Friday, 4 May 2018

Isang Grupo ng mga Treasure Hunters, Guminhawa ang Buhay Matapos nila Mahukay ang mga Ancient Coins na ito na Nagkakahalaga ng 1 Million Pounds

Ang treasure hunting o ang paghahanap ng ginto o iba pang kayamanan ay isang uri ng pampalipas oras ng mga tao sa bansang United Kingdom.


Ito ay nagmula pa sa panahon ng mga Romanya, at sa katunayan hindi lang ginto ang kanilang nadidiskobre, nakakadiskobre din sila ng mga lugar, gusali o mga nakakamanghang mga tanawin.

Kamakailan lamang isang hindi inaasahang bagay ang nadiskubre ng isang bihasang tagahanap ng kayamanan na nagngangalang Paul Coleman.

Si Paul ay limang put siyam na taong gulang na ngunit kahit sa ganoon edad nya ay isa parin sya sa magaling na tagahanap ng kayamanan sa bansang United Kingdom. Marahil dahil narin sa istado ng kanilang buhay kaya nya nakahiligan ang ganitong gawain.

Si Paul ay may dalawang anak na binubuhay ngunit wala syang trabaho. Ang mga ito din ang dahilan kung bakit nagdadalawang isip syang sumama sa kanyang kaibigan sa paghahanap ng kayamanan ilang araw bago sumapit ang pasko.


Maliban sa maiiwan nya ang kanyang pamilya, kailangan din nilang dalawa maglabas ng 20 pounds bawat isa o halos 45 pounds lahat lahat para sa kanilang gasolina. Hindi biro ang 20 pounds para kay Paul pero nagdisisyon parin syang sumamasa sa kanyang kaibagan.

Naglakbay si Paul at ang kanyang kaibigan kasama pa ng iba at narating nila ang isang bukid sa Lenborough, Buckinghamshire, kung saan doon sila nagsimulang maghukay.


Kahit na mahal nila ang kanilang ginagawang paghahanap ng kayamanan, hindi parin maiwasan na maranasan nila ang mabigo sa paghahanap. Gumamit na din sila ng isang metal detector o isang bagay na nakakasagap ng isang bakal o ginto ngunit bigo parin sila sa umpisa.

Katulad ng ibang pang treasure hunter, inaasahan nila na makakakita sila ng mga lumang barya na madalas nilang nakikita o natatagpuan sa mga lugar na kanilang hinuhukay ngunit sa puntong ito wala silang nakita. Nakaramdam si Paul na parang magiging walang kwenta ang kanilang lakad dahil wala pa din silang nakikita.

Pagkalipas ng ilang oras ay may narinig silang tunod mula sa kanilang metal detector. Dahil sa kanilang narinig na tunog, agad nila itong hinukay kahit na inasahan na nilang hindi masyado ang halaga ng kanilang makikita.


Ng malalim na ang kanilang nahukay at nakikita na nila ang isang maliit at makintab na barya saka lang nila na pagtanto na isa itong barya mula sa panahon ng Saxon at isa itong napakahalaga at kamangha manghang kayamanan na kanilang natagpuan.


Ang hindi nila alam ang baryang kanilang nakita ay isa lang pala sa maraming kayamanan na kanila pang matatagpuan sa ilalim nito. Nagsimula ulit silang maghukay hanggang sa makita nila ang limpak limpak na barya ng Anglo Saxon na isang milyon pounds ang halaga.

Sa katunayan nyan ang nakita ni Paul at ng kanyang mga kaibigan ay isa sa pinakamalaking halaga ng lumang barya na natagpuan sa bansang Britanya.


Marahil ang mga baryang kanilang natagpuan ay ibinaon sa isang kahon kasama ng mga tinga na sya namang unang nasagap ng metal detektor ng grupo nila Paul.

Kahit na ito ay ibinaon ng matagal na panahon, makikita pa din na nasa maayos na kondisyon ang mga lumang barya at ang halaga nito ay talaga namang magdudulot ng kakaibang kaligayahan at karangyaan sa sinu mang makakakuha nito.


Sa kasalukuyan, halos kalahati ng nakitang lumang barya ang nalinis na at karamihan dito ay nasa maayos pa na kondisyon.


Para kay Paul at sa kanyang mga kaibigan, ang pangyayaring ito ay talaga naman nakapagpabago sa kanilang buhay at pati narin sa kasaysayan ng kanilang bansa.


Ayon pa kay Paul, ang halaga ng kanilang nakita ay kanilang pinaghatihatian at binigyan din nila ang may-ari ng lupa na kanilang hinukay. Bumili din sya ng bagong bahay para sa kanyang pamilya at ito ay kanyang ginawang alaala ng kanilang pinaghirapan na hindi nila malilimutan.

Isa lang si Paul at ang kanyang mga kaibigan sa mga taong matyagang maghanap sa mga kayamanan o ang mga bagay na pwedeng magbago sa kanilang buhay kahit na madalas sila man ay nabibigo.



source: goodtimes






SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only