Thursday, 3 May 2018

Isang Kolektor ng Basura Nakarinig ng Tinig sa Isang Plastik Bag na Kanyang Nakolekta, Nang Silipin nya ang Plastik, Isang Nakakaawang Nilalang ang Bumulaga Sakanya

Ang trabaho ng isang basurero ay hindi biro, dahil pwedeng malagay sa peligro ang kalusogan nila. Maaari silang magkasakit at makakuha ng mikrobyo sa mga basurang kanilang kinokolekta.


Ngunit may mga pagkakataon na hindi lang mikrobyo ang napupulot nila sa basurahan, nakakapulot din ang iba sa kanila ng mga bagay na hindi nila inaasahan kagaya nalang ngkwento ng isang basurero na nagbigay ng ingay sa social media.



Habang nagtatrabaho ang isang basurero sa bansang Florida, Miami, bigla nalang itong nakarinig ng iyak na nanggaling sa kakahagis lang niya na plastik.


Ayon sa kanya na hindi siya makapaniwala sa kanyang nakita, dahil pagbukas nya ng plastik, isang tuta na umiiyak ang bumulaga sakanya. Agad naman siyang humingi ng tulong ng makita nya ang kawawang tuta na nakalagay sa plastik.


Ayon sa pagsusuri na maaring apat na linggo palang simula ng ipanganak ang tuta. Dinala ang kawawang tuta sa isang bahay ampunan para sa mga hayop ang Redland Rock Pit Abandoned Dog Project na matatagpuan sa Miami. Ayon sa isang speaker na nag ngangalang Jessie Pena na sinadyang ilagay ang tuta sa loob ng plastik at abandonahin.


Sa obserbasyon pa ni Jessie na ng matagpuan ang tuta ng basurero ay kakalagay lang nito sa plastik dahil makikitang buhay pa ang tuta kahit nakabalot ng husto ang plastik.

Ayon pa kay Jessie na nuong una hirap gumalaw, maglakad at hindi makakain ang tuta dahil narin sa kanyang malagim na karanasan sa nagtapon sakanya.

Dahil ang tuta ay nadiskubre ilang araw bago magpasko, siya ay pinangalanang "Merry". Kung titignan ay akmang akma ang pangalan na naibigay sakanya base sa kanyang muka.

Hindi nagtagal at nakabalik sa dating lakas ang tuta matapos nito makarecover sa trahedyang sinapit nya.

Lumipas din ang ilang araw ay napansin nila na unti-unting nawawala ang pamamaga ng sugat ni Merry. Nakakakain na din siya ng marami at nakakapaglakad na ng maayos.


Sa konting panahon ay may mga pagbabago na din sa ugali ni Merry. Nagsisimula na din siyang magtiwala sa tao, at maglambing. Nakikipaglaro na rin siya sa pamamagitan ng paghiga at pag gulong katulad ng ibang tuta.


Si Merry ay pwede nang ampunin kapag tuluyan na itong gumaling. Lubos din ang pasasalamat ni Pena sa basurerong nakahanap at nagsagip sa buhay ni Merry.

Kung hindi dahil sa kanya, hindi natin makikilala ang napakabibo at magandang asong si Merry.


source: goodtimes






SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only