Monday, 7 May 2018

Isang Ina ang nag Panic Matapos nya Marealize na Nawawala ang Kanyang Anak Habang Namimili sa Wallmart, Pero ng Makita nya ito Agad Tumulo ang Luha nya sa Kanyang mga Nasaksihan

Maraming bata ang nawawalay sa kanilang mga magulang dahil sa kapabayaan nila sa pagbabantay sa kanilang mga anak tuwing sila ay lumalabas sa kanilang mga bahay.


Isa ito sa mga rason laging may nairereport sa mga awtoridad kaya pinapayuhan sila parati na maging maingat sa kanilang mga kilos dahil sa mga piligrong naglipana sa paligid.

Sa isang hindi sinasadyang sandali, posible na may mangyaring masamang bagay lalo na sa dami ng kriminal na maaaring kumuha sa mga batang ito.


Si Faith Tap, isang Amerikanang ina, ay isa sa mga magulang na nakaranas ng insidente tulad nito. Dinala niya ang kanyang anak na si Braydon sa Walmart at nagmadaling bumili ng mga pangangailangan nila.

Isa sa mga pinakasikat at pinakamalaking kumpanya ng pamilihan ang Walmart na kalimitang dinudumog ng maraming tao.

Nang tingnan ni Faith ang kanyang listahan sa mga bilbilhin niya sa pamilihang iyon, napansin niya na hindi niya makita ang kanyang anak sa paligid. Nangamba si Faith dahil sa pagkawala ng kanyang anak at hinanap ito sa lahat ng lugar sa naturang pamilihan.

Sinaad ni Faith na: [Kinailangan kong pumunta ng Walmart. Lumingon ako para siguraduhing nasa tabi ko lang ang aking anak.]

“I had to run into Walmart. I turned around to make sure my son was next to me.”


Hindi niya inakalang aalis si Braydon sa kanyang tabi. Iniwan ni Faith ang kanyang mga biniling gamit at nagmadaling hanapin ang kanyang anak.

Buti na lamang at nakita niya agad ang kanyang anak sa loob ng Walmart ngunit hindi niya inaakala na makikita niya ang kanyang anak na nakaluhod sa harap ng isang sign board. Nakita niya itong nagdarasal sa isang gilid at nagulat sa kanyang anak habang nilapitan ito.


Napansin niya na ang anak niya ay nakaluhod sa isang pisara na may nakalagay sa karatulang "Every seconds count" kahalip ang mga larawan ng mga batang nawawala sa lugar nila. Iniwan ni Braydon ang kanyang ina para magdasal sa Diyos para sa mga batang nawalay sa kanilang pamilya at pinalangin na makauwi sila ng ligtas.


Napabilib si Faith sa ginawa ng kanyang anak at ibinahagi ang kanyang karanasan sa internet. Maraming tao ang naantig sa kanyang istorya at kumalat ito sa isang Facebook page na nagbigay ng pasasalamat para sa ginawa ni Braydon na kabutihan.

Ibinahagi ng Facebook page na: [Hindi ko kilala kung sino ang batang ito ngunit gusto kong magpasalamat sa iyong pagdarasal para sa mga bantang iyon. Isa sa mga larawang iyon ay ang pinsan kong si Aubrey Carroll. Naantig talaga ako dito sa ginawa mo. Kung alam ko lang kung saan o sino ang batang ito, gugustuhin kong magpasalamat sa iyo ng personal.]


“I don’t know who this little guy is, but I want to Thank you for praying for these children. One of those kids up there is my cousin Aubrey Carroll. This has surely touched my heart. If I knew where or who this kid was I would love to thank him personally.”


Matatayang 800,000 bata ang nawawala sa Estados Unidos kada taon ayon sa National Center for Missing and Exploited Children. Ang napakataas numero sa tala na ito ay makapagsasabi na maraming mga pamilya ang nahihirapan sa kanilang problema sa paghahanap sa kanilang mga anak. Ang magagawa na lang nila ay umasa sa panginoon at sa mga awtoridad na gampanan ang kanilang tungkulin.

Anong masasabi niyo sa ginawa ni Braydon? Ibahagi ang inyong mga reaksyon sa artikulo na ito.

source: goodtimes




SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only