Wednesday, 16 May 2018

Isang Barko ang Misteryosong Lumitaw sa Baybayin ng Coronado, California Matapos ang Isang Napakalakas na Bagyo

Noong taong 2016, nagkaroon ng napakatinding bagyo na halos sumira sa baybayin ng Coronado, California. Ngunit nang matapos ang hagupit ng bagyong El Niños, hindi inaasahan ng mga residente ang isang misteryosong bagay na lumitaw dulot ng mapaminsalang hangin at malalakas na ulan mula sa ilalim ng dagat.


Hindi na bago para sa mga taong naninirahan na malapit sa baybaying ng Coronado, California ang mga bagyong dumaraan sa lugar nila pati na rin ang delubyong dinulot nito.


Kaya ng matapos ang matinding pamiminsala ng bagyo, ninais ng mga residente na linising muli ang kanilang lugar at ang baybayin na kung saan mas napinsala ng bagyo. Ngunit hindi nila inaasahan na makikita nila sa South Coronado Beach ang isang kakaiba at napakalaking bagay na malapitlang sa pampang.


Hindi sila sigurado kung ano ang malaking bagay na ito at halos pinagkaguluhan ito ng mga residente. Kung tutuusin, kinakailangan ng napakatagal na panahon bago tuluyang mabungkal ang bagay na ito.


Buti na lamang ay naaagos ng dagat ang mga buhangin na nakapaligid dito. At hindi nagtagal, nabunyag ang sikreto na nakabaon sa baybayin nito.




Isang napakalaking barko ang nakita na ikinamangha naman ng mga residente ng Coronado Beach. Hindi nila inaasahan na makakakita sila ng lumang barko na tulad nito.


Kasing laki ito ng isang bloke ng siyudad na kinailangan pa ng napakatinding bagyo bago maungkat sa ilalim ng mga buhangin.


Sa tuwing darating ang bagyo tuwing El Niño sa mga kilalang lugar sa California, siguradong marami ang mapipinsala at masisira dulot nito. Kaya naman lahat ng tao sa kanila ay naghahanda at nagsisilikas patungo sa ligtas na lugar.


Ang bugso ng hangin na nagmumula sa mga bagyo dulot ng El Niño ay kayang paliparin ang mga maliliit n bangka na madaraanan nito. Ngunit ang bagyong tumama dito ay hindi katulad ng mga nakaraang bagyo dahil nagawa nitong anurin ang napakalaking barko na ito.



Marami ang nagtataka kung ano at saan galing ang barkong ito. Ngunit nang makalikom ng sapat na impormasyon ang mga taong nais usisain ang barkong ito, nalaman nila na ito ay ang SS Monte Carlo na binuo noong 1921 sa Wilmington, North Carolina. Ang 300-dipang barkong ito ay isa sa mga barkong ginawa matapos ang World War I.


Ang US Quartermaster Corps ang nagmamay-ari sa barkong ito noong 1923 ngunit hindi nagtagal ay binenta naman sa Associated Oil Company of San Francisco. Pagkatapos ay naibenta naman ito sa dalawang ilegal na negosyante na sina Ed Turner at Martin Schouwiler noong 1930’s.


Ginawa naman nilang barkong pang-aliwan ito noong panahon ng “Prohibition.” Naisip nila na hindi sila maaaring mahuli dahil tatlong milya ang layo ng barko ito sa baybayin ng dagat ng Coronado dahil malayo sila sa nasasakupang batas nito.


Pero kung tutuusin ay halos naging legal prostitusyon, alak pati na rin ang pagsusugal sa barkong ito.

Naging sikat ang barkong ito noong mga panahon ng “Prohibition” at dinagsa ito ng maraming tao dahil sa mga ilegal na aktibidad na nangyayari sa barkong ito. Hindi ito ang unang barkong na may ganitong aktibedad, ngunit sinasabing ito ang pinakamalaki sa lahat ng barkong pang-aliwan na para sa mga ilegal. Tinatayang 15,000 taong mahilig sa sugal ang bumibisita sa barkong ito kada-linggo.



Tinatayang kumikita ang barkong ito ng halos tatlong milyong dolyares kada-taon na kung ikukumpara ngayon ay nasa 52-milyong dolyar. Ngunit noong 1937, binagyo ang barkong ito at dinala sa pampang ng South Coronado Beach.


Makalipas ang mahabang panahon ay natabunan na ito ng buhangin. Ngunit ngayong 2016, muli itong bumalik sa mundo dahil sa matinding hagupit ng bagyo na kinayang anurin ang makakapal na buhangin.


Nang makita ng mga tao ang barkong ito, madaling kumalat ang pagkakadiskubre sa barko. Dahil sa social media, sumikat muli ang barkong ito at halos lahat ng taong nakakita dito sa social media ay gusto itong mapasyalan.



Maraming ang mga bumisita sa lugar na ito ag sinabing nakakatakot itong lapitan dahil sa mga matatalas na bahagi at mga kalawang nagkalat sa barko.


May mga kwento rin na nagkalat tungkol sa gintong barya na naiwan sa loob nito na tinatayang mahigit kumulang na $150,000.


Anong masasabi niyo sa pagkadiskubre sa barkong ito. Ibahagi ang inyong reaksyon sa artikulong ito.







SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only