ng maliit nitong pagawaan ng sapatos. 



Ito din ang nagpapainit ng paa ni ginoong ma kapag malamig ang panahon at ang tumutulak ng kanyang wheelchair kapag sila ay umaakyat ng matataas na lugar.


Ang malaking aso ni ginoong ma ay kagaya lang din ng ibang aso sa lansangan na walang pangalan pero kapag nagsalita na si ginoong Ma ng Hey ay agad naman itong lumalapit sa kanya. 



Ayon kay ginoong Ma ang kanyang aso ay matalino at mas matalino pa sa mga aso na nakikita sa mga telebisyon.


Hindi sapat ang kinikita ni ginoong Ma sa pagiging sapatero sa pang-araw araw nyang gastusin kaya naman madalas ay hindi sya nakakakain ng sapat. 


Madalas din syang nagugutuman at kapag hindi na sya makatiis sa kanyang gutom ay kumakain lang sya ng persimmon na prutas na nakatago sa ilalim ng kanyang higaan. Minsan naman ay binibigyan sya ng kanyang mga kapitbahay ng pagkain pero my mga pagkakataon na nakakakain sya ng mga luma o mga tira tirang pagkain.



Parang may sariling isip ang aso ni ginoong Ma dahil naiintindihan nito ang kalagayan ng buhay nya. Hindi ito humihinge ng pagkain kay ginoong Ma, nagkukusa itong humanap ng makakain o di kaya ay kinakain nya ang mga pagkain na bigay ng kapitbahay ni ginoong Ma sa kanya pero minsan naman ay pinapakain din sya nito ng tinapay.


Hindi rin nito inaabala si ginoong Ma kapag ito ay nagtratrabaho dahil sya ay tahimik na natutulog sa isang tabi. Hindi din nya ginugulo o inaaway ang mga kustomer ni ginoong ma at kapag naman umalis na ang mga kustomer ay lumalapit ito kay ginoong Ma para maglambing at makipaglaro.


Isang araw ay may lumapit kay ginoong Ma at nagalok ng pera kapalit ng malaking aso pero hindi nya ito tinanggap. Kahit na mahirap ang buhay ni ginoong Ma, hindi sya huminge o nanlimos ng pero dahil gusto nyang pinaghihirapan ito. Ang presensya ng kanyang malaki at kulay brown na aso ang nagsisilbing inspirasyon nya para lampasan ang anumang hamon sa kanyang buhay.


Talaga namang nakakahanga ang samahan na mayroon si ginoong Ma at ang kanyang aso. Sana lahat ng tao ay may ganitong pagmamahal sa mga hayop dahil marami parin tayong naririnig na kwento ng mga inaabuso at sinasaktan na aso sa ibang lugar sa mundo. Sana patuloy natin silang pangalagaan kagaya ng ginagawa ni ginoong Ma.

source: goodtimes




SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only