Friday, 18 May 2018

Isang Misteryosong Liwanag na Tila Isang 'UFO-like Glowing Ball' ang Nakita sa Bansang Siberia na Nagbigay ng Takot sa mga Mamayan

Isang napakalaki at napakaliwanag na bola ang nakita sa kalangitan sa hilagang parte ng Siberia. Ikinatakot ng mga taong dito ang nakita nila noong mga oras na iyon. Ang misteryosong bagay na ito ay isa palang kamalian sa pagpapalipad ng missile sa loob ng bansang Siberia.


Noong ika-26 ng Oktubre, isang nakabibighaning maliwanag na bola na halos sumakop sa kalangitan ng gabi ang nakakuha ng atensyon sa nga residente sa bayan ng Salekhard, isang siyudad sa Artic Circle ng Siberia.

Si Sergey Anisimov, isa sa mga nakakuha ng larawan ng mga oras na iyon, ay umamin na namangha siya sa kanyang nakita. Sinaad niya sa kanyang panayam mula sa Siberian Times na: “Ang napakaliwanag na bolang iyon ay dahan-dahang pumalapit sa direksyon ko mula sa mga puno. Dahan-dahan itong nawala matapos na ito ay mag-korte na parang arko.”


Ayon sa Siberian Times: halos lahat ng lokal na residente sa hilagang parte ng Siberia ay nanginig sa takot dahil sa insidenteng ito.


Sinabi ni Anisimov na: “Ang mga batang may edad na 5-6 na taon ay nagsimulang magbanggit ng ‘aliens’ o kaya naman ay isang malaking lagusan patungo sa ibang lugar.

[Kids (5–6 years old) walking in the yard emotionally began to tell me about an unusual phenomenon, using the words ‘aliens,’ ‘the portal to another dimension’ and the like…. ]

Ayon naman kay Alexy Yakovlev, nakita niya ang kakaibang pangyayring iyon sa hilagang bahagi ng rehiyon Tomsk na halos 520 milya ang layo mula sa kanila.

Sinabi ni Yakovlev: “Noong umpisa, nakakaakit na liwanag na hugis globo ang anyo nito. Ngunit habang tumatagal, palaki ito ng palaki at nag-iiba na ang liwanag nito kaya naman natakot kaming lahat. Buti na lamang ay may kasama ako noong mga oras na iyon. Marahil kung mag-isa lamang ako, iisipin kong nababaliw na ako.”


Kumalat agad ang istorya at mga larawan ng insidente at sinasabing nagmula raw ito sa kalawakan o maaaring isang pananakop ng mga aliens hanggang sa mga kwentong pagkagunaw ng mundo.


Isinaad pa ni Vasily Zubkov na: “Mag-sisigarilyo sana ako ng mga oras na yun at nang makita ko ang bagay na iyon, inisip ko na baka katapusan na ng mundo.”

[I went out to smoke a cigarette and thought it was the end of the world.]

Ngunit si Yakovlev, isang propesyonal na taga-kuha ng nga larawan, ang nagsabi na: “Maaaring isa itong missile na aksidenteng napalipad sa isang lihim na space rocket mula sa Plesetsk.”

[It seems It accidentally shoot the launch of a secret space rocket from Plesetsk.]


Sinabi na ang iluminasyon ng bolang ito ay maaaring katulad ng isang pangyayari sa Northern Lights o Aurora Borealis.

Ngunit sinabi ng media sa bansang Russia na ang misteryosong bagay na ito ay sanhi at bakas ng Topol rocket na may kakayahang magdala ng isang nuclear missile.


Sa mismong araw na iyon, ang Topol-M intercontinental ballistic missile ay pinalipad mula sa Plesetsk Cosmodrome, isang spaceport sa kanlurang bahagi ng Russia. Pinalipad ito patungo sa silangang bahagi ng Kura sa Kamchatka Peninsula.


Ayon sa report mula sa National Geographic, sinabi ng isang astrophysicist sa Harvard-Smithsonian Center na si Jonathan McDowell na: “Apat na ballistic missile ang pinalipad noong mga oras na iyon at isa sa mga missile na ito ay na-obserbahan ng mga lokal na residente. Hindi maipagkakaila na sinusubukan lamang nila ang mga ito.”

Hanggang ngayon, hindi pa rin kinukumpirma kung ang mga ito ay aksidenteng nagkamali sa pagpapalipad.


Noong 2009 ng Disyembre, isang paikot na liwanag sa kalangitan ng bansang Norway dahil sa nabigong pagsubok sa mga missile ng Russia ang nai-dokumenta.

Ayon din kay Dr. Truls Lynne Hansen, isang tagapagsaliksik mula sa Tromso Geophysical Observatory, na isinaad sa Barents Observer: “Ang missile na ito ay maaaring nawala sa kontrol at sumabog sa kalangitan.”

[The missile has probably come out of control and exploded.]


Tingnan ang video ng mga pangyayari:



Anong masasabi niyo sa maliwanag na bagay na ito? Ibahagi ang inyong reaksyon sa artikulo na ito.

source: goodtimes




SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only