Wednesday, 9 May 2018

Isang Lalaki, Sinalba ang Buhay ng 38 Estudyante Matapos Mawalan ng Malay ang Driver ng Bus na Kanilang Sinasakyan

Isang bata ang naging bayani matapos nito iligtas ang buhay ng halos nasa  38 estudyante kasama ang driver na nagmamaneho ng kanilang school bus na sinasakyan.


Isang taon na ang nakalipas simula nang iligtas ni Jesse Frank ang 38 studyante sa bingit ng kamatayan. Nailayo niya sa kapahamakan ang mga taong nakasakay sa bus na muntik ng maaksidente. Napansin ni Jesse, isang estudyante sa high school, na ang drayber ng bus na kanilang sinasakyan ay nahimatay habang nagmamaheho.


Araw ng pebrero nang maganap ang insidente habang nakasakay si Jesse sa Pell City Bus. Napansin niya ang kakaibang kilos ng drayber ng bus kaya dito na siya naging alerto sa mga posibleng sumunod na mangyari.



Sinaad ni Jesse na magulo at maingay sa loob ng bus na pangkaraniwan naman sa araw na iyon. Ngunit, nakita ni Jesse na ang ulo ng drayber ng bus ay nakaliyad patalikod na parang may masamang nangyari. Doon niya na napansin na kailangan niya nang magmadali.

“Everyone was going crazy, yelling, like usual. Then I looked back at [the driver] and she had her head rolled back and her hands let go of the steering wheel. And I was like yeah, I should do something.”

Agarang pumunta sa harap ng bus si Jesse at nagmadaling kinuha ang manibela sa drayber ng bus para kontrolin ang sasakya. Nang ito ay nasa ayos na, ginamit niya ang hand brake para mapahinto ang sasakyan. Tumawag din siya sa 911 upang ireport ang naturang insidente.


Hindi niya inalis ang kanyang kamay sa hand brake hanggang dumating ang tulong. Tinulungan din ni Jesse ang mga natakot na batang estudyante para mapakalma ang mga ito.


Nasabi ni Jesse na: [Hindi naging kumplikado ang mga pangyayari para akin. Inisaisip ko na lamang ang mga hakbang na kailangan kong gawin at isinagawa ito ng tama. Marami din sa mga batang nasa elementarya ang umiyak dahil sa insidente. Isa sa mga batang iyon ay nakihiram pa sa akin ng telepono para tawagan ang kanyang magulang.]


“It didn’t seem that complicated in my head. I just planned out a few simple steps. I didn’t think it would be that hard to execute them,” said Jesse”. There were several elementary students crying. One of them asked to borrow my cellphone to make a phone call to their parents.”

Pagkatapos ng insidente, agad siyang napuri sa kanilang eskuwelahan dahil sa kanyang katapangan. Marami sa mga bayang iyon ang nagpasalamat sa pagligtas sa kanila palayo sa kapahamakan.

Sinabi ng kanilang principal na si Tomy Dowdy sa WIAT na: [Kung meron mang tao na kayang pumunta roon at gawin ang mga bagay na iyon, hindi na nakakagulat na siya ang magiging una sa listahan.]

“There was no surprise, you know, if there was anybody out there who could go out there and take an action, he would be the one at the front of the list.”

Dahil dito, pinarangalan si Jesse ng “Key To The City” ng alkalde ng kanilang lungsod na si Bill Pruitt matapos na mangyari ang insidente.

Isinaad ng alkalde ng kanilang lungsod sa Facebook na: [Isang bayani si Jesse para sa mga batang iyon at sa kani-kanilang mga pamilya. Isa kang bayani para sa aming lahat.]

“Jesse is a hero to all of those children and their families, and he is certainly a hero to us.”


Nang tanungin si Jesse sa kanyang reaksyon nasabi niya na noong una ay hindi niya naisip na ito ay napakalaking bagay para sa kanila. Sinabi niya na marahil ay hindi ito ganoon kaimportante lalo na kung ang pagtulong sa iba ay parte na ng sarili mo.

Malaki ang pasasalamat ni Jesse ng matanggap niya ang gantimpalang pinarangal sa kanya.

[Binibigyan ako nito ng dahilan para sa mga ekspektasyon na kailangan kong matugunan ngunit sa magandang paraan. Ngayon na lahat ng mga mata ay nakatingin sa akin, paki ramdam ko na kailangan kong i-representa ang aking sarili.]


“It gives me an expectation to meet, in a good way,” he said. “Now that eyes are on me, in a manner of speaking, I feel like I’ve got to represent myself.”

Subalit, naharap sa malubhang karamdaman ang drayber ng bus. Simula ng insidente, nasabi na nakapagpagaling naman siya ng maayos.

Anong masasabi niyo sa katapangang ginawa ni Jesse? Ibahagi ang inyong reaksyon sa artikulo na ito.

source: goodtimes




SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only