Saturday, 19 May 2018

Isang Guro ang Nakatanggap ng Tawag na Nahuli Daw ang Kanyang Anak na Nagnanakaw ng Libro, Pero Kahit Alam Niyang Hindi niya Anak ang Suspek Pinuntahan niya parin ito at Nagpangap na Nanay nito

Ang istoryang ito ay naganap halos sampung taon na ang nakakaraan. Isang guro ang nakatanggap ng tawag habang siya ay natutulog sa kanilang bahay. Nagulat ang guro ng sagutin niya ang tawag dahil galit na galit ang taong nasa kabilang linya ng telepono.



Nasabi ng taong nasa likod ng telepono na: “Nahuli namin ang inyong anak na babaeng nagnanakaw ng mga libro sa aming tindahan, magmadali kang pumunta ngayon dito para maresolba ang problema ng inyong anak.”


[We have caught your daughter stealing books in our bookshop, please hurry here to solve this problem.]


for illustration purpose only

Naririnig din ng guro ang boses ng babaeng umiiyak habang kausap niya sa telepono ang manager ng bookstore. Hindi makapaniwala ang guro sa balitang kanyang natanggap dahil nakikita niya ang kanyang anak na nanunuod ng telebisyon sa loob ng kanilang bahay.


for illustration purpose only

Nagsuspetsya ka agad ang guro dahil maaaring ito ay isang manloloko ngunit hindi niya maalis sa kanyang isipan ang batang babaeng humahagulgol sa pag-iyak.

Naisip din niya na maaaring dinaya ng babae ang numerong dapat tinawagan ng mga nakahuli sa kanya dahil ayaw nitong malaman ng kanyang mga magulang. Nagkataon lamang na ang guro ang may hawak ng numero na tinawagan nila sa insidenteng iyon.


for illustration purpose only

Hindi natiis ng guro na ibaba ang telepono at balewalain na lamang ito o kaya naman ay pagalitan ang babaeng gumamit sa kanyang numero dahil hindi naman niya talaga ito kilala. Sa halip, kahit na may konting pag-aalangan sa ginawa ng guro, pumunta pa rin ito sa bilihan ng libro upang tulungan ang batang babae.

Bilang isang guro at ina, naisip niya na maaaring isa ito sa mga estudyanteng pinanghahawakan niya. Sa tunog ng mga hagulgol ng batang iyon, mapapansin na desperado na ang bata dahil sa takot at pangamba na maaari niyang kasangkutan.

Sa mga oras na iyon, walang magawa ang batang babae dahil posibleng ito ang pinakamalalang pangyayari na naganap sa kanyang buhay.

Nasabi niya na lamang sa taong kausap niya na: “Gawin niyo ang nararapat.”

Dahil sa kanyang kabutihang-puso, nagmadali siyang pumunta sa lugar ng pangyayari upang tulungan ang kawawang bata na nakagawa ng kasalanan.

Nang makarating siya sa insidente, nakita niya ang batang babae na luhaan at takot na takot dahil sa mga agresibong pangangaral ng mga empleyado ng tindahan. Dali-dali niyang inakap ang kawawang bata at sinabihan ang mga empleyado na: “Kung may problema pa, sa akin niyo na lang sabihin, huwag niyo ng takutin pa ang bata.”

[Please speak to me if there is anything, don’t frighten the girl.]

Binayaran ng guro ang mga librong kinuha ng batang babae at umalis agad sa lugar na iyon. Kitang-kita ng guro ang itsura ng batang babae na takot na takot pa rin sa mga pangyayari kaya dinala niya ito sa kanilang bahay para linisin ang kanyang sarili.
Bago naman makaalis ang batang babae, sinabi ng guro na maaari siyang bumalik sa kanilang bahay kung nahihilig siya sa pagbabasa dahil napakaraming libro sa kanila.


Ngunit dahil nanginginig pa rin sa takot ang babae, nagawa niya na lamang ay tumingin sa guro ng panandalian. Umalis ang batang babae at hindi na muling nagpakita sa guro.

Nang makalipas ang sampung taon, naninirahan pa rin ang guro sa lugar na iyon ngunit nakalimutan na ang batang babae na kanyang tinulungan noon.

Kinahapunan ng mga oras na iyon, may isang napakagandang babae ang nakita ng guro na nakatayo sa kanilang pintuan. Nakangiti ang babaeng ito at may dalang malaking regalo habang naghihintay sa labas ng kanilang bahay.

Tinanong niya kung sino ang babaeng iyon at ano ang pakay niya sa kanila. Nagagalak ang batang babae sa pagkakita sa guro at nagpakilala ng lubusan sa kanya. Naalala ng guro ang kawawang batang babae na kanyang tinulangan sa isang tindahan ng mga libro.

Halos matagal na panahon ang lumipas at mapapansin na lumaki na ng lubusan ang babae. Nasabi niya rin na nakapagtapos na siya sa isang unibersidad. Bumalik ang babaeng iyon dahil nais niyang magpasalamat sa gurong nagligtas sa kanya noong nakagawa siya ng pagkakamali sa kanyang buhay.


for illustration purpose only

Naiiyak ang batang babae at nasabi sa guro na: “Hanggang ngayon, hindi ko pa rin lubos na maintindihan kung bakit mo ako nagawang tulungan noong mga oras na iyon at nagpanggap bilang aking ina. Ngunit simula noon, parati ko nang inisip na ikaw ay ina ko na rin.”

Sa mga sandaling iyon, naiyak na rin ang guro at nasabing: “Paano kung hindi ako nagpakita noong mga oras na iyon? Ano na lamang ang mangyayari sayo?”

Nalungkot ang babaeng iyon at dahan-dahang napailing. Sinabi niya na: “Maaaring may nagawa akong masama kung hindi ka nagpakita noong mga oras na iyon. Maaaring nagpatiwakal na lamang ako.”


Nagulat ng bahagya ang guro ngunit natuwa ito dahil naisip niya na tama pa rin ang kanyang desisyon na tulungan ang bata dahil nabago nito ang kanyang buhay.


for illustration purpose only

Ang simpleng kabutihan na dinulot ng guro sa batang iyon ay nagdulot ng magandang kinahinatnan sa buhay ng bata. Ang pagiging mapagpakumbaba at mapagbigay ay hindi ganoon kabigat kung tutuusin. Ang mga maliliit na sakripisyong ipinakita ng guro ay maaari nating magawa para sa iba upang maibalik sila sa tamang landas.

Anong masasabi niyo sa kabutihang ipinakita ng guro sa batang babae? Ibagagi ang inyong reaksyon sa artikulo na ito.

source: goodtimes






SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only