Saturday, 12 May 2018

Babae, Nairita Dahil sa Walang Tigil na Pagngiyaw ng Kanyang Pusa sa Ilalim ng Kanilang Hagdan, Nang Puntahan niya ito para Patigilin, Laking Gulat niya ng Malaman niya ang Dahilan ng Walang Tigil na Pagngiyaw nito

Hindi maipagkakaila na Ang mundo natin ay puno na ng kaguluhan ngunit may mga bagay pa din na pwedeng makapagpabilib sa atin.


Katulad na lang ng kuwento ng mga hayop na nakakagawa ng kakaiba at nakakaaliw na mga tricks. Ngunit bukod sa nagbibigay sila sa atin ng kakaibang aliw ay may mga bagay din silang ginagawa na talaga namang lagpas na sa ating imahinasyon.



Isa na dito ang isang pusa na nagbigay ng ingay sa mga balita sa bansang Russia. Hindi dahil nakaka-aliw ito, ngunit dahil sa ginawa nitong pagligtas sa isang sanggol. Heto at basahin ang ginawa ng bayaning pusa na si Masha.


Ayon sa mga residente ng isang apartment sa Russia, isang pusang palaboy ang madalas nilang nakikitang tumambay sa apartment. Kulay gray ito, na may tila stripes na black at brown ang balahibo.


Isang araw narinig ng mga residente ang walang humpay na pag-meow nito sa may paanan ng hagdan. Dahil sa naalala nila ang pusa na madalas nilang makita sa apartment ay inakala nilang nasugatan ito o naipit sa hagdan.

Agad na sinundan ng isang residente na si Madeschda Machikowa ang tunog hanggang sa makita niya ang pusa na si Masha, pero lingid sa kaalaman ni Madeschda kaya pala humihiyaw ang pusa ay dahil may gusto itong iparating na talagang ikinagulat ng babae.


Isang retired na residente ang 65 anyos na si Machikowa, at inamin nito na talagang malapit siya sa pusa. Kaya naman nang marinig niya ang paghiyaw nito ay hinanap niya agad ang pusa. Ayon sa kanya, nakita niya ang pusa na nakapulubot sa isang sanggol na nakalagay lamang sa karton.


Dito niya napagtanto na kaya humihiyaw ang pusa ay upang makahinge ito ng tulong para sa sanggol na inabandona ng magulang. Nasaksihan ni Machikowa kung paano pinotektahan ng pusa ang sanggol, sa pamamagitan ng pag patong dito upang hindi ito malamigan at pag dila nito sa pisngi ng sanggol upang hindi ito umiyak.


Agad na tumawag ng ambulansya si Machikowa, at kasama ang pusa ay inabangan nila kung ano ang kalagayan ng sanggol. Ayon sa isa sa mga paramediko na si Vera Ivania, “She was so worried about where we were taking the baby. She ran right behind us, meowing. She was really a rational creature.” [Labis na nag-alala ang pusa kung saan namin dadalhin ang sanggol. Sinundan niya kami at nag-meow. Talagang isa siyang matalinong pusa.]


Marami na ngayon ang bilib kay Masha, ang bayaning pusa kaya naman ang mga residente sa apartment ay sinusiguradong may pagkain siya palagi at naalagaan ng mabuti.


Mukhang nakahanap na ng tirahan ang bayaning pusa. Kung hindi dahil kay Masha, ay maaaring tuluyang magkasakit ang sanggol dahil tiyak na hindi nito kakayanin ang lamig ng klima sa Russia.

Sa kabilang banda, patuloy ang paghahanap ng mga pulis sa mga magulang ng lalakeng sanggol na inabandona sa apartment sa Russia.

source: goodtimes




SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only