Sunday, 20 May 2018

Isang Lalaki ang Nataranta Matapos Makarinig ng Boses ng Isang Babae na Humihingi ng Tulong, Pero ng Pasukin na ng mga Pulis ito Nabigla sila at Natawa sa Kanilang Nakita

Si Lee Purdy ay isang driver ng UPS o naghahatid siya ng mga padala sa mga bahay bahay. Isang araw, pumunta siya sa isang bahay para maghatid ng parcel ngunit ng siya ay makarating na sa bahay na iyon ay wala siyang makitang tao at walang kahit anong senyales na may tao sa loob ng bahay. 


 Nakailang katok din siya sa pintuan ng bahay ngunit walang sumasagot at walang nagbubukas na tao para kunin ang dala niyang parcel.

Paalis na sana siya ng may marinig siyang tinig na may nagsasalita sa loob ng bahay. Ngunit imbis na ikatuwa ito ni Lee ay ikinabahala niya ito. 


Habang papalapit siya sa pinto naririnig niya ang isang tinig ng babae na humihingi ng tulong na talagang ikinabahala niya.


Dahil sa hindi niya masyadong marinig ang sinasabi ng babae hindi din niya alam kung anu ba ang dapat niyang gawin. Alam niyang may maling nangyayari sa loob ng bahay dahil hindi naman hihingi ng tulong ang babae kung walang masamang nangyayari sa kanya. 


Alam niyang hindi kakayanin ng kanyang konsensya kung may masamang mangyari sa babae na wala man lang siyang ginawang kahit anong tulong.



Dahil hindi alam ni Lee ang kanyang gagawin, naisip nalang nitong huminge ng tulong sa mga pulis upang pasukin at alamin kung ano ba talaga ang ngyayari sa loob ng bahay.



Agad naman nagpadala ng mga taohan ang estasyon ng pulis sa Clackamas County para alamin ang nangyayari sa bahay na pinuntahan ni Lee. 



Kumatok sila dito ngunit walang sumasagot at nagbubukas ng pintuan, dahil dito nagdesisyon ang mga pulis na sirain nalang ang pinto ng bahay upang makapasok sila. Nang masira na nila ang pinto at nakapasok na sila sa loob ng bahay ay nakita nila na mayroon talagang humihingi ng kanilang tulong.




Laking gulat nila na imbis na tao ang makita nila sa loob ng bahay na sumisigaw ng tulong ay isa itong berdeng parrot. Ayon kay Deputy Hayden Sanders ibinahagi niya sa kanilanh Facebook na ang parrot na may pangalang Diego ay maayos at komportable na naka kulong sa kanyang kulungan sa may sala at wala ni isang senyales na ito ay nasa panganib. 


Kinausap din nila ang may-ari ng parrot na si Susan Baird at ipinaliwanag naman ng ginang ang dahilan kung bakit ang kanyang parrot ay humihingi ng tulong.



Alam naman natin na ang parrot na ibon ay mahilig manggaya ng mga salita na kanilang naririnig katulad nalang ng salitang "help me". 




Paliwanag pa ni Susan na si Diego ay may ugali na gusto laging magpapansin sa mga tao lalo na kapag hindi siya binibigyan ng oras para kausapin.



Nang araw na naghatid si Lee ng padala sa bahay nila Susan, ay ang araw na nasa San Diego siya para magbakasyon kaya naman walang sumasagot sa mga tawag at katok niya sa pintuan. 



Hindi sanay si Diego na wala si Susan sa kanyang paningin dahilan para mainis ito ng sobra. Kaya naman ng marinig niya ang boses ni Lee at ang mga katok nito ay agad itong gumawa ng paraan at ito nga ay ang pagsigaw ng help me!


Ayon kay Susan, hindi lang ito ang unang beses na ginawa ito ni Diego sa kanila. May isang pagkakataon din na sumigaw ito ng help me iyon ay noong may handaan sa loob ng bahay nila Susan.



Sa mga oras na iyon isang kaibigan ni Susan ang nabiktima ni Diego at napaniwala niya na may umiiyak talaga sa loob ng bahay at sumisigaw ng tulong. Napatawa nalang ang kaibigan ni Susan ng malaman na isang parrot lang pala ang sumisigaw ng tulong.



Katulad ng kaibigan ni Susan, imbis na mainis ang mga officer ng Clackamas County ay natatawa nalang sila at nagpasalamat na wala naman talagang humihingi ng tulong at nasaktan.

source: goodtimes




SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only