Thursday, 24 May 2018

Isang Grupo ng mga Estudyante ang Nakakita ng Isang Lumang Kamera sa may Dalampasigan, Nang Pulutin nila ito at Usisain Laking Gulat nila sa Kanilang Napansin

Halos dalawang taon na ang nakalipas ng mawala ang camera na ito sa ilalim ng dagat. Laking gulat ng mga nakakita nang binuksan nila ang loob nito.

Ayon sa balita na isinaad sa BBC news, isang grupo ng mga estudyanteng ang nakapulot sa isang camera na naitalang nawawala noong 2015.




Nasabi sa report na ang camera ay nasa maayos at pinong kundisyon makaraan ang ilang taong pagkakalubog sa ilalim ng dagat. Ang grupo ng estudyanteng nakapulot dito ay naglilinis sa may baybayin ng dagat noong mga oras na iyon ng mapansin nila ang isang kakaibang bagay na halos nababalutan na ng taliptip at kabibi.



Sinaad dito na si Serina Tsubakihara, isang mag-aaral sa kolehiyo sa Japan, ang nakawala sa camera na ito habang nagbabakasyon sa Ishigaki, Okinawa noong Setyembre ng 2015. Nabanggit ni Serina na nawala niya ang camera habang sumisisid sa kalagitnaan ng dagat kasama ng kanyang mga kaibigan.

Ipinaliwanag niya na: “Ako ay sumisisid noon sa ilalim ng dagat nang mawala ko ang camera dahil isa sa aking mga kaibigan ay nawalan ng hangin at kinailangan ang aking tulong.”

[I was scuba diving and I lost the camera when one of my friends ran out of the air and needed my help.]



Hindi nagtagal ay nakalimutan na ni Serina ang tungkol sa camera dahil inisip niya na hindi na ito makikita pang muli. Ngunit nang makita niya ang isang viral na Facebook post tungkol sa mga batang nakapulot sa isang camera na inanod sa dagat sa Taiwan, nagbaka-sakali agad si Serina na ito ang nawawala niyang camera.




Ayon sa mga nakakita sa camera, ang lalagyanan daw nito ay halos naging bato na dahil sa mga taliptip at kabibi na nakadikit dito. Nang makahanap sila ng paraan para buksan ang lalagyanan ng camera, nagulantang sila sa nakita dahil ang camera na iyon ay nasa maganda pa ring kundisyon.



May napansin silang kaunting tubig na nakapasok sa loob ng lalagyan ng camer kahit sobrang tibay nito. Nasabi nila na may baterya pa ang camera na iyon at gumagana pa rin kahit sa tagal ng pagkakalugmok sa ilalim ng dagat.



Kasama ng guro nila sa eskuwelahan, napagdesisyunan nilang ibahagi ang mga larawan na nakalagay sa camera at inilahad ito sa Facebook. Umasa silang makikita ito ng nagmamay-ari sa camera sa tulong ng social media. Inasahan din nila na ang nagmamay-ari ng camera ay Japanese o kaya naman ay Chinese kaya isinulat nila sa linguwahe ng Japan at China ang mga nakasaad sa post nila.




Buti na lamang ay nakarating ang balitang ito kay Serina dahil mabilis itong naikalat sa Facebook. Umaabot sa 10,000 tao ang nag-share sa mga pictures na nakapaloob sa camera sa araw na iyon. Hindi makapaniwala si Serina dahil hindi niya inaasahang gumagana pa ang camera dahil sa tagal na panahong nababad ito sa ilalim ng dagat.

Nasabi niya na: “Maswerte ako at nagagalak dahil nagkaroon ako ng oportunidad na makaramdam ng kabutihan sa buhay ko na galing sa mga taong iyon”

[I am so lucky and happy to have this miracle opportunity to feel the kindness of people in my life.]



Nagdesisyon si Serina na magtungong Taiwan upang kunin ang Camera at magpasalamat ng personal sa mga batang nakapulot dito.

Anong masasabi niyo sa kabutihan ng mga batang ito na galing Taiwan? Ibahagi ang inyong reaksyon sa artikulo na ito.




SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only