Tuesday, 15 May 2018

Isang Lalaki, Nataranta ng Makakita ng Dalawang Tuta at Isang Ahas sa Isang Abandonadong Balon, Pero Nagtataka Dahil Hindi Inaatake ng Cobra ang Dalawang Tuta

Masarap mag alaga ng ibat-ibang uri ng hayop dahil alam mo na ibabalik nila ang pagmamahal sayo kung mamahalin mo sila at aalgaan ng husto.


Pero hindi natin maisasantabi na may mga hayop na pag mahal pero mayroon din naman mahirap pagkatiwalaan lalo na kung ito ay isang uri ng hayop na puwedeng dahilan ng ikapahamak ng buhay mo. Katulad nalang ng mga ahas, buwaya, at iba pang uri ng hayop na mahirap hulaan ang ugali.

Pero isang kuwento ang nagpatunay na hindi lahat ng ganitong klase ng hayop ay masama at hindi lang ang sarili nila ang kanilang iniisip.


Isang lalaki ang nakarinig ng tahol ng aso sa isang abandonadong balon, nang silipin niya ito nagulat siya dahil dalawang tuta ang nasa loob ng balon, pero mas ikinagulat niya ng makita nya na may ahas din sa loob ng balon kasama ang dalawang tuta.

Nataranta ang lalaki at hindi niya alam ang gagawin dahil iniisip niya na baka atakihin ng cobra ang dalawang tuta. Pero ng titigan nya pa ito ng ilan pang segundo nagtataka ang lalaki kung bakit hindi inaatake ng cobra ang dalawang tuta.


Imbis na tuklawin ng Cobra ang mga tuta ay binabantayan pa niya ito laban sa mga posibleng manakit dito. Namangha ang lalaki sa kanyang nakita, pero hindi niya alam kung paano niya ililigtas ang dalawang tuta dahil iniisip niya na baka tuklawin siya ng Cobra kapag bumaba siya dito at kinuha ang mga tuta.


Naisip nalang ng lalaki na huminge ng tulong sa mga otoridad. Nang dumating ang mga otoridad, nagulat din sila sa kanilang nasaksihan at agad gumawa ng paraan para kunin ang mga tuta. Nang bumaba na sa balon ang isang rescuer mas ikinagulat nila na ang ahas ay pumunta sa kabilang parte ng balon upang mag bigay daan sa rescuer.


Ayon sa mga otoridad na halos nasa nasa 48 na oras na nandoon ang mga tuta dahil makikitang gutom na gutom na ang mga ito at nanghihina.


Nang maiahon ang mga tuta sa abandonadong balon isinunod naman ang Cobra na iniligtas dahil alam ng mga rescuer na hindi din ito makakaakyat dahil sa taas ng balon. Nang mailigtas na din ang Cobra dinala ito sa kakahoyan at doon pinakawalan.

Talaga nga naman nakakahanga ang ganitong pangyayari, makikita na parang itinuring na mga anak ng Cobra ang dalawang tuta dahil sa pag protekta nito sa kanila.

Ito lang ang isang example ng kasabihang "don't judege the book by it's cover".


source: goodtimes




SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only