Friday, 11 May 2018

Isang Babae, Napansin ang Isang Nilalang na Nanghihina Habang Naglalakad Papasok sa Trabaho, Nang Dalhin nya ito sa Doktor Doon nya na Nalaman na Isa pala itong Rare Treasure.

Minsan sa buhay ng tao maraming pangyayari na dumarating na hindi inaasahan mapa swerte man ito o malas.


Pero para sa isang babae ang kanyang natagpuan habang naglalakad papunta sa kanyang trabaho ay masasabing isang swerte kahit natakot siya nuong una.


Habang naglalakad ang isang babae papunta sakanyang trabaho bigla nalang siyang may napansin na isang nilalang na walang buhok at nanghihina ang itsura ng nilalang ay kakaiba at mejo nakakatakot na tila mukang halimaw.

Dahil siya ay naintriga sa kung ano man ang nilalang na ito, walang katakot takot nyang kinuha at dinala ito sa isang beterinaryo dahil napansin nya itong nanghihina.


Pagdating sa doktor agad sinabi ng beterinaryo na ang kanyang natangpuang hayop ay: “This is really rare! It is called ‘Aardvark’. Wow!” sabi ng doktor.

Ayon sa paliwanag ng doktor na ang Aardvarks o tinatawag na 'ant bear' o 'ground pig' ay isang uri ng hayop na na may kaugnayan sa mga elephants and manatees. Ang nasabing hayop na ito ay puwedeng lumaki hanggang 1 to 1.5 metro at pag isinama pa ang buntot nito posible pa itong umabot hangang 2.2 metro ng haba.

Ang ganitong uring klase ng hayop ay maihahalintulad sa ateaters, pero ang isang ito ay nocturnal hindi katulad ng anteaters na pwedeng diurnal or nocturnal.


Ang mga Aardvarks ay madalas matatagpuan sa mga liblib na kuweba at ang madalas na hilig kainin ay mga langgam at ibang uri ng insekto.


Nang suriin ng doktor ang 'ground pig', nadiskobre nya na ang nilalang na ito ay mayroon isang contracted disease. Hindi din nito magawang buksan ang kanyang mga mata dahil sa sakit kaya agad itong ginamot ng doktor.

Matapos ito gamotin ng doktor, agad nya itong kinarga at pinaimon ng gatas na parang isang sanggol. Nang isubo ng doktor ang gatas sa 'ground pig' agad nitong binuksan ang kanyang bunganga.


Dahil walang oras na magalaga at walang pagiiwanan ang babaeng nakakita sa nilalang na ito ay nagdesisyon ang beterinaryong doktora na siya nalamang ang magaampon dito.

Inuwi ng doktor ang 'Ground Pig' sa kanyang bahay at ng dahil sa sobra sobrang atensyon, pagmamahal, at pag aalaga nya dito agad naka recover at naging malakas ang pangagatawan ng 'ground pig na ito'.


Hindi nagtagal handang handa na sya na tuklasin ang kapaligiran dahil halos 100 na porsyento na itong magaling at nasa magandang kondisyon ang pangagatawan.


Pag nakakakita ang aardvark na ito ng mga bagong hayop na dinadala sa klinik ng doktor ay nagpupumiglas ito at gustong makatas dahil gustong lapitan ang bagong hayop at makipaglaro.


Sa una talaga matatakot ka pero kung titignan mo sya sa ibang angulo katulad ng kanyang behaviour siguradong magugustohan mo na magkaroon ng isang aardvark na kagaya nito.
Ano ang masasabi nyo sa artikulong ito? Ibahagi saamin ang inyong opinyon.

source: goodtimes






SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only