Friday, 4 May 2018

Isang Babae, Iniwan ng Asawa Matapos Maputulan ng Dalawang Paa Dahil sa Isang Trahedya, Pero Makalipas ang 9 na taon Isa na sya sa Inspirasyon at Hinahangaan ng Karamihan

Sa panahon ngayon mas madaming kalalakihan ang nahuhumaling sa mga babaeng magaganda at seksi. Pero may mga pagkakataon na kahit anong ganda ng kanilang asawa ay nagagawa parin itong iwan lalo na kung ito ay may kapansanan katulad ng mga nabulag, nabingi o na naputulan ng paa.


Katulad nalang ng kwento ng isang magandang babae na naputulan ng mga paa dahil sa isang malagim na trahedya, ang masakit pa dito ay nawala ang kanyang anak dahil sa trahedyang ito. Narito ang kanyang kwento.

Nagkaroon ng isang malakas na lindol na nagdulot ng matinding pinsala at kamatayan sa lugar ng Sichuan, China noong May 2008.


Marami sa mga taong nakatira doon ang nasaktan at nawalay sa kani kanilang pamilya. Kabilang dito si Liao Zhi, isa sa mga residenteng nagtamo ng matinding lungkot dahil sa pagkawala ng isang taong gulang niyang anak at pati ang kanyang magkabilang paa.

Nanirahan si Liao Zhi, kasama ang kanyang asawa at anak, sa Sichuan bago mangyari ang malagim na insidente. Wala nang mahihiling pang iba si Liao Zhi dahil sa kanyang masayang pamilya.

Ngunit ito ay naglaho nang mawalay sa kanya ang pinakamamahal niyang anak. Dagdag pa rito ang pagka-ipit ng kanyang magkabilang paa matapos mabagsakan ng isang bagay na mabigat galing sa gumuhong gusali.




Dahil sa natamong mga malulubhang sugat, kinailangang putulin ng mga doktor ang kanyang nabubulok na paa upang hindi pagmulan ng impeksyon at di na kumalat pa sa ibang bahagi ng katawan.

Naging malaking pagsubok kay Liao Zhi ang kanyang naranasan dahil sa kanyang trabaho bilang isang guro sa pagsasayaw.

Hindi nagtagal, iniwanan din siya ng kanyang asawa dahil sa pagbabago ng kanyang itsura mula ng siya’y maputulan ng paa.


Sa kabila ng lahat, hindi sumuko si Liao Zhi sa kanyang buhay. Bagkus, pinili niyang maging positibo at determinado sa pagkamit ng kanyang mga pangarap na maging tanyag na mananayaw. Nagpakabit siya ng artipisyal na mga paa upang maipagpatuloy ang pagtuturo sa pagsasayaw.










Limang taon ang nakalipas, naulit muli ang isang malakas na lindol na nagdulot ng delubyo sa Ya An, China. Napag-isipan ni Liao Zhi na tumulong sa mga nasalanta ng lindol dahil sa mga naranasan niyang masasalimuot na alaala.

Nagboluntaryo siyang pumunta sa mismong lugar ng lindol upang tumulong sa kabila ng hirap sa paggamit ng artipisyal na paa.


Ikinamangha ito ng marami dahil sa kanyang nakakabilib at napaka buting puso sa mga biktima ng lindol. Nagulat sila sa ipinamalas na kabutihan ng napakagandang babae na si Liao Zhi sa kabila ng hirap na kanyang dinaranas.







Inamin ni Liao Zhi na hindi niya kayang indain ang mga nangyayari at maupo na lang ng walang ginagawa. Dagdag pa niya, hindi raw siya mag-aatubuling tumulong sa mga trahedyang naranasan niya katulad noon.






Inamin niya rin na isa sa mga tumulong sa kanya noon ay naging inspirasyon niya sa pagtulong sa mga nangangailangan ngayon.


Nasabi rin ni Liao Zhi na napatawad niya na ang kanyang dating asawa sa pag-iwan sa kanya at nakatulong ito upang mapatibay ang kanyang sarili.

Dahil dito, nakatagpo si Liao Zhi ng lalaking higit na nagmamahal sa kanya at tanggap kung ano ang siya at ano lang ang meron siya.

Pinakasalan si Liao Zhi ng bagong lalaki sa buhay nya at inamin nya na sobra ang pagpapasalamat nya sa diyos dahil sa pangalawang pagkakataon na ibinigay nito para umibig muli.


Anong masasabi niyo sa napakagandang si Liao Zhi? Ibahagi ang inyong reaksyon sa artikulo na ito.

source: goodtimes




SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only