Wednesday, 2 May 2018

Isang Mayaman na Lalaki na may Apat na Asawa, Napaiyak at Nagsisi sa Sagot ng Kanyang Unang Asawa ng Tanungin ito kung Mananatili Ba siya Hangang sa Huling Sandali ng Kanyang Buhay

Isang mayaman at asensadong negosyante ang nagmahal ng apat na babae. Ang kanyang pang-apat na asawa ang minahal niya ng lubusan kaya binigyan niya ito ng iba’t-ibang regalo at luho para mabuhay ng kumportable at marangya.


Ngunit isang malagim na pangyayari ang dumating sa negosyanteng ito. Napagtanto niya sa bingit ng kanyang kamatayan na isa lamang sa kanyang apat na asawa ang tunay na nagmamahal sa kanya ng lubusan.


Sobrang minahal din ng negosyanteng ito ang kanyang pangatlong asawa. Madalas niya itong ipinagmamalaki sa kanyang mga kasamahan at kaibigan dahil sa sobrang ganda nito. 

for illustration purpose only

Bagamat nalulugod siya sa kanyang pangatlong asawa, hindi rin siya mapakali sa kanyang nararamdaman na maaari siyang iwanan nito kapalit sa ibang lalaki balang araw.

Hindi rin mapagkakaila na may malalim siyang nararamdaman para sa kanyang pangalawang asawa na matiyaga at maunawain kaya minahal niya din ito ng lubusan. Inamin din niya na parati siyang ginagabayan at inaabisuhan ng kanyang pangalawang asawa sa tuwing may darating na problema sa kanyang trabaho.

for illustration purpose only

Sa lahat ng naging asawa ng negosyante, ang kanyang kaunaunahang asawa ang pinakatapat at maalaga sa lahat. Siya mismo ang halos nag-aasikaso ng mga gawaing bahay. Dahil dito, nagmumukha siyang hindi kaakit-akit na resulta ng matinding “stress” at pagod dahil sa mga mabibigat na gawain. 

for illustration purpose only

Hindi siya gaanong pinahahalagahan ng negosyante dahil sa mas matanda siya kumpara sa mga iba pa niyang asawa.


Isang araw, dumating sa punto na nagkasakit ng malubha ang negosyante. Sinabi sa kanya na hindi na siya gagaling at maaaring mamatay dahil sa kanyang karamdaman.

for illustration purpose only

Napagtanto ng negosyante na maaari siyang mamatay nang miserable at nag-iisa kahit na may apat siyang asawa. Pinatawag niya ang kanyang apat na asawa sa ospital kung saan siya nagpapahinga.

Nang makita niya ang kanyang pang-apat na asawa, sinabi niya sa kanya na siya ang pinakamamahal niya kaya binigay niya lahat ng mga luho at tinupad lahat ang kanyang mga pangarap. Tinanong niya ang kanyang pang-apat na asawa: “Maaari bang manatili ka sa tabi ko hanggang sa huling mga araw ng buhay ko at maging tapat kahit pumanaw na ako?”

Sinagot ng pang-apat na babae nang walang paligoy-ligoy na: “Hindi mo ako maaasahan sa bagay na iyan.” Umalis ang babae nang hindi nagpaalam. Nasaktan ang lalaki nang malubha sa mga binitiwang masasakit na salita ng kanyang pang-apat na asawa.

Sunod niyang kinausap ang pangatlo niyang asawa na ubod ng ganda. Sinabi niya sa kanya na: “Buong puso kitang minahal. Bilang iyong asawa, maaari ka bang manatili at alagaan ako hanggang sa araw na mamatay ako?”

Sinagot ng kanyang pangatlong asawa na: “Hindi. Marami pa akong plano para sa buhay ko at hindi ako magtitiis para lamang alagaan ka.” Dagdag pa niya na: “Hindi ako mag-aatubiling magpakasal muli kapag ikaw ay namatay.”

Nasaktan muli ang lalaki dahil sa mga nabitiwang salita ng kanyang pangatlong asawa.

Maluha-luha namang tinitigan ng negosyante ang kanyang pangalawang asawa. Katulad din ang tanong at paki-usap niya na: “Andyan ka parati upang gabayan ako sa aking mga problema. Sa iyo ako parating humihingi ng opinyon at payo. Maaari bang manatili ka kasama ako hanggang mawala na ako sa parte ng mundong ito?”

Nalungkot ang babae sa kanyang tanong at nasabi niya na: “Patawad. Sa pagkakataong ito, hindi kita matutulungan. Wala sa kapasidad ko na magawa ang bagay na hinihiling mo.”


Iniwan siya ng kanyang pangalawang asawa at napagtanto niya sa kanyang sarili na ang mga taong mahal niya ay iniwan na siya ng tuluyan.

Sa kabila ng sakit na naramdaman ng lalaki, nagulat siya nang may narinig siyang bulong sa loob ng kwarto.

“Mananatili ako sa tabi mo. Mananatili ako at sasamahan pa kita kahit sa dulo mapa-langit man o impyerno,” sabi ng kaunaunahang asawa ng negosyante.

for illustration purpose only

Nakatayo sa tabi ng negosyante ang kanyang asawa na babae. Napansin ng lalaki na namamayat na ang babae at namumuti na rin ang kulay ng buhok nito. Nakita rin niya na magaspang na ang kamay nito dahil sa mga taon na paninilbihan niya.

Hinawakan ng negosyante ang mga kamay ng kanyang asawa. Inilapit niya ang kanyang mga kamay malapit sa puso niya at nagsimulang umiyak. Hindi niya trinato ng maayos ang kanyang unang asawa tulad ng pagtrato niya sa mga iba pa niyang asawa. Ininda ito lahat ng babae at hindi niya tinalikuran ang kanyang asawa.

Ang storya na ito ay isang alegorya na maaari nating maihalintulad sa ating buhay.

Ang pang-apat na asawa ay maaari nating ihalintulad sa ating katawan. Gumugugol tayo ng sobra-sobrang oras at pera para magmukang maganda sa paningin ng iba. Subalit, ang katawan natin ay hindi nagtatagal at mawawala rin ito hanggang sa wala nang matira.


Ang pangatlong asawa ay nakabatay sa yaman, kapangyarihang pisikal at estado sa buhay. Karamihan sa mga tao ay naghahanap ng pagkilala at pagtanggap ng lipunan sa kanilang sarili. Ngunit isa rin ito sa mga bagay na mabilis mawala kahit bago pa tayo pumanaw.

Ang pangalawang asawa naman ay nirerepresenta ang ating pamilya at kaibigan. Maaaring andyan sila na parating maaasahan at tutulong sa ating mga pagsubok. Ngunit, may darating na punto na hindi nila tayo masasamahan kahit sa kabilang buhay.

Ang unang asawa naman ay maihahalintulad sa ating sarili o kaluluwa. Minsan ay napapabayaan natin ang ating sarili dahil mas inuuna pa natin ang bagay na gusto natin tulad ng yaman at gratipikasyon. Importante na dapat din nating pahalagahan ang ating mga sarili at alagaan ang ating kaluluwa dahil ito lamang ang nananatiling pang habang buhay.

source: goodtimes




SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only