Sunday, 13 May 2018

Isang Pulubi, Pumila sa Isang Bakery para Bumili ng Tinapay, Pero Itinaboy ng Ibang Costumer dahil sa Mabaho daw ito, Pero Isang Bagay ang Ginawa ng May-ari ng Bakery na Naging Aral at Inspirasyon

Isang madumi at mabahong pulubi ang pumila sa pinto ng isang ordinaryong bakery. Maraming mga mamimili na naalibadbaran at nagalit sa pila ng bakery dahil sa hindi kaaya-ayang amoy at itsura ng pulubi.


Pilit itinaboy ng mga manggagawa ng bakery ang pulubi at sinabing pumunta na lamang sa ibang lugar at doon magkalat. Ngunit naglabas ng madumi at lukot-lukot na pera ang pulubi. Sinabi niyang bibili rin siya ng murang tinapay.

Nang makita ng may-ari ng bakery ang pulubi, lumapit agad ito sa kanya at binigyan siya ng isang kahong bagong lutong mga tinapay.


Nagpasalamat ng marami ang may-ari ng bakery sa pulubi at sinabing: “Maraming salamat sa pagbili niyo ng tinapay sa amin! Balik pa po kayo!”

[Thank you for your business! Please come again!]



Naantig ang damdamin ng pulubi sa mga ginawa ng may-ari ng bakery dahil iyon ang unang pagkakataon na mayroong tao na trinato siya na parang isang ordinaryong mamimili.

Nang makaalis ang pulubi, agad na kinausap ng apo ang kanyang lolo na may-ari ng bakery. Tinanong niya ito kung bakit siya pa mismo ang naghanda ng pagkain para sa pulubing iyon.

Sinagot ng kanyang lolo na: “Maaaring siya ay pulubi ngunit siya pa rin ay isang costumer para sa akin. Nais niyang bumili at kumain ng ng aking gawang tinapay na tulad ibang ordinaryong mamimili. Naging mahirap ang kanyang bubay dahil kinailangan niya pang gumugol ng oras para humingi ng pera para lamang may makain kaya ako mismo ang naghanda ng pagkain para sa kanya. Kung hindi ko ginawa iyon, maaari siyang manghinayang bilang customer ng mga panindang tinapay na ginawa ko.


Tinanong siya muli ng kanyang apo: “Bakit tinanggap niyo ang pera ng pulubi?”

[His grandson asked, “If so, then, why did you take his money?]

Sinagot naman ng kanyang lolo na: “Ngayon, isa siyang customer. Pumunta siya dito para hindi humingi ng pagkain. Dapat mo siyang respetuhin dahil ninais niyang bumili kesa manghingi ng pagkain. Kung hindi ko tinaggap ang pera, maaaring maging insulto iyon para sa kanya. Dapat respetuhin mo ang bawat customer na gustong magbayad para sa ating mga panindang tinapay.”

[Today, he is a customer. Not a beggar coming to beg for food so we must respect him. If we do not accept his money, wouldn’t it be an insult to him? We must remember to respect every paying customer that comes in as our business is kept running by our loyal customers.]


Sinang-ayunan ng kanyang apo ang mga turo at leksyon ng kanyang lolo.

Ang may-ari ng bakery ay ang lolo ni Yoshiaki Tsutsumi. Si Yoshiaki ay isang tanyag na negosyante. Isa rin siya sa pinakamayamang tao sa mundo at nalathala din siya sa Forbes magazine. Naging inspirasyon niya ang kanyang lolo na maging isang matagumpay na negosyante.

Ibinahagi pa ni Yoshiaki na ang storya ng pulubing ito ay naging pinakapinapahalagahan niya dahil umikit ito ng napakalalim sa kanyang pagkatao. Hanggang ngayon, inaalala niya pa rin ang gawain ng kanyang lolo na halos nagbago sa kanyang pananaw bilang maging isang mabuting negosyante.

Ibinabahagi niya ang storyang ito sa bawat pahinante at tauhan na nagtatrabaho sa ilalim ng kanyang pamumuno. Sinasabi niya na dapat ay maging mapahalaga sila sa kanilang mga customer at tratuhin nila ito ng maayos at may respeto. Iwasan nila ang panghuhusga sa mga nakikita nilang kakaiba sa isang tao.


Tulad ng turo ni Mencius, isang kilalang iskolar na mula sa Tsina, nasabi niya na: “Ang taong mapagmahal sa kapwa ay parating sinusuklian din ng pagmamahal; Ang taong marunong rumespeto sa kapwa ay parating sinusuklian din ng pagrespeto.”

[He who loves others is constantly loved by them; he who respect others is constantly respected by them.]

Anong masasabi niyo sa istorya ng may-ari ng bakery? Ibahagi ang inyong reaksyon sa artikulo na ito.

source: goodtimes




SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only