Friday, 11 May 2018

Isang Babae Sobra ang Tuwa ng Malaman na Positibo ang Kanyang Pregnancy Test, Pero Napalitan ng Takot at Lungkot ang Kanyang Tuwa ng Ibunyag ng Doktor ang Katotohanan sa Likod ng Kanyang Pagbubuntis

Ang anak ay isang biyaya na mula sa ating panginoong Diyos. Ito ang dahilan ng kasiyahan sa mga mag-asawa at ang bumubuo sa tinatawag nilang pamilya. 


Pero ang kuwento ng magasawang ito ay nakuha ang atensyon ng netizens sa social media matapos nila ibahagi ang karanasan nila sa tinatawag na Molar Pregnancy.


Mayroong magasawa na tuwang tuwa ng malaman nilang madadagdagan nanaman ng isa ang kanilang pamilya. Ngunit mayroong kakaibang naramadaman ang babae habang pinagbubuntis niya ang pangalawa nilang anak at ayon pa sa kanya na ngayon nya lang ito naramdaman.


Dahil sa nararamdaman ng asawang babae nagdesisyon silang magpatingin sa doktor at hindi nila inaasahan ang resulta ng kanilang check-up. 


Ayon sa doktor, nagulat siya sa kanyang nakita dahil imbis na sanggol ang makikita niya sa loob ng sinapupunan ng babae, ay puro tumor ang laman nito. Dahil sa kanyang nakita tinawag niya ang pagbubuntis ng babae na "molar pregnancy" at para tanggalin ang mga tumor kailangang siyang operahan.



Anu nga ba ang 'Molar' pregnancy at anu ang dahilan kung bakit nagkakaroon nito?.

Ang molar pregnancy ay isang uri ng sakit sa sinapupunan ng babae, nangyayari ito kapag lumalaki ang inunan ng babae at ito ay naglalaman ng mga tumor na dahilan para ang fetus ay hindi mabuo. 


May mga pagkakataon din na nagiging fetus ang isang tissue ngunit ito ay nagiging abnormal dahilan para ito ay hindi mabuhay at kung mabuhay man ay hanggang tatlong buwan lamang. 


Ito ang naging dahilan kung bakit inakala ng magasawa na buntis ang asawang babae dahil nagpapakita din ito ng mga sintomas na kagaya sa buntis katulad ng morning sickness.


Kailangan magamot agad ang babaeng nagkakamolar pregnancy at dapat matangal lahat ng tumor para hindi na ito humantong pa sa malalang kondisyon. ayon sa doktor.


Maswerte din ang asawang babae dahil nakagawa ng paraan ang mga doktor para hindi na ito dumaan pa sa hysterectomy o ang paraan kung saan kailangan tanggalin ang kanyang lamang loob para lang maalis ang tumor sa kanyang sinapupunan.


Kahit na hindi talaga sila magkakaroon ng isa pang anak ay masaya pa din sila dahil nakaligtas ang asawang babae sa panganib na pwedeng idulot sa kanya ng molar pregnancy.





SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only