Sunday, 6 May 2018

Isang Lalaki, Naging Daan Para Malutas ang Isang Misteryo na Nangyari Nuong 2006 Matapos nito Mapansin ang Isang Sasakyan na Nakalubog sa Lawa na Kitang Kita sa Google Map

Isang palaisipan pa rin ang nangyaring delubyo sa pamilya ni David Lee Niles at halos hindi nila matanggap ang pagkawala nito. Nagdulot ito ng matinding paghihirap para sa pamilya dahil sa paglaho nito na parang bula.


Si David, 76 na taong gulang, ay nawala nang gabi noong ika-11 ng Oktubre, 2006 matapos na makipagkita sa kanyang kaibigan. Ayon sa pamilya ni David, pumunta raw siya sa “Jake’s Bar” na isang lokal na pub house sa Byron Center, Michigan. 


Pagkatapos niyang makipagkita sa kanyang kaibigan, dali-dali raw siyang umalis palabas ng pub house. Sinabi rin nila na may dinaramdam na malubhang sakit si David dulot ng kanser kaya inisip nilang ito ang dahilan kung bakit siya nagmamadaling umalis. Simula noon, hindi na nila nakita pa ang kapamilyang si David.


Matinding paghahanap ang isinagawa para malutas ang kasong pagkawala ni David. Ngunit matapos ang limang taong walang tigil na paggugugol sa pagresolba sa kasong ito, hindi na kinaya pa ng pamilya ni David ang paghahanap sa kanya at tuluyan ng nawalan sila ng pag-asa na makita pa itong muli.

Inihayag din nila ang pangalan ni David sa obitwaryo at sinaad na: [David Lee Niles, 72-taong gulang, na nagmula sa Wyoming ay namatay na. Ang Diyos lamang ang nakakaalam sa lugar at panahon.]


“Davie Lee Niles, age 72, of Wyoming, passed away and only God knows the time and place.”

9 na taon mula ng pagkawala ni David, isang lalaking nagngangalang Brian Houseman ang nakapansin sa isang sasakyan sa ilalim ng isang lawa. Nakita niya ito habang nag-aayos ng mga Christmas Tree sa labas ng Cook Funeral Home sa Byron Center.

Nakikita rin sa satellite ng Google ang sasakyang nakalubog sa lawa na ikinagulat naman ng marami. Ibinalita ni Brian sa WOOD-TV ang kanyang nakita na sasakyan sa lawa na halos isang milya lamang ang pagitan sa kanyang kinatatayuan. mahirap itong mapansin dahil medyo madilim ang lawa at hindi ito makikita sa pantay na anggulo na paningin.


Nagmadali ang mga pulisya sa lugar at kinausap si Brian sa tungkol sa nasaksihan. Inahon ang sasakyan sa lawa na halos sira-sira na dahil sa tagal na pagkakalubog nito. Nakita rin ng mga pulis sa loob ng sasakyan ang isang katawan at natukoy na ito ang nawawalang si David Lee Niles.



Kahit mapait itong sandali para sa pamilya ni David, masaya pa rin sila dahil parang nabunutan sila ng tinik sa puso ng makita nilang muli ang kanilang kapamilya. Hindi nila alam kung bakit pinaghintay sila ng Diyos ng halos 9 na taon ngunit nagagalak pa rin sila dahil nakabalik na si David sa kanila.


Hindi pa rin matukoy kung paano nakarating sa ilalim ng lawa abg sasakyan at sinabi ng awtoridad na posibleng may foul play sa insidente.

Tingnan ang kabuuang story sa video na ito:


Anong masasabi niyo sa pagkawala ni David? Ibahagi ang inyong reaksyon sa artikulo na ito.

source: goodtimes





SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only