Tuesday, 29 May 2018

Isang Lalaki Hindi Inaasahan na Makakita ng Isang Mamahaling Singsing Habang Inaayos at Ibinabalik sa Dating Anyo ang Isang 50 Taon Gulang na Camaro

Ang pagpapanumbalik sa dating kalagayan ng isang antigong sasakyan ay talagang isang kawili-wiling karanasan. Ito ay isang paraan ng pagkonekta sa nakaraan, ang pagbabagong anyo mula sa isang lumang bagay na magmukhang bagong muli.



Mayroong bagay na napaka personal sa isang sasakyan, at ang pagupo sa isang 50-taong-gulang na sasakyan ay magpapaisip sa iyo kung anong klaseng karanasan ang pinagdaanan nito sa loob ng 50 taon.


Kaya’t nang makakita ang lalaking ito ng isang personal na bagay sa loob ng sasakyang kanyang inaayos, siya ay nagdesisyon na balikan ang nakaraan at isauli ito sa tunay na mayari.

Si Billy Buring ay tuwang-tuwa sa pagrerestore sa isa sa pinaka klasik na American muscle cars, ang 1968 Chevy Camaro.

Ang pag papanumbalik ng sasakyang ito ay kinakailangan ng matinding pagsisikap at trabaho. Kaya nang simulan ito ni Buring nangailangan siya ng mga bagong muwebles para palitan ang mga lumang nakakabit dito, pero habang ikinakabit niya ang mga bagong muwebles hindi niya sinasadyang makita ang isang relekiya na mula pa sa nakaraan.



Ayon sa salaysay ni buring na:

“Hinila ko pataas ang mga upuan, hinila palabas ang carpet”

“Nang ako ay nagvavacuum sa ilalim ng carpet ay mayroon akong nakitang singsing sa ilalim ng upuan”

Si Buring ay talagang namangha dahil hindi niya inaakala na makakakita siya ng isang lumang singsing sa loob ng Camaro.


Ang nadiskubre niyang ito ay isang class ring mula 1972. Ngunit mahirap matunton ang pinaggalingan nito dahil ang natatanging impormasyon lamang na napapaloob sa singsing ay ang mga initials na “DML”.

Hindi alam ni buring kung saan siya tutungo o kung kanino niya isasauli ang sing sing, ngunit siya ay naging determinado upang hanapin ang orihinal na mayari nito dahil iniisip niya na baka napaka importante ng sing sing na ito sa mayari.

“Maaring ko naman sanang itago iyon sa kahon o isangla sa sanglaan,”

“Ngunit iyon ay mahalagang bagay para sa sinomang nag mamayari nito.”



Patuloy ang paghahanap ni buring sa mayari ng singsing at napagalaman niya nitong huli na ang mayari nito ay nagmula sa Edmond Memorial High School sa Edmond, Oklahoma.


Tumingin si Buring sa kanilang mga yearbooks habang sinisikap na makakita ng taong may ganoong initials. Ngunit hindi siya pinalad na makita ang kanyang hinahanap.



Ang kanyang sunod na hakbang ay hindi pangkaraniwan, ngunit mas nagbunga ng resulta: humingi siya ng tulong sa lokal na pulisya.

Ang Edmond Police Department ay pumayag na tumulong at nagpost ng larawan ng singsing sa kanilang Facebook page kasama ng mga detalye nito. Ang nasabing post ay nakatanggap ng mabilis na mga tugon.

“Sa isang Camero? Singsing na pambabae? Kaya kong pagsamahin ang mga ito! Biro ng isa.

Ngunit wala pa sa 24 oras, ang nasabing post ay nagdala kay Buring sa isang malaking hakbang para maibalik ang singsing sa mayari nito.

Nakarating sa isang babaeng bumbero ang nasabing post ng mga pulis at ang nasabing babae ay si Lindall Wood, isang bumbero na nagmula din sa Edmond. Ayon kay Lindal na nakakasigurado siya na pamilyar siya sa initial na DML at ayon sakanya ang DML na yun ay ang kanyang ina na si Delone Marie Lynch.



Ayon kay Lindall na ang kanyang ina ay nagtapos sa Edmond Memorial noong taong 1972 at ang nasabing pulang Chevy Camaro sa post ay pagmamayari din ng kanyang ina noong araw.

Si Lynch ay kasalukuyan ng naninirahan sa Tennessee, Kaya’t tinawagan ni Wood ang kanyang ina upang ipaalam ang magandang balita.

Tinanong niya ito kung saan ang kanyang class ring, at siya ay naguluhan, sinabing hindi niya alam kung nasaan ito. Pero nang ibunyag ng kanyang anak na ang kanyang nawawalang singsing ay nakita sa kanyang lumang sasakyan ay hindi matawaran ang tuwa nito.


“Nakita ninyo ang aking singsing?!”

“Ipadala nyo ito pabalik sa Oklahoma at aking kukunin.”

At dahil nakompirma nga na siya ang mayari agad naman itong ipinadala ni Buring kay lynch.

Hindi matawaran ang saya ni Lynch ng maibalik sakanya ang singsing, dahil ito ay napakahalaga sakanya at hindi niya daw alam kung paano ito nawala.

Tuloy parin ang pagaayos ni Buring sa lumang Camaro at para sakanya hindi nasayang ang kanyang pagod sa paghahanap sa totoong mayari ng singsing dahil pakiramdam niya nakatulong na siya at nakapaglakbay pa siya sa nakaraan.

Ano ang masasabi niyo sa artikulong ito? Ibahagi saamin.

source: goodtimes



SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only