Tuesday, 8 May 2018

Isang Pinay OFW na Nagtratrabaho sa CANADA Ibinahagi ang Hinaing Tungkol sa Kanyang Pamilya

Ang mga OFW ay isa sa mga tinuturing na bayani ng ating bayan, bakit? Dahil handa silang harapin ang lungkot, hirap at panganib masigurado lang ang kinabukasan ng kanilang pamilya.


Hindi lang iyon malaki din ang naitutulong ng mga OFW sa ekonomiya ng Pilipinas dahil ang mga remittances na ipinapadala nila sa kanilang pamilya ay nakakatulong upang maistabilize ang piso laban sa dolyar. Ang pilipinas ay nakatangap ng higit kumulang 28.4 billion dolyar galing sa mga padala ng mga OFW noong 2015.



Iba-iba ang nagiging karanasan ng ating mga mahal na kababayan sa ibat-ibang bansa may mga nagtatagumpay at mayroon din naman nabibigo. Pero ang masakit na katotohanan ay ang may mga kababayan tayong hindi nagtatagumpay at umuuwi ng walang ipon dahil narin sa kagagawan ng kanilang pamilya at kamag anak.


Katulad nalang ng kwento ng isang OFW nurse sa canada na binahagi ang kanyang hinaing patungkol sa walang tigil na pag hingi ng kanyang mga kapatid sakanya ng pera kahit pa may kanya kanya na itong mga anak at asawa.


Isang OFW pinay na nagtratrabaho sa CANADA ang nagbahagi sa social media ng kanyang hinaing matapos sya makatangap ng masasakit na salita galing mismo sa kanyang kapatid. Ang post na ito ay ibinahagi ng isang Facebook Page na may pangalang PESO SENSE.

inage source: pesosenseph

Umani ng libo libong reaksyon at komento ang post na ito. Ayon sakanya na:


“Isa po akong nurse dito sa Canada… Tumutulong po ako sa mga kapatid ko. Ang totoo nga po nyan 2015 nagbigay ako ng 200k sa bunsong lalaki namin sinundan ko para puhunan nia sa pugo. Nalugi po yun. Hinayaan ko nalang. Last year nagbigay po ako ng puhunan 30k para sa maliit ng groceries store..


Last December umuwi ako binigyan ko nanaman siya ng 25k pangdagdag phunan. Tapos ung panganay naman na lalaki namin kahit ano ipabili binibili ko po like nike shoes g shock or anything na afford ko hnd ko xa binibigyan ng pera kc may stable job naman xa.

Ngaun po gusto nila ibili ko sila ng sasakyan… ang gusto po magloan ung panganay n lalaki ng 200k ako naman 150k… eh may asawa nrin po ako may sarili na akong buhay dito.. at dahil hindi ko po napagbigyan ang mga hiling na sasakyan.

Ito po ang message ng kuya ko sa akin galit na galit keso makasarili daw po ako.. ako na po nagpapaaral sa isang anak ng kuya ko s private school 30,000 tuition fee.. nakatira na sa bahay sa ls pinas for free ako po may ari ng lupa sa ate ko ang bahay.. tapos makasarili parin daw ako. Nakakasama lang po talaga ng loob na parang ang gusto nila patayin ko sarili ko kakatrabho habang sila nagpapakasarap sa pinas.”



Isa lang ang babaeng ito sa madaming OFW sa ibang bansa na nakakaranas ng pangaabuso galing mismo sa kanilang pamilya. Akala kasi siguro nila porket nasa Ibang bansa ang isa sa miyembro ng kanilang pamilya ay masarap at masagana ang buhay nito dahil malaki ang sahod pero ang di nila alam na ilang gutom ang tiniis para lang may maipadala sa pamilya, ilang luha ang pumatak dahil sa sobrang pangungulila sa pamilya.

Kaya sa ating mga kababayan na may mga kamag anak sa abroad sana maging leksyon satin na hindi lang basta basta napupulot ang pera sa ibang bansa, dugo, luha at pawis ang puhunan ng ating mga mahal sa buhay para lang masiguro na nakakain tayo ng tatlong beses sa isang araw, nakakapag aral tayo sa magagandang paaralan.

Ano ang masasagbi nyo sa hinanaing ng isa nating kababayan? Ibahagi ang inyong opinyon sa artikulo na ito.





SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only