Sunday, 6 May 2018

Isang Pulis Pinag Multa pero Inabutan din ng Pera ang Isang Matandang Babae Matapos Ito Mahuli na Nagtitinda sa Bangketa

Nahuli ang matandang babae na ito na nagpapatakbo ng ilegal na negosyo at pinagmulta ng pulis. Tingnan ang ginawa ng pulis para sa matandang babae na nagpaluha sa mga mata nito.


Isa ang Taiwan sa mga tanyag na bansa sa Asia dahil sa mga nakakamanghang tourist spots sa lugar na ito. Kilala rin sa lugar na ito ang mga nagsulputang mga tiangge at food stalls sa iba't-ibang bangketa ng siyudad.

Ngunit ang mga negosyong ito ay ilegal at bawal itayo sa mga bangketa kaya madalas itong sitahin at pag-multahin ng mga pulisya.

Isang netizen sa Facebook ang nagbahagi ng kanyang karanasan habang napadaan sa isang bangketa sa Taiwan. Ang netizen na nagmula sa Pingtung County, Taiwan ay naisipang mamasyal kasama ng kanyang kaibigan.

Nakita niya ang isang pulis na umiikot sa maingay na lansangan na puno ng mga tiangge stalls. Karamihan sa mga mas batang nagpapatakbo ng kanilang ilegal na negosyo ay mabilis na nakapag-impake ng kanilang gamit at nagmadaling tumakas sa kanilang puwesto ng makita ang pulis na nagpapatrolya sa lugar ng mga tiangge.

Mabilis na nawala ang mga may-ari ng mga tiangge ngunit isang matandang babae ang hindi nakapaghanda ng maayos dahil mahina na ang ito kung titingnan sa kanyang edad.

Ang mga sumunod na aksyon ng pulis ay nagpaantig sa mga puso ng bawat nakakita sa insidente.

Habang nag-iimpake ng gamit ang matandang babae, nakita siya ng pulis at nilapitan ang kanyang paninda. Napansin ng pulis na napakabagal niya gumalaw dahil sa katandaan kaya hindi na ito nakatakas pa. Nang makalapit ang pulis, Pinaliwanag niya na ilegal ang kanyang puwesto at nasabing lumalabag siya sa batas.


Narinig ng netizen ang makaawa ng matandang babae sa pulisya. Nasabi ng matanda sa pulis na: [Huwag mo na akong pagmultahin pa.]

“Please do not issue me a fine”

Kahit na nagmakaawa na ang matandang babae, hindi nag-atubili na pagmultahin siya ng pulis sa salang paglabag sa batas. Bakas sa mukha ng pulisya ang lungkot sa pag-abot ng multa para sa kaso ng matanda. Nalungkot din ang netizen sa kanyang nasaksihang insidente at na nagpasama sa kanyang loob.


Kung iisipin, nahihirapan ang matandang iyon para itaguyod ang kayang negosyo at bantayan ang mga paninda ng magdamag para may pagkakitaan lamang. Marahil ay mapupunta lahat ng kanyang kinita sa loob ng araw na iyon para sa pagbabayad ng multa.

Pagkatapos magbigay ng multa ang pulis, agad niyang dinukot ang kanyang pitaka at nag-abot ng 2 libong dolyar (Taiwanese Dollars) sa matandang babae.


Nagulat ang matandang babae dahil noong umpisa pa lamang ay nagmamaka-awa ito para hindi siya pagmultahin. Tinanggihan niya ang alok na pera ngunit pinilit siya ng pulis at umalis na lamang na para bang walang nangyari.


Naiyak ang matandang babae sa kabutihang ipinakita ng pulisya sa kanya. Naiyak din ang netizen na nakakita sa insidente noong araw na iyon.

Ibinahagi ng netizen ang storya na ito sa iba't-ibang social media accounts niya at mabilisan itong kumalat. Sinabi ng ibang netizens na: [Halos 99.99% ng mga pulisya ng Taiwan ay mababait at matulungin.]


“99.99% of Taiwanese policemen are warm and kind-hearted.”

[Maraming mga nakakadismayang insidente, ngunit isa ito sa mga nakakapag-antig ng ating mga puso na gumawa ng kabutihan para mapaayos ang mundong ating tinitirahan.]

“There are a lot of disappointments in life but among these disappointments are warm and kindhearted events that made our world a better place to live in.”

Sinabi pa ng isang studyante na nag-aaral sa Central Police University na: [Mahirap para sa isang pulis na pagmultahin ang matandang babae ngunit kailangan niya rin gawin ang kanyang trabaho na ipagpatupad ang batas. Nagawa niyang magbigay ng multa para maiwasan ang pagpapatakbo ng mga ilegal na tiangge sa lugar na iyon. Sinyor, nakakabilib ka! ]

“The policeman was doing his work according to the law and it must have been tough for him to issue this grandma a fine. He had to issue this ticket as it was to prevent stall owners from operating their business in illegal areas. Senior, you are so cool!”

Marami sa kapulisan ang matigas ang puso at kailangan isantabi ang awa para matoto sumunod sa batas ang mga lumalabag. Pero dahil sa kabaitan ng pulis na ito gumawa sya ng paraan habang ginagawa nya ang kanyang katungkulan.

Hindi natin maipagkakaila ang pagiging mahabagin ng pulisya na ito sa Taiwan. Isa siya sa magiging inspirasyon para sa lahat ng kapulisan dahil sa kanyang katangi-tanging kabutihang ipinamalas sa sitwasyon na iyon.

Anong masasabi niyo sa pulis na ito? Ibahagi ang inyong mga reaksyon sa artikulo na ito.

source: goodtimes






SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only