Tuesday, 8 May 2018

Isang True to Life Story na Ginawan ng Pelikula Tungkol sa Magkasintahan na Ikakasal na sana, Pero Nakalimot ang Kanyang Nobya Isang Buwan Bago Sila Ikasal.

Ang Kanyang fiancée ay biglang nakalimot sa kanyang pagkatao ilang buwan bago ang kanilang kasal. Naghintay siya ng 8 taon umaasang maibabalik niya ang kanyang nawalang memorya. Dahil marami ang nainspire sa itorya niladi nagtagal ginawan ng ito ng pelikula.


Si Hisashi Nishizawa at Mai Nakahara ay isang tipikal na magkasintang Hapon. Sila ay parehong pinakilala ng kanilang mga kaibigan at di kinalaunan ay nahulog ang dalawa para sa isa’t isa. Ang dalawa ay tila lovebirds; nagbabahagian ng pagkain, magkasamang dumaan sa masaya at mahirap na sandali. Sila ay nagtipan sa loob ng dalawang taon.

Isang araw, Si Nishizawa ay lumuhod at nag alok ng kasal kay Mai.


Si Mai ay tuwang-tuwa sa napaka romantikong alok ng kasal ni Nishizawa na hindi niya maiwasang maluha sa galak habang sinasabing “Yes” sa kanyang sinta.


Sila ay nagdesisyong ganapin an gang kanilang kasal sa ‘Averiru State Guest House’ sa Okayama sa loob ng anim na buwan. Ang lahat ay tila maayos at ang magkasintahan ay nagsimulang maghanda para sa kanilang kasal hanggang dumating ang isang araw, ang mga salita ni Mai kay Nishizawa ay gumihit sa ikabutiran ng kanyang puso.

Sila ay masayang naguusap tungkol sa mga plano ng kanilang kasal nang biglang tumingin ng kakaiba si Mai kay Nishizawa na tila hindi pa niya ito nakikita at nagtanong: Sino ka?
Nabigla si Nishizawa. Sila ay malapit ng ikasal ngunit biglang sinabi ni Mai na hindi niya ito kilala.


Simula noon, may mga kakaibang pangyayari ng naganap. Nagbago ang personalidad ni Mai. Siya ay madalas na sumisigaw at nakalilimot sa kanyang mga kaibigan at mga kamag-anak. 

Si Nishizawa ay lubhang nagaalala sa kalagayan ni Mai kaya agad niya itong pinatingnan sa isang doktor para siya masuri. Gayunman, wala silang makitang kahit anong kakaiba. Sa huli, si Mai ay na admit sa isang saykayatrikong pasilidad. 


Matapos ma admit sa hospital sa loob ng 3 taon, ang kalagayan ni Mai ay nagsimulang lumalala. Isang beses, ang kanyang puso ay huminto sa pagtibok. Matapos magsagawa ng emergency rescue, kinailangang isailalim si Mai sa isang ventilator upang masustina ang kanyang buhay. Si Mai ay na coma at minsan ay nakakaroon ng biglaang sumpong.

Ang mga doktor ay nagtataka sa kondisyon ni Mai at sinabing siya ay naging parang lantang gulay at maaring hindi na magising pa kailanpaman.

Sa madaling panahon, ilang linggo bago ang kanilang kasal, tumawag ang kompanya ng kasal. Ang lahat ay nagbigay ng payo kay Nishizawa na kanselahin ang kasal ngunit sa halip, pinagpaliban niya ang kasal. “Maghihintay ako kay Ma!” aniya. 

Ang lahat ay nahabag sa walang katapusang pagmamahal ni Nishizawa para sa kanyang hinaharap na asawa ngunit mahirap masabi kung gagaling pa ng aba si Mai sa kanyang karamdaman. Siya ay nasa coma pa rin.

Habang ang kondisyon ni Mai ay hindi nagpakita ng anumang progreso, ang kanyang pamilya ay ninais na kumuha ng tagapagalaga ngunit si Nishizawa ay nagdesisyon na ito ay hindi na kailangan pa dahil nais niyang personal niyang alagaan si Mai. Araw-araw, siya ay gumigising ng 2 oras na mas maaga kesa sa nakasanayan upang alagaan si Mai at makipagusap ditto bago siya pumasok sa trabaho. 

Kapag siya’y nakabalik na, ninibigyan niya ng masahe si Mai upang pigilan ang pagliit ng kanyang mga kalamnan.


5 buwan matapos ma admit si Mai, sa wakas ay nadiskubre na ng mga doktor ang dahilan ng kakaibang karamdaman ni Mai. Lumabas na siya pala ay mayroon limbic encephalitis na dulot ng kanyang tumor sa obaryo. Nang malaman ang balitang ito ng kanyang pamilya at ni Nishizawa, sila ay nawalan ng pagasa. Ang mga ala-ala ng pasyente ay maaring hindi na bumalik kahit maging matagumpay ang operasyon.

Si Mai ay nanatiling walang malay matapos ang matagumpay na operasyon na pagtanggal ng tumor sa kanyang obaryo.


Matapos ang operasyon na pagtanggal ng tumor niya sa kanyang obaryo, Nanatiling walang malay si Mai ngunit iginiit ni Nishizawa na ipagpapatuloy nito ang pag-alaga kay Mai. Nang malaman ito ng nanay ni mai, siya ay labis na natuwa sa mapagmahal na lalaking iyon na nagaalaga sa kanyang anak. Ang kanyang nanay ay maluha-luha habang siya ay sumagot; “Pinapasalamatan kita sa pagaalaga kay Mai pero ako ay umaasa na ikaw ay sumuko na kay Mai at maghanap ng ibang babae.”

Malungkot na sumagot si Nishizawa: “Nakikiusap ako sayo, hayaan nyo akong manatili sa piling ni Mai. Gusto kong makitang muli ang kanyang mga ngiti. Gusto kong marinig muling tinatawag niya ang aking pangalan. Ayokong sumuko kay Mai…”

Marahil, ang Panginoon ay nahabag kay Nishizawa sa kanyang mga panalangin kaya’t kanyang dininig ang kagustuhan ni Nishizawa. Sa wakas ay nagising si Mai sa kanyang ika-529 na araw matapos siyang ma admit sa hospital. Gayunman, merong isang problema. 


Hindi makilala ni Mai ang sinoman sa kanyang paligid. Kahit na ang mga tinig ng kanyang pinakamalalapit na kaibigan at kamaganak ay hindi nagpabalik ng kanyang mga memorya.

Ngunit si Nishizawa ay nagagalak pa rin sa paggising ni Mai mula sa mahabang pagkaka coma.

Isang araw, matapos ang tatlong taon ng pagka admit nito sa hospital, bigla siyang ngumiti kay Nishizawa.

Bagamat ang ngiting iyon ay maiksi lamang, ito ay nagbigay kay Nishizawa ng pagasa na balang araw ay gagaling din si Mai at maaalala niya ito.


Di nagtagal, siya ay unti-unting nagsimulang gumaling at nagkaroon ng kamangha manghang progreso sa kanyang kalagayan. Kahit na hindi pa makatayo si Mai ng mga sandaling iyon, batid ni Nishizawa na mayroong pagasa. Matapos ang 1000 na araw ng pagpapagaling, si Mai ay pinayagan ng umalis ng hospital.

Siya ay nagdesisyon na nais niyang pakasalan si Nishizawa na nagalaga sa kanya at pinahalagahan ang mga sandaling sila ay magkasama.


Agosto 2014, Si Nishizawa at Mai ay pormal ng nagpakasal. 8 mahabang taon ang lumipas nang si Nishizawa ay unang nag alok ng kasal kay Mai.


Ang mga kalamnan ni Mai ay umurong, ang kanyang mga paa ay mahina ngunit iginiit niya na nais niyang maglakad sa altar kasama si Nishizawa.

Sa wakas, ang dalawa ay ikinasal!


Si Nishizawa habang hinahalikan ang kanyang nobya habang sila ay kinakasal. Sila ay puno ng karangalan at saya gayunman sa kanilang mga pamilya at kaibigan.


Ang kanilang kwento ay ginawan ng pelikulang pinamagatang “The 8 Year Engagement”, na pinagbidahan ng aktor na si Takeru Satoh at aktres na si Tao Tsuchiya.

Ang mga netizens ay labis na natuwa nang maisapubliko ang kanilang istorya at lahat ay nagsasabing ito ay “miracle wedding’

Sa ngayon, sina Nishizawa and Mai ay naging mga magulang na sa kanilang unang anak at ang pamilyang ito ay nagsasamang masaya. 


8 taon ng paghihintay at masasakit na pagsubok ay hindi nagpatapos ng kanilang pagiibigan at sa halip, ang kanilang pagmamahalan ay mas lumalim at tumatag. Ating mithiin na magkaroon sila ng masaya at masaganang buhay.

Anong masasabi mo sa artikulo? Magcomment at ishare!



source: goodtimes



SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only