Tuesday, 22 May 2018

Isang Lalaki Nakakita ng Isang Pugad sa Kagubatan na Puno ng Nakaayos na Prutas, Nang Nalaman nya kung sino ang Mayari nito at Bakit nya nga ba ito Ginaw, Talagang Napahanga siya

Sa kagubatan ng Australia at New Guinea normal na ang makakita ng mga shed o maliit na pahingahan na gawa sa mga dahon o damo.



Kaya naman hindi na bago sa paningin ng lalaking ito ang makakita siya ng shed sa isang gubat na kanyang pinuntahan ngunit ang nakakagulat dito ay ang ibat ibang klase ng berries sa loob ng nasabing shed.



Inisip ng lalaki na ginawa ito ng tao upang paglagyan ng mga prutas, pero ng obserbahan niya ito ng mabuti napansin niya na may sukat lang ito na halos 30 sentimetro sa diyametro at puro stick lang din ang ginamit na pundasyon at tinabunan ng damo para magsilbing bubong.

Mayroon din itong maliliit na kwarto sa loob na kung saan ang bawat kwarto ay naglalaman ng ibat ibang klase ng prutas.


Hindi parin makapaniwala ang lalaki sa kanyang nakitang kakaibang shed kaya napaisip siya kung sino ba ang matyagang gumawa ng isang shed sa gitna ng kagubatan.

Para malaman ang sagot sa kanyang katanungan, matyaga niyang inantay ang nagmamayari o ang gumawa ng nasabing shed at hindi din naman nagtagal ay nalaman niya na din na hindi pala ito sino kundi ano.



Gulat na gulat ang lalaki ng makita niya na isa palang ibon na kung tawagin ay Brown Gardener ang gumawa ng shed na kanyang nakita.



Napagalaman din niya na hindi basta basta ang paggawa ng ibon sa kanyang shed o pugad dahil halos 10 buwan ang ginugol niya maitayo at mapaganda lang ito.



Ginamit din ng ibon ang ibat ibang klase ng berries bilang dekorasyon sa kanyang pugad.



Napagalaman din ng lalaki na ang pugad na ginagawa ng brown gardener ay hindi talaga nila tirahan.



Ang dahilan kung bakit nila ito ginagawa ay para makuha ang atensyon ng mga babaeng ibon, ginagamit din nila ang kanilang pagkamalikhain sa pamamagitan ng pagdisenyo ng kanilang pugad at paggamit ng ibat ibang klase ng berries bilang dekorasyon sa loob nito.



Pero bukod sa dekorasyon ay naglalagay din sila ng berries para makain nila kapag natapos na nila ang pagtayo ng kanilang pugad at kapag nakuha na niya ang atensyon ng isang babaeng ibon.



Naglalagay din sila ng maitim na prutas at pulang bulaklak sa paligid ng kanilang pugad para makadagdag sa atraksyon dito.




Ang nakakamangha pa sa pugad ng Brown gardener ay ang madetalyadong bubong nito na gawa sa pinaghabing mga orchids.



Gumagamit din sila ng mga stick bilang suporta sa kanilang pugad na madalas naman nilang itinatayo sa malawak na lugar o sa ilalim ng mga puno.



Kapag tapos na ang pugad na ginawa nila ay ang sunod na nilang gagawin ay ang maghintay sa babaeng ibon na makakapansin sa kanilang ginawa.




Kapag nakita na ng lalaking ibon na may lumalapit na sa kanyang pugad na babaeng ibon ay agad niyang ipapalakpak ang kanyang buntot at huhuni para makuha pa lalo nito ang atensyon ng babae.



Kapag tagumpay na ang panliligaw ng lalaking ibon sa babaeng ibon ay agad silang magtatalik at ito ay tumatagal ng ilan pang araw.



Talaga namang kamangha mangha ang ginagawang panliligaw ng Brown Gardener na kailangan pa nilang gumawa ng pugad at pagandahin ito para lang makabihag ng babaeng ibon.

source: goodtimes





SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only