Sunday, 6 May 2018

Isang Babae Madalas Huminge ng Pera sa Kanyang Ate. Isang Araw Imbis na Pera, Machete at Martilyo ang Ibinigay na naging Dahilan ng Kanyang Pagbabago

Isang babae ang nanghihingi ng pera sa kanyang kapatid. Isang araw, binigyan siya ng palataw at martilyo ng kanyang kapatid sa halip na pera at ang rason ay kanyang ikinagulat.


Isang araw, Si Hannah ay nagpunta sa bahay ng kanyang kapatid upang bumisita. Gayun pa man, ang kanyang pagbisita ay hindi malugod na tinanggap ng kanyang kapatid na si Esther.

Batid ni Esther ang tunay na pakay ni Hannah sa kanyang pagbisita; upang manghiram ng pera. Madalas siyang maraming dahilan upang magbigay ng pera si Esther sa kanya sa tuwing siya ay bumibisita. Ngunit sa pagkakataong ito, Nais ni Esther na maghigpit kay Hannah. Hindi nito gusto na madaling makakuha ng pera si Hannah. Kung hindi, hindi ito magbabago at patuloy na magpapabalik balik para sa pera.


Noong araw na iyon pagdating ni Hannah sa bahay ng kanyang kapatid, hindi ito nagdalawang isip na sabihin kay Esther na nangangailangan ito ng pera. “Esther, wala na ako halos pera. Pwede mo ba akong pautangin ng $400?”

Nang marinig niya ang kadalasang nasasabi nito, ngumiti lamang si Esther at nagsabing, “Hannah, bibigyan kita ng $800 sa pagkakataong ito ngunit kailangan mo muna akong tulungan”.

Nabigla si Hannah na makita ang mahinahong reaksyon ng kanyang kapatid. Di gaya ng araw na iyon, Si Esther ay magbubunganga ng napakahaba bago niya bigyan ng pera si Hannah kaya natutuwa siya sa kanyang alok.

“Ano ang maitutulong ko sayo?” banggit ni Hannah sa kanyang kapatid. “Gagawin ko ang kahit na anong gusto mong gawin ko, magtiwala ka!”
“Buweno, maraming nakasalansang panggatong sa sa likod-bahay pero hindi ko to masibak lahat dahil hindi ko makita ang aking palakol, ngunit meron akong palataw at martilyo na pwede mong gamiting pamputol ng mga kahoy. Kung makakaya mo itong matapos bago magdilim, bibigyan kita ng $800. Ngunit sa dalawang kondisyon, hindi ka pwedeng humingi ng tulong sa kahit sino o gumamit ng iba pang bagay bukod sa palataw at martilyo,” sabi ni Esther.


Pumunta si Hannah sa likod-bahay at binilang ang mga punong kahoy na kailangan niyang sibakin. Merong kabuuhang na 200 na punong kahoy. Kinakailangan niyang putulin ang mga ito sa apat na bahagi at meron na lamang siyang tatlong oras bago ang takip-silim.
Naisip ni Hannah na kaya niya itong gawin kaya’t sinabi niya kay Esther na gagawin niya ang pagsisibak ng kahoy. Maya-maya pa ay nagsimula na siyang ng magsibak ng kahoy at sa loob lamang ng kalahating oras ay nakaya niyang magsibak ng higit pa sa 50 punong kahoy.


Sinabi nya sa kanyang kapatid ng may kompyansana na makakaya niya itong matapos kaagadagad na kailangan ng kapatid niyang magbigay sa kanya ng pera na kanyang pinangako.


Gayunman, lumabas na ang gawaing iyon ay mas mahirap pala sa inaakala ni Hannah.
Sa sumunod na oras, napansin niyang unti-unti siyang bumabagal at ang kanyang mga kamay ay puno na ng paltos sa pagsisibak ng kahoy.


Hindi niya kayang sibakin ang lahat ng punong kahoy at siya ay masyado ng pagod upang ipagpatuloy ang gawain. Kaya, sinabi niya kay Esther na hindi niya kayang tapusin ang trabaho. Ang kanyang mukha ay namula sa kahihiyan dahil hindi niya makukuha ang pera na inalok sa kanya ng kanyang kapatid kung hindi niya matatapos ang Gawain.

Siya ay nagulat nang ibinigay ni Esther ang pera. “Heto ang iyong $800. Kunin mo,” Sabi ni Esther kay Hannah habang inaabot sa kanya ang pera.


Habang kinukuha niya nag pera mula sa mga palad ng kanyang kapatid, napansin niya na nag kamay ng kanyang kapatid ay puno ng paltos mula sa pagtratrabaho nang mabuti upang mabuhay.

Si Esther ay tatlong taong mas matanda lamang sa kanya ngunit siya ay higit na may mas hinog na pagiisip.

Ano ang masasabi mo sa artikulo? Magcomment at ishare!

source: goodtimes



SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only