Wednesday, 9 May 2018

Isang Pulubi, Nag-antay ng 3 Araw sa may-ari ng Pitakang Kanyang Napulot para Ibalik, Pero ng Balikan ito ng may-ari Imbis na Ibalik agad ng Pulubi ay Pinaluhod nya muna ito at Pinagmakaawa

Sa panahon ngayon iilan nalang ang mga taong matapat lalo na kung ang sitwasyon nila ay hirap. Katulad nalang kuwento ng isang pulubi na nakakita ng pitaka na may lamang pera na imbis na itabi ang pera para sa pangangailangan, ay naghintay parin sya at umaasang babalik ang may-ari ng pitakang napulot niya.


Pero ang mga sumunod ng ngyari ay hindi niya inaasahan. Ito ang kanyang kuwento.

Isang pulubi ang pumunta sa masikip at mataong lugar para lang humingi ng kunting limos sa mga ito. Dala ang kanyang sira sirang bag, siya ay naglakad ng naglakad hanggang sa makakita siya ng isang pitaka sa daan.

Lumingon lingon muna siya sa kanyang paligid at nang makita niyang walang ibang tao ay agad niya itong pinulot at binuksan.


Nagulat siya ng makita niya ang laman ng pitaka dahil bukod sa ID at mga credit cards, naglalaman din ito ng limpak limpak na salapi.


Nang makita nya ang laman ng pitakang kanyang napulot agad ulit syang tumingin sa kanyang paligid at nang makita nya na walang ibang tao ay bigla siyang nagdalawang isip kung kukunin at gagamitin nalang ba nya ang pera o aantayin nyang hanapin ito ng totoong nagmamay-ari.

Hindi nagtagal at nagdesisyon syang antayin ang may-ari dahil alam nyang ito ang tama nyang gawin. Kaya naman hindi muna sya umalis malapit sa pwesto kung saan nya nakita ang pitaka para kung sakaling may maghanap dito ay madali nya itong makikita.

Hindi din nya sinubukang iwanan ang pitaka sa daan kung saan nya ito nakita dahil baka may makapulot dito na isang tao at hindi na ito ibalik sa may-ari na gaya ng kanyang gagawin.

Hindi dahil pulubi lang sya ay may karapatan na syang itago o angkinin ang mga bagay na kanyang nakikita na gaya ng iba dahil may sarili din syang prinsipyo sa buhay.

Kaya naman gusto nya agad ibalik ang pitaka sa may-ari nito, ngunit sa tagal ng kanyang pag-aantay ay sumapit na ang gabi pero wala pa ding taong naghahanap dito.

Kahit na walang dumating na tao para hanapin ang nakita nyang pitaka, hindi pa din nagbago ang kanyang isip na ibalik ito kaya naman nag-antay pa uli sya ng ilan pang araw at doon narin muna sya natutulog.

Tatlong araw ang makalipas ng may makita syang isang lalaki na tila balisa at parang may hinahanap na mahalagang bagay sa daan kung saan nya nakita ang pitaka. Habang naghahanap ang lalaki ay napatingin sya sa dereksyon kung saan naroon ang pulubi, pinuntahan nya ito at pasigaw na tinanung ng “Hoy pulubi! May nakita kabang pitaka dito?”.


Nagulat ang pulubi sa ugali at tono ng pagtatanung ng lalaki sa kanya pero sinagot nya pa din ito ng oo, alam din nya na ito ang may-ari dahil kamukha nito ang isang larawan na nakita niya sa loob ng pitaka.

Nang makita ng lalaki ang reaksyon ng pulubi sa kanyang pagtatanong agad nya itong inutusan na bilisan ang pagsagot at sabihin sa kanya kung sino ang kumuha ng pitaka nya.

Dagdag pa ng lalaki na bibigyan nya ng limampung dolyar na pabuya ang pulubi kapag sinabi nya kung sinu ang nakapulot ng kayang pitaka. Dahil sa asal ng lalaki sa pulubi, tumahimik ito at nag-isip syang mabuti kung papaano nya sasabihin na sya ang nakapulot ng pitaka dahil baka isipin ng lalaki na ninakaw nya ito mula sa kanya at biglang magalit.

Sa sobrang tagal sumagot ng pulubi ay biglang nainis at nawalan ng pasensya ang lalaki kaya sinabi nya dito na

'Hoy mabahong pulubi, sabihin mo sakin kung sino ang nakapulot ng wallet ko! Kailangan ko ang aking mga I.D para sa aking mga importanteng aplikasyon. Kapag nahanap ko ang wallet ko bibigyan kita ng 100 dolyar.'

“Hey smelly beggar, tell me quickly who took the wallet! I need my identity card for some urgent applications. If I find it, I will reward you with 100 dollars”.


Dahil sa hindi makataong pagtrato ng lalaki sa pulubi ay nainis din ito sa kanya. Pulubi nga lang sya pero tao din sya at may karapatan din sya na tratuhin ng maayos.

Dahil dito inisip ng pulubi na dapat turuan ng leksyon ang mayabang na lalaki kaya naman sinabi nya dito na alam nya kung sino ang kumuha ng kanyang pitaka at kung nasaan ngayon ang taong iyon.

Sasabihin nya lang kung nasaan ito kapag ang mayabang na lalaki ay luluhod at hihinge ng tawad sa masamang pagtrato nito sa kanya. Hindi nila napapansin na silang dalawa pala ay nagsisigawan na kaya naman lumikha ito ng atensyon sa ibang tao dahilan para lapitan sila ng mga ito.


Nang marinig ng lalaki ang sinabi ng pulubi itinaas nya ang kanyang kamao at handa nya na sanang suntukin ito ng bigla nyang naisip ang ID na kailangan nya na nasa loob ng kanyang pitaka.

Para din masigurado nya na nagsasabi ng totoo ang pulubi tinanung nya ito kung anong patunay nya na nakita nya talaga ang kanyang pitaka. Agad namang binanggit ng pulubi ang buong pangalan ng lalaki at sinabi na kaya nya ito alam ay dahil nakita nya ang ID nito nasa loob ng kanyang pitaka.


Pagkatapos nyang marinig ang sinabi ng pulubi at nalaman nyang totoo talaga ang nakita nya ito, agad naman syang lumuhod at humingi ng tawad sa masamang pagtrato nya dito. Pinuri naman ang pulubi ng mga taong nakakita sa buong pangyayari at sinabi pa nila na tama ang ginawa nyang parusa sa masamang lalaki.

Inilabas ng pulubi ang pitaka ng lalaki pagkatapos itong lumuhod at humingi ng tawad sa kanya at sinabi niya dito na’


'Hindi maling lumuhod para aminin na mali ka. Tatlong araw na akong nag-aantay sayo para hanapin mo at isaule ko ang iyong pitaka, pero nung nag pakita ka pinakita mo sakin agad na wala kang galang.'

Pagkatapos nya itong sabihin sa lalaki ay kinuha nya ang kanyang gamit at umalis papalayo sa kanya. Hindi naman inaasahan ng lalaki na sasabihin ito ng pulubi sa kanya, kaya naman ng umalis ang pulubi ay natulala sya at napahiya sa kanyang ginawa.

Hindi naman kasi kailangang maging masama ng lalaki sa pulubi para lang makuha ang kanyang pitaka dito. Dapat magpasalamat pa sya dito dahil pinili nitong huwag umalis sa lugar kung saan nya nakita ang pitaka para lang maibalik ito sa kanya.

Tiniis nya ang init ng araw at ang lamig ng gabi para lang antayin ang kanyang pagbabalik tapos hindi pa nya ito naitrato ng ayos.

source: goodtimes





SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only