Monday, 14 May 2018

Isang Mountain Climber, Nakakita ng Isang Makinang at Lumiliwanag na Bato, Nang Ipasuri niya ito at Nalaman ang Totoong Presyo, Dali dali siyang Bumalik sa Lugar Kung saan niya ito Nakita

Isang lalaki ang nakakita ng isang makinang na bato habang naglalakad sa bundok na kanyang tinatahak. Nagkataon lamang ito nang pumasok siya sa kuweba ng bundok na dinaraanan niya. Hindi niya pa alam ang tunay na halaga ng batong iyon ngunit dinala niya pa rin ito pauwi.


Dahil wala siyang makita na impormasyon tungkol sa batong kanyang nakita, nagdesisyon siyang lumapit sa eksperto upang alamin ang tunay na presyo ng bato. Dali-dali siyang pumunta sa pinakamalapit na eksperto ng mga bato at pinasuri ang bato.

Ang kristal na ito ay kilala sa tawag na Kunzite. Hindi tulad ng ibang mga dyamante at kristal, ito ay napakabata pa. Ito ay nadiskubre noong 1902 ng isang espesyalista sa mga bato at alahero na si George Frederick Kunz.


Ito ay isang bato na may malinaw at makinang na kulay. Dahil sa mataas na manganese na nakapaloob sa batong ito, naglalabas ito ng napakagandang lilac at pink na kulay.

Nang malaman niya ang tunay na halaga ng batong ito, agad na bumalik ulit ang lalaki sa kuweba at naghanap pa ng mga kunzite para maibenta.

Ito ang kuweba kung saan nakita ng lalaki ang kakaibang bato.


Dinala ng lalaking ito ang kanyang pamilya at kaibigan upang maghanap ng kristal na kunzite sa kuwebang nadaanan niya sa pamumundok.

Hindi gaanong malalim ang kuweba dahil makikita pa ng mga tao ang lagusan palabas.


Narito pa ang mga larawan na kung saan tutulong-tulong silang naghuhukay sa mga kristal sa loob ng kuweba.



Madaling makuha ang mga batong ito sa pamamagitan ng maninipis na kable sa paghuhukay.



Ito ang dilaw na uri ng kristal na matatagpuan din sa kuwebang iyon.


Mas mahal daw ang presyo ng mga batong ito kung nagpapakita ito ng matingkad na bughaw o lilac na kulay.


Ang batong ito ay naglalabas ng liwanag na kulay dilaw, emerald, o kaya naman ay pink.


Mga katangian ng kristal na Kunzite:
  • Naglalabas ito ng sariling liwanag.
  • Ang kulay ng kristal ay nakabase sa angulo ng iyong paningin papunta sa bato.

Ito ang larawan ng kristal na Kunzite pagkatapos mayari at mapaganda para maibenta. Dahil sa kinang na ibinibigay ng batong ito, marami ang namamangha dito. 


Sinasabing mayroon daw itong misteryosong enerhiya na nakapaloob sa bato na nakakapagpagaling umano sa iba’t-ibang klaseng karamdaman.

Anong masasabi niyo sa nadiskubreng kristal ng mamumundok na ito? Ibahagi ang inyong reaksyon sa artikulo na ito.

source: goodtimes




SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only