Saturday, 19 May 2018

Isang Manok na Mahilig Lumangoy Kasama ng Kanyang Bestfriend na Aso at ng Kanyang Amo ang Kinagigiliwan ngayon ng mga Netizens sa Social Media

Nakakita naba kayo ng tandang na lumilipad? Diba oo? E tandang na lumalangoy? Kung wala pa narito at ating basahin ang kwento ng tandang na mahilig lumangoy.


Isang tandang sa syudad ng Harbin ang lumikha ng ingay sa social media dahil sa kumakalat nitong video na kung saan ay makikita siyang lumalangoy sa ilog ng Songhua. 


Araw araw siyang nakikitang lumalangoy sa ilog kasama ang kanyang amo at isang aso na tinuturing niyang matalik na kaibigan.


Ayon sa isang balita, June 26 ng makitang nakatayo sa gilid ng ilog ng Songhua ang isang matandang lalaki na may hawak na manok at isang maliit na aso. 

Araw araw pumupunta ang lalaki na ito sa ilog para maligo, kaya naman ng papalapit na ito sa ilog ay agad na lumipad ang tandang at tumalon sa tubig para lumangoy. 


Alam naman ng amo ng tandang ang balak nitong gawin kaya naman agad niya itong hinuli at pinatong sa isang styrofoam. Tinutulak naman ng lalaki ang styrofoam habang ang tandang ay nakapatong dito at tinawag din niya ang kanyang aso at inutusan na tumalon at lumangoy na sa tubig.



Araw araw nila itong ginagawa kaya naman araw araw ay may mga taong pumupunta sa ilog ng Songhua para lang panoorin sila. Isang matanda naman ang nagsabi na sa tagal niya ng nabubuhay sa mundo ay ngayon lang siya nakakita ng isang tandang na lumalangoy kasama pa ang isang aso at ang kanyang amo.


Isang araw habang sila ay naliligo sa ilog ang nasabi namang tandang ay papalayo ng papalayo kaya naman sinigawan siya ng kanyang amo at sinabing "Hoy Golden Bo, huwag ka dyan bumalik ka dito kaso parang walang narinig ang manok.


Dahil hindi sumunod ang kanyang manok agad naman inutusan ng lalaki ang kanyang alagang aso para ito ay sundan at tawagin.


Nang marinig at makita na ng tandang ang aso na papalapit sa kanya para siya ay sunduin ay agad itong lumingon sa direksyon ng aso at lumangoy pabalik sa kanilang amo. Pansamantala silang umahon at namahinga pero mga ilang minuto lang ay bumalik na ulit sa paglangoy ang lalaki na sinundan naman ng kanyang tandang at aso.



Ayon sa isang source na ang lalaki na nagmamay-ari sa tandang at aso ay si Yu Demin, anim na put dalawang taong gulang. Ayon sa kanya, Oktubre ng taong 2016 nang makilala niya ang tandang sa hindi inaasahang pagkakataon. Noong araw kasi na iyon ang tandang ay nag-aagaw buhay na dahil ang mga lamang loob nito ay unti unti ng lumalabas mula sa butas sa kanyang tiyan. 

Nagulat si Yu sa kanyang nakita kaya agad niya itong kinuha at ginamot sa kanilang bahay. Ibinalik niya ang mga lamang loob ng tandang sa dati nitong pwesto at tinahi ang butas sa tiyan nito. 

Akala niya ay hindi na ito mabubuhay dahil ito ay sobrang mahina na pero siya ay nagkamali dahil ito ay nakaligtas sa masaklap na nangyari sa kaniya.

Ayon kay Yu, "Golden Bo came to my house, it never left my side and Golden Bo quickly became friends with my pet dog".


Noong umpisa palang silang nagkasama sa ilog pagkatapos siya gamotin ay tahimik lang ang tandang na nakatayo sa gilid ng ilog habang pinapanood si Yu at ang kanyang aso na lumalangoy. 



Pero hindi nagtagal at natuto na ding lumangoy ang tandang at mabilis na din itong umaahon papunta sa gilid ng ilog. Dahil sa ginagawa ng tandang, madami ang humahanga sa kanya at karamihan sa kanila ay gusto siyang kuhaan ng larawan o video.


Para naman may-isip ang tandang dahil kapag nakikita niya na pinagtitinginan siya ng mga tao ay agad itong nagpapansin sa kanilang lahat. Mula noon ay araw araw na silang naliligo at lumalangoy sa ilog.

source: goodtimes




SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only