Tuesday, 1 May 2018

Isang Gifted Child na Nakapagtapos ng Kolehiyo sa Gulang na 13 Muntik na Masira ang Kinabukasan Dahil sa di Inaasahang Trahedya

Si Jasmine Li Lysistrata ay isang batang henyo mula Amerika na ipinanganak noong March 13, 1991. Nagsimula siyang matutong magbasa noong siya ay isang (1) taong gulang pa lamang at nakapagtapos naman ng kolehiyo sa edad na trese (13).


Siya ay hinirang na pinakabatang nakapagtapos ng kolehiyo sa Montana State University na may kursong Mathematics. Noong siya ay nag-aaral pa lamang ay pinalitan niya ang kanyang pangalan sa isang Griyegong pangalan na Promethea Olympia Kyrene Pythaitha.

Ngunit sa kabila ng natamong biyaya sa pagkakaroon ng di pangkaraniwang katalinuhan, ay muntik nang mawasak ang kanyang buhay dahil sa isang di inaasahang trahedya.

Ang kanyang inang si Georgia Smith, isang Greek-immigrant, na noon ay 36 taong gulang at may anak nang dalawa sa unang asawa ay nag-aaral noon sa Montana State University sa Bozeman ng kursong Literatura noong napag-alaman niyang buntis siyang muli sa isa sa mga dati niyang nakarelasyon.


Kahit siya ay isang single mom ay minabuti niyang ipagpatuloy ang kanyang pagbubuntis dahil para sa kanya ay biyaya ito ng Maykapal. “Kung ito ay hinayaang ng Diyos na pumasok ito sa aking sinapupunan, papatnubayan niya rin na ito’y mailabas ko ito ng maayos.”, ani niya. Ngunit ang isa pang problema ang kinakaharap ni Georgia; dahil sa kanyang dating medical condition ay sinabihan na siya ng doctor na mahihirapan siya sa pagbubuntis at maaring magkaroon ng mga komplikasyon na maaring ikapahamak niya at ng kanyang dinadalang sanggol. Ngunit sa kabila ng mga bantang ito ay pursigido parin si Gorgia na ipagpatuloy ang kanyang pagdadalang-tao.

Larawan ni Georgia at at ng anak niyang si Jasmine:


ANG PAGKADISKUBRE SA PAGIGING HENYO NG BATANG SI JASMINE

Inabisuhan na ni Georgia ang kanyang midwife na siya ay manganganak na noong Marso 13, 1991. Ngunit noong araw ring iyon ay kasalukuyang nasa pastulan ang midwife kasama ang isang beterinaryo upang gamutin ang isang sugatang tupa. Ilang oras rin siya naghintay at naghirap habang naglalabor.

Noong dumating ang midwife ay marami nang dugo ang nawala kay Georgia ngunit agad naman itong nagawan ng paraan at naging matagumpay ang kanyang panganganak sa isang bouncy baby girl na pinangalan niyang Jasmine Li Lysistrata. Pero pagkalipas ng araw ay nagkaroon ng impeksyon ang bata.

Hinuha niya na maaaringl ito ay dahil sa kagamitang pang-operang ginamit ng kanyang midwife noong siya ay nanganak. Marahil ay ginamit niya ang kaparehas na kagamitan sa tupa at sa kanyang anak na at hindi man lang nilinisan o pinakuluan bago gamiting muli. Nakarekober naman ang bata matapos ang ilang araw na gamutan.


Habang lumalaki si Jasmine ay unti-unti ring nadidiskubre ni Georgia ang pambihirang dunong ng kanyang anak. Noong siya ay 6 na buwan pa lamang ay nakakapagsalita na ito ng dire-diretsong mga pangungusap na kung saan ay kadalasan ay magagawa lamang ng karamihan sa mga 18 buwan na sanggol.

Si Jasmine ay nagsimula na ring kumilala ng mga salita at makapagbasa noong siya ay 9 na buwan pa lamang. Siya ay nagbabasa ng napakaraming libro gaya ng mga nobelang may larawan at mga librong pang agham na dinadala ni Georgia mula sa MSU library kung saan siya ay isang full-time na estudyante.

Ginawa niya ito upang may pagkaabalahan si Jasmine habang siya ay malayo at ito ay nagsilbing isang alternatibong paraan dahil hindi niya kayang pagsabayin ang pagtuturo sa kanyang anak sa kanilang bahay habang siya ay nagaaral.

ANG PAGTUGTOG NG PIANO NI JASMINE


Batid ni Georgia na na ang kanyang anak ay likas na matalino na kanyang parehas na ikinalulugod at pinangangambahan sa kadahilanang siya ay isang single parent na naninirahan sa isang bahay kalinga habang tinataguyod ang kanyang henyong anak ay isang malaking hamon para sa kanya.

Noong si Jasmine ay tumungtong sa 2 taong gulang noong taong 1993, sila ay kinailangang umalis ng California dahil inakala ng Montana’s Department of Child and Family Services na hindi kaya ni Georgia na mapangalagaan ang kanyang mga anak na si Apollo at Jasmine dahil sa kakapusan ng perang pantustus sa mga ito.


Sa halip na ipaubaya ang kanyang mga anak sa ikinauukulan, minabuti ni Georgia na umalis papuntang San Francisco bago pa bumalik ang Family services sa pangalawang pagkakataon at bago nya matapos ang kanyang kurso sa Literature. Ang kanyang pinaka matandang anak na si Vanessa na noon ay 18 taong gulang ay nagpaiwan kasama ang kanyang asawa na noo’y bagong kasal pa lamang sila.

PAGAARAL KASAMA NG KANYANG PROPESOR


Sila ay nakakita at nangupahan sa isang marumi at maliit na apartment na may sira-sirang bubong at pinaninirahan ng mga daga. Nakahanap ng trabaho si Georgia na panggabi sa isang post office malapit sa kanila kung saan ay binabayaran lamang siya ng 7 dolyar kada oras at sa loob ng 7 beses sa isang linggo.

Ang kanyang pagiging matatag at kagustuhang itaguyod ang kanyang pamilya ang siyang nagsisilbing dahilan upang siya ay magpatuloy sa buhay.

Habang siya ay malayo, si Jasmine ay nagbabasa ng anumang babasahin na binili para sa kanya lalong lalo na ang mga libro patungkol sa matematika. Ito ay kanyang ginagawa dahil hirap siyang makatulog habang wala ang kanyang ina at ang pagbabasa ng libro ay nakapagbibigay sa kanya ng aliw.

ANG PAGBISITA NI JASMINE SA STANFORD LINEAR ACCELERATOR CENTER


Si Jasmine ay mabilis na natuto ng matematika tulad ng pagkatuto nya sa alpabeto at di nagtagal ay siya ay naging dalubhasa sa mga fractions, multiplications at decimals. Siya ay mabilis na nakakaintindi ng mga konsepto ng matematika na sa sobrang bilis ay natuto siya ng algebra noong siya ay apat na taong gulang pa lamang.

Tinuruan din ni Georgia ang kanyang anak ng Heograpya, kasaysayan, literatura, at musika lalo’t higit ang pagtugtog ng Piano. Pagkalipas ng isang taon kung saan si Jasmine ay nasa hustong gulang na upang pormal na makapagaral, ang kanyang ina ay nahirapan maghanap ng pampublikong paaralan para sa kanyang anak dahil sa kanyang taglay na talento.

Di kinalaunan ay kanyang natuklasan ang Nueva Private Institution na isang eskwelahan para sa mga gifted children. Ito ay perpektong lugar para kay Jasmine para sa kanyang pormal na edukasyon ngunit ang napakamahal na bayarin nito ay hindi kakayanin ng kinikita ni Georgia. Bilang alternatibo, nagbayad si Georgia ng $200 upang payagan ang kanyang anak na kumuha ng IQ test sa pag-asang Makita ng institusyon kung gaano kagaling si Jasmine at mabigyan ito ng libreng scholarship.

Si Jasmine ay kumuha ng nasabing pagsusulit at natapos nito sa loob ng isang oras lamang at ang tangi na lamang nilang magagawa ay antayin ang resulta nito na darating sa pamamagitan ng sulat. Ang resulta ay lumabas makalipas ang ilang araw. Si Georgia ay nagulanta nang Makita nito na nakakuha ang kanyang anak na iskor na 99.9 na porsyento.


Kahit alam pa niya na ang kanyang anak ay may angking kagalingan, ngayon ay naputunayan niya sa kanyang sarili na ang kanyang anak ay walang kadududang isang henyo. Ang kasiyahang ito ay hindi nagtagal nang nabalitaan nila na si Vanessa at ang kanyang pamilya ay nasangkot sa isang malalang asksidente kung saan ang kanilang sasakyan ay tumaob.

Pinaalam ni Georgia sa kanyang landlord at kayang mga superiors sa post office ang pangyayari at dali-daling umalis kasama ang kanyang mga anak na si Apollo at Jasmine patungo sa Montana. Si Vanessa ay naparalisa mula sa kanyang dibdib pababa, samantalang ang kanyang asawa ay idineklarang brain dead nang marating nila ang hospital ngunit ang anak ni Vanessa at ang kanyang bayaw na kabilang din sa aksidente ay walang natamong pinsala.

Sila ay nanatili upang pangalagaan si Vanessa hanggang siya ay masanay sa kanyang wheelchair. Si Vanessa ay meron ding health aide na siyang tumutulong sa kanya na subsidiya ng gobyerno.

Nang masanay na ang kanyang panganay na anak sa kanyang bagong kalagayan, bumalik na sina Georgia sa kanilang inuupahang apartment sa San Francisco ngunit hindi nila alam na meron pang panibagong problema silang haharapin dahil nalaman nila na pinalayas na pala sila ng kanilang landlord nf walang abiso noong sila ay matagal na nawala.

Dagdag pa rito ay nawalan din sya ng trabaho sa post office dahil sa pagkawala ng kanyang permanenteng tirahan. Dahil sa kahirapan, wala siyang nagawa kundi ipaampon ang kanyang isang anak na si Apollo sa mga kamaganak at nagsimulang mamuhay sa kanyang maliit na van kasama si Jasmine. Sila ay nagmamaneho pa libot-libot sa umaga at sa gabi naman ay maghahanap ng paradahan upang magpalibas ng gabi.

Ninais ni Georgia na gumawa ng paraan para sa kanyang anak upang maalis sa kanyang isipan ang kanilang pagka kapus-palad at nakahanap ng perpektong paraan upang gawin ito. Isang umaga ay nagising na lamang si Jasmine habang sila ay nakaparada sa isang lote sa pinapangarap niyang unibersidad, ang Stanford University kung saan matatagpuan ang Stanford Linear Accelerator Center (SLAC).

Ang kanyang mga mata ay kumislap habang siya ay tumatalon mula sa kanyang kinauupuan habang pinapaliwanag sa kanyang ina kung gaano siya kasaya noong araw na iyon. Alam naman nating lahat kung gaano kagusto ng karamihan sa mga bata pumunta sa Disneyland, dahil dito nangyayari ang lahat ng mahika?” Ito ang SLAC para kay Jasmine. Sinundan nila ang unang paglilibot sa buong araw kasama ang mga kolehiyong mga estudyante at mga panatiko sa syensya.

Si Jasmine ay lubos na natuwa sa mga usapin patungkol sa electrons at x-rays habang sila ay naglilibot at nagkaroon ng pagkakataon na makapagpalitan ng tanong at sagot mula sa isang physicist ng unibersidad. Binulong ni Jasmine sa kanyang ina “Maari po ba akong magtanong?” at kasabay ng kanyang pagtango ay itinaas ni Jasmine ang kanyang kamay.

Agad siyang tumungo sa kanyang tanong na “Paano nyo maiiwasan na matunaw ang accelerator sanhi ng init mula sa pagbabangga ng mga particles?” at biglang nanahimik ang mga manonood. Ang tagapagsalita ay napahinto at sinagot ang kanyang katanungan na siya namang ikinalugod ng bata.


Nang matapos ang sesyon, pinuntahan ng tagapagsalita ang mag-ina at pinayuhang kitain si Dr. Yearian na siya naman nilang sinunod. Ang isang maiksing sesyon nila Dr. Yearian at Jasmine ay lubhang nagpabilib sa kanya na kanyang iminungkahi kay Georgia na ipasok ang kanyang anak sa Stanford’s Education Program for gifted youth na isang serye ng klase partikular na ginawa para sa mga gifted children. Sa panahong iyon ay bumalik ang mag-ina sa Bozeman at naghanap ng matitirhan gamit ang perang napanalunan nila bilang kabayaran sa kanilang di makatarungang pagpapalayas mula sa kanilang apartment sa San Francisco.


Habang tumatagal ay lalong nagging bantog si Promethea Olympia Kyrene Pythaitha, ang pangalang legal na ipinalit ni Jasmine noong siya ay nag-aaral na ng kolehiyo lalong lalo na sa Greek-American community. Kasabay nito ay nagkaroon rin siya ng mga death threats dahil sa isang speache na binitawan niya patungkol sa Festival of the Three Hierarchs na bumatikos sa Greek Orthodox Church.

Noong taong 2007 ay nasangkot ang mag-inang si Goergia at Promethea sa isang vehicular accident kung saan nagtamo si Georgia ng matinding pinsala. Nadurog ang kanilang mga buto sa kanilang ribs, sternum at buto sa mukha. “Hindi nyo ako pwedeng i-admit sa ospital. Palabasin ninyo ako, ihahatid ko pa sa eskwelahan ang aking anak bukas.” Sambit niya.

Inulan ng tulong mula sa mga panatiko at mga taga-suporta ni Promotehea para sa pagpapagamot ni Georgia at isa na nga dito ang isang 77-year-old panatikong si Thomas Kyros kung saan binilhan pa ng bagong kotse ang mag-ina. Si kyros ay isa sa mga nakasaksi ng speech ni Promothea at humanga na siya sa kanya simula noon at nag-alok pa ng libreng bakasyon para sa mga ito kung saan ay sinang-ayunan naman ng dalwa.

Nakitaan ng pagiging obsessed si Kyros kay Promothea matapos ang kanilang bakasyon sa Greece. Araw-araw itong nag-eemail sa dalagita at nagdedemand din na lagi siyang balitaan nito ng lahat ng ginagawa ng dalaga.

Nasakal si Promothea sa inaasta ng matanda. Tinanggihan na niya at ibinabalik ang mga ibinibigay na pera ni Kyros sa pakiramdam na nauubliga siyang sundin ang lahat ng gustuhin nito at kontrolin ang lahat ng Gawain ng dalaga. Patuloy parin sa pag-eemail si Kyros ngunit hindi na siya sinasagot nin Promothea. Tingin ni Kyros ay ang kanyang ina, si Georgia ang may pakana ng lahat at binebrain wash nito ang anak para iwasan siya.

Gumawa na ng kung ano-anong kwento si Kyros na sa puntong inakusahan nito si Georgia na ginagawang alipin nito ang anak at ikinukulong umano ito at hindi pinapayagang makalabas ng bahay. Dahil sa mga maling akusasyong ito ay napilitan si Promothea na kasuhan ng harassment charges si Kyros at humingi ng restraining order para lubayan na siya nito.


Isang araw ay bigla nalang sumugod si Kyros sa tahanan ng mag-ina. Binagga nito ang gate ng kanilang tahanan na ikinagulantang nila. Pinuntahan ni Georgia ang nasabing sasakyan sa pag-aakalang naaksidente lamang ito ngunit laking gulat ng ina nang makita niya si Kyros na siyang lulan ng sasakyan.

Pinagsabihan ni Georgia si Kyros na umalis ng kanilang tahanan. Bumalik ito sa kanilang bahay para kumuha ng telepono para tawagan ang mga pulis at isang tape recoder upang magkaroon siya ng ebidensya sa paglabag nito sa restraining order. Ngunit noong pabalik na siya sa sasakyan ni Kyros ay may napansin itong bagay na hawak ng lalaki. Bago man lang siya makareact ay inulan na siya ng bala at pinaputukan ni Kyros. Nasaksihan ito ni Promothea at dali-daling pinuntahan ang ina. 


“Tama na!! Parang awa mo na”, ani ni Promothea.

“Bakit ka umiiyak? Dapat Masaya ka at makakalaya ka na sa kanya”, ani ni Kyros.

Napakabilis ng mga sumunod na panyayari at dumating ang mga pulis sa insidente at pinaputukan si Kyros na nagdulot ng kanyang kamatayan. Sa kabutihang palad ay nakaligtas naman si Georgian sa kabila ng 5 tama ng balang tinamo niya.

Matapos ang malagim na pangyayaring ito ay nagpakalayo-layo na ang mag-ina. May mga plano na si Promothea para sa kanyang kinabukasan ngunit umiwas na muna ito sa nakakasilaw na kasikatan dahil ito rin ang muntik nang kumuha sa buhay ng kanyang pinakamamahal na ina. Ngayon ay namumuhay na lamang ng simple ang mag-ina sa isang rancho malayo sa kabihasnan.


Ano ang iyong masasabi sa artikulo? Magcomment at ishare!

source: goodtimes



SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only