Thursday, 3 May 2018

Isang Grupo ng Kabataan Pinasok ang 2 Taong Abandunadong Bahay Para Siyasatin ang Loob nito, Pero Bigla nalang Silang Napatakbo at Napatawag ng Pulis ng Dahil sa Kanilang Nasaksihan

Nasubukan mo na bang pumasok sa isang abandunadong lugar o bahay kasama ng iyong mga kaibigan?


Marami sa atin ang nahuhumaling sa mga misteryo at mga kakaibang bagay-bagay. Madalas na nahuhumaling sa mga ito ay ang mga kabataan na naghahanap ng mga panibagong kapanapanabik na karanasan sa buhay.

Katulad na lamang ng magkakaibigang ito na sinubukang pasukin ang isang abandunadong bahay. Nagulat na lamang sila sa mga bagay na kanilang nadiskubre.


Ayon sa Manila Central, nangyari ang insidente noong Mayo 2009. Sinabi sa report na isang pares ng magkaibigan na naninirahan sa Michigan, United States ang nagbalak pasukin ang abandunadong bahay.


Nabanggit dito na ang dalawang magkaibigan ay tumatambay at magkasamang nag-iinuman lamang. Ngunit, napagdesisyonan ng dalawa na pasukin ang nasabing lugar dahil nabagot raw ang mga ito.

Ayon sa mga sabi-sabi, halos dalawang taon na (mula 2009) at wala pa rin daw ang nagtatangkang pasukin ang abandunadong bahay na iyon. Nahumaling ang dalawang magkaibigan dahil sa mga haka-hakang ito kaya pinasok nila ang bahay.

Sinubukan ng dalawang lalaki na pasukin ang bahay na ito at sinamahan pa sila ng dalawa pa nilang kasamahan. Nalaman ng dalawa pa nilang kaibigan ang kanilang mga plano kaya napagpasyahan nilang isama ang mga ito. Nakapasok ang mga magkakaibigan sa pamamagitan ng basement ng bahay.


Inakyat nila ang hagdan papasok sa pangunahing pintuan ng bahay. Marami silang nakitang mga maliliit na palamuti na nakalat sa bahay. Nang mapalapit sila sa isang pinto, may nakita silang taong nakaupo sa isang silya ngunit nakatalikod sa kanila.


Hindi natakot ang magkakaibigan sa nakita nila dahil kung ibang tao ang nasa kalagayan nila ay marahil umalis na lamang sila sa bahay na iyon.

Sinubukan nilang lapitan ang taong nakaupo sa silya. Naging maingat sila sa paglapit dahil hindi nila alam kung bakit may tao pang nakatira roon kung ito ay abandunado naman.


Nang nakalapit sila sa taong nakaupo sa silya, nagulat sila ng malaman na patay na pala ang taong iyon. Nalaman din nila na ang bangkay na nakita nila ay ang may-ari ng abandunadong bahay.

Bukod pa rito, nakita rin ng grupo nila ang isang talaarawan kung saan nakalista ang mga pagkaing nakain ng may-ari ng bahay. Nakalista rin dito ang mga delatang binili niya bago siya mamatay.


Nalaman din nila na namatay ang taong iyon noong May 2007, isang taon bago nila matagpuan ang bangkay. Namatay ang taong iyon dahil sa malubhang sakit na trangkaso. Pinatunayan ito ng huling pahayam na nakalagay sa talaarawan na nagsasabing: [Malalang Sakit. Trangkaso. Hindi Makakain.]

“Sick as heck. Flu. Can’t eat.”


Nagmadali silang tumawag ng pulis at sinabi sa awtoridad ang nangyari na nagudyok na tumawag sa pamilya ng namatay.

Anong masasabi niyo sa magkakaibigang iyon? Ibahagi ito sa article na ito.

source: readersportal




SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only