Tuesday, 8 May 2018

Isang Magsasaka, Nakahukay ng 600 Milyon Dolyar sa Kanyang Taniman Habang Gumagawa ng Irrigation Trench Para sa Kanyang mga Pananim

Madaming tao ang nahihilig sa mga istorya tungkol sa mga nahuhukay na kayamanan kaya naman ibat-ibang kuwento ang nagkalat sa social media patungkol sa mga natuklasan at nadiskubre ng ibat ibang tao sa buong mundo.


Katulad nalang ng isang kuwento ng isang Magsasaka na nakahukay ng milyon milyon halaga ng pera at hindi lang basta pera kundi nahukay nya din ang isang kasaysayan at misteryo na matagal ng ibinaon sa lupa.

Ayon sa kuwento ng magsasaka na habang naghuhukay siya ng irrigation trench o yung patubig kanal para sa kanyang mga tanim bigla nalang itong may napansin na kakaibang bagay habang siya ay naghuhukay.


Si Jose Mariena Cartolos, 65-taon gulang ay isang magsasaka na huminge ng tulong sa Gobyerno ng Columbia para magsimula ng kanyang sakahan ng palm oil.


Ayon kay Jose na bigla nalang syang nagulat ng may nakita syang container, ng hukayin nya pa ito at buksan ang mga container ay laking gulat nya nalang ng makita nyang puno ng pera ang mga container.


Hindi nagtagal imbestigahan ang naturang kayamanan at napa-alaman na ang limpak limpak na perang ito ay pag mamay-ari pala ng isang sikat at notorious na druglord sa kasaysayan ng mexico si Pablo Escobar o mas kilalang "King of Cocaine".


Sino si Pablo Escobar?


Si Pablo Escobar ay isang sikat at mayamang kriminal sa kasaysayan ng mexico at gumawa din ng ingay sa buong mundo. Ang kanyang kayamanan ay halos umabot ng 30 billion dolyar nuong taon 1990's. Dahil isa syang kriminal at hina hunting ng mga kapulisan, hindi niya maaring itago ang kanyang pera sa banko, kaya ang ginawa nya ay ibinaon niya ang kanyang kayamanan.


Ayon sa isang source na ang halaga ng nakita ni Jose Cartolos ay nasa 600 milyon dolyar. Pero ang perang ito ay hindi pwedeng gamitin ni Jose sa kanyang pansariling interest kaya isinurrender ito sa Colombian Government para gawing pundo sa isang programa na tutulong sa mga mahihirap na mamayan ng Colombia.

Marahin ay andun ang tukso kay Jose na itago nalang ang pera, pero dahil sa kanyang magandang kalooban at kunsensya, matapat nyang isinaule ang pera. At dahil alam nya din sa masama galing ang mga perang ito siguro ay takot din siyang ma karma.

Ano ang masasabi nyo sa artikulong ito? Ibahagi sa amin ang inyong opinyon.




SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only