Friday, 18 May 2018

Isang Cute na Baby Panda, Nagviral Matapos nito Sundin ang Inuutos ng Kanyang Amo na MagBehave muna sa Tabi Habang Naglilinis ito

Ang mga tao ay sadyang mahilig mag-alaga ng mga hayop lalo na kung ito ay maganda, mabait, cute at makakapagbigay sayo ng kakaibang saya. Katulad nalang ng kwento ng isang mabait at cute na cute na baby pandana.


Kapag sinabing panda ang una agad nating naiisip na bansa ay ang bansang China marahil dahil mas madaming panda dito kaysa sa ibang bansa. Ito din ang tinaguriang China's National Treasure at marami din ang naaliw sa kacutetan nito ngunit hindi lahat ng panda ay mabait mayroon din namang mga pandang matatapang.



Isang baby panda sa Sichuan, Wolong ang nakaagaw ng pansin sa mga mamamayan dahil iba ang ugali nito kumpara sa ibang panda. Ang nasabing panda ay hindi katulad ng ibang panda na makulit, pasaway at sakit sa ulo dahil ito ay mabait at masunurin sa nag-aalaga sa kanya.


May mga larawan na ibinahagi sa social media na nagpapakita kung gaano kabait at masunurin ang nasabing baby panda. Makikita sa mga larawan na pansamantala siyang inilagay sa isang sulok ng nag-aalaga sa kanya.


Sinabi din nito sa panda na kung pwede ay doon muna siya sa isang sulok dahil siya ay maglilinis at para mabilis din siyang matapos sa kanyang gagawin, para pag tapos na siya ay pwede na ulit siyang yakapin at laruin nito.


Para namang may isip ang panda dahil naintindihan at sinunod niya talaga ang amo niya na doon lang siya sa isang sulok at hindi siya nagpasaway dito.


Kung titingnan nyo ang mga larawan ay tila naging isang statwa ang panda sa isang sulok at parang sinasabi sa kanyang amo na "balikan at yakapin mo agad ako ha kapag tapos kana sa iyong ginagawa".


Ang nakakatuwa pa ditong tingnan ay hindi talaga siya gumalaw o nagbago manlang ng posisyon at parang gusto niyang sabihin na "Madam can I move now"?.

Talaga namang nakakatuwa ang baby panda sa kanyang ginawang pagsunod sa kanyang amo, kaya hindi nakakapagtaka na nagbigay ito ng ingay sa social media.

source: goodtimes




SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only