Tuesday, 15 May 2018

Isang Lalaki Inuwi at Inampon ang Isang Asong Kalye na Halos Bumigay na ang Katawan sa Sobrang Payat at Dami ng Sugat, Makalipas ang 10 Buwan Sobrang Laki na ng Pinagbago niya

Kilala ang mga aso sa pinakamasunurin at pinakamaamo kumpara sa ibang mga hayop. Napatunayan na ito ng napakarami kwento tungkol sa pagkakaibigan ng aso at ng tao.


Ang mga kwentong ito ay nakabihag na sa puso ng napakaraming tao tulad ng Hachiko, Benji, at Toto na nagpamalas ng kanilang pagmamahal sa kanilang mga amo.

Ang nakakaantig na istoryang ito ay tungkol sa isang lalaki at sa asong kanyang iniligtas mula sa kapahamakan.


Si Rico Soegiarto ay ang lalaking sumikat dahil sa kanyang iniligtas na aso sa tiyak nitong kapahamakan. Isang sugatan at nangangayayat na asong husky ang kanyang inaruga matapos niya itong makita habang pakalat-kalat sa daan.


Nakita niya ang asong ito isang gabi habang naglalakad mula sa trabaho pabalik sa kanyang inuuwiang bahay. Ang asong ito ay sobrang payat na halos lumalabas na ang buto sa balat nito.


Kilala ang mga husky sa kanilang magaganda at makakapal na balahibo ngunit ang asong gala na ito ay sobrang lubha ng kalagayan na halos hindi na ito makilala na isang asong husky. Dahil sa sobrang lala ng kanyang kundisyon, maaaring hindi na ito tumagal pa.


Habang binabawasan ni Rico ang buhok para mas madaling linisin ang ibang sugat nito.


Parati niya ring pinapaliguan ang asong ito para manumbalik ang dating malagong balahibo nito.



Nilagyan muna ni Rico ng busal sa bibig ang aso para maiwasan nitong kamutin ng kamutin ang ilan sa mga sugat nya gamit ang kanyang bunganga para maiwasan lumala.



Naawa si Rico sa kaawa-awang aso na ito kaya dinala niya ito sa kaniyang bahay para ito ay alagaan. Madalas pinapakain ni Rico ang asong ito upang maging masigla muli at parating pinapatingin sa beterinaryo para mas mabilis ang pagaling nito.

Gumagaling na ang mga sugat ni Hope at tumutubo na ulit ang kanyang mga buhok.



Kitang kita kung gaano ka spoiled ang asong ito sa kanyang bagong amo, kaya mabilis nanunumbalik ang sigla at magandang pangangatawan nito.



Nang dumaan ang ilang buwan, tuluyan ng gumaling at naghilom ang sugat ng aso at bumalik sa dating ganda ang mga balahibo nito.


Pinangalanan ni Rico ang dating palaboy na husky na “Hope.” Makikitang masiyahin si Hope sa kanyang bagong tahanan.


Masigla na muli ang dating sakitin na asong ito dahil sa ipakitang pag-aaruga ni Rico. Nanumbalik na rin ang malagong buhok ng aso at nadagdagan na rin ito ng konting laman.



Spoiled si Hope sa kanyang among si Rico at madalas niya itong inilalabas upang maglakad at pinapakain ng masasarap na pagkain tulad ng ice cream.


Masasabing napakasaya ng asong ito sa piling ng kanyang amo na si Rico.

Talaga nga namang kahanga hanga ang ginawang pag-aalaga at pag aaruga ni Rico kay hope, at kitang kita din na pinuno niya ito ng pagmamahal kaya mabilis na nanumbalik ang dati nitong lakas at sigla. Mabuhay ka Rico sana marami ang maging kagaya mo na mapagmahal sa hayop.


Ano ang masasabi nyo sa artikulong ito? Ibahagi saamin ang inyong opinyon.
source: boredpanda




SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only