Saturday, 5 May 2018

Kilalanin ang Lalaking Nabuhay ng 133 na Araw sa Gitna ng Dagat Matapos Lumubog ang Sinasakyang Barko

Wala man lang ni-isang tao na nasa matinong pag-iisip na magbabalak subukang talunin ang titulo sa patagalan na mabuhay sa gitna ng dagat. Kinakailangan ng matinding tiyaga at matatag na pag-iisip para tumagal at mabuhay sa sitwasyong tulad nito.


Pero isang lalaki ang nagkamit ng world record na pinaka matagal sa gitna ng dagat at ito ay ngyari nung panahon ng ikalawang pandaigdigang giyera.

Isang lalaking tsino na nagngangalang Poon Lim, kasama ng 52 indibidwal na nakasakay sa isang barkong pagmamay-ari ng British Co. ay naglayag sa gitna ng karagatan mula Cape Town papuntang Suriname, South Africa.


Ngunit isang kagimbal-gimbal na pangyayari ang sinapit ng mga taong nakasakay sa barkong iyon. Sinundan ito ng isang German submarine mula sa Silangan ng Amazon at pinaputukan ng 2 malalaking torpedo na nagpalubog sa naturang barko.

Si Poon Lim lamang ang nakaligtas sa pag-atake ng German submarine. Hanggang ngayon, wala pang nakakatalo sa rekord ni Poon Lim na tumagal at nabuhay sa gitna ng dagat ng mag-isa.


Pagkatapos lumubog ang barkong sinasakyan nila na inatake ng mga Aleman, Nakaligtas si Poon Lim at nakatagal siya ng halos 133 araw sa gitna ng karagatan ng South Atlantic sa pamamagitan ng pagsakay sa isang balsa.

Ang pangalan ng barkong sinampahan ni Poon Lim Ay SS Ben Lomond. Dahil nagdadala ng tone-toneladang mga kargamento, hindi ito kasing bilis ng katulad sa mga pampasaherong barko na maglayag sa dagat.


Pinadala si Poon ng kanyang ama sa barko upang samahan ang kanyang kapatid na magtrabaho bilang empleyado sa cabin ng pampasaherong barko ng Bretanya.


Pinadala sila ng kanilang ama upang maiwasan ang kanilang mga anak na madistino bilang sundalo ng Tsina at makipag-giyera sa mga digmaang kinakakaharap ng bansa.

Sa paglubog ng barko, nagmadali si Poon Lim na kunin ang kanyang Life Jacket at agad tumalon sa dagat. Kung hindi ito ginawa ni Poon, maaari siyang mamatay sa pagsabog mula sa nasusunog na barko. Sinuwerto si Poon dahil may nasalba siyang balsa na halos walong dipa ang lawak at ginamit ito para mailigtas ang sarili.


Buti na lamang na hindi nadamay sa pagsabog ang balsa dahil mayroon din itong pagkain tulad ng tsokolate, biskwit, delata, asukal, de bateryang ilaw, kahon ng mga sigarilyo, survival flares, lubid at 40 litrong tubig.

Nagawang tumagal nang mag-isa sa gitna ng dagat si Poon. Nang maubos ang lahat ng rasyon ni Poon, nangailangan niyang umangkop sa sitwasyon para maisalba ang sarili. Sinubukan niyang mangisda at mangolekta ng ulan sa pamamagitan ng kanyang life jacket.

Dahil hindi siya marunong lumangoy, tinali niya rin ang kanyang sarili sa balsa para sa pansariling kaligtasan. Ginamit niya rin ang wire sa kanyang flashlight upang maging kawil sa panghuhuli ng isda.

Sa tuwing may makikita rin siyang mga pating, ginagamit niya ang kanyang mga nahuhuling maliliit na isda bilang pain sa mga ito. Dahil malalakas ang mga isda, sinigurado niya rin na matitibay ang mga pangawil para sa mga pating.

for illustration purpose only

Dahil hirap din siyang makakuha ng maiinom na tubig, napilitan siyang gamitin ang dugo ng mga nahuling pating para hindi mamatay sa kawalan ng tubig sa katawan.

Nilalaslas niya ang bituka ng mga pating at binibilad ito sa araw para maipon ang mga dugon maaari niyang inumin. Nalaman niya na ang pamamaraan na ito ay ligtas dahil ginagawa ito sa isang lutuin ng mga Hainanese.


Nanatili ng matagal si Poon sa gitna ng karagatan at nakaranas ng matinding sakit sa pag-iisip. Inamin niya na marami raw siyang nakitang barko na dumaan ngunit hindi siya tinulungan ng mga ito.

Dinaraanan lamang siya ng mga barkong nagmula sa Hukbong-pangkaragatan ng Estados Unidos. Inisip ni Poon na kaya hindi siya tinutulungan ng mga ito dahil inisipan siya ng masama at nagtatrabaho para sa Tsina o Japan.

Nakaranas din siya ng matinding sakit sa balat dahil sa araw at pagkalula dahil sa matagal na panahon sa dagat. Marami ang namangha sa tibay ng loob at pagsusumikap ni Poon para mabuhay.

Nabilang ni Poon ang mga araw na ginugol niya sa dagat sa pamamagitan ng pagbibilang sa mga lumilipas na kabilugan ng buwan at pagtali sa mga lubid na katumbas ng araw na nasa gitna siya ng karagatan.

Nang mapansin niya na nag-iiba na ang kulay ng dagat, nalaman niya agad na malapit na siya sa mga lupain. Naligtas si Poon ng tatlong mangingisda ng bansang Brasil noong ika-5 ng Abril, 1943. Halos 133 ang nabilang na araw na palutang-lutang ang kanyang balsa sa gitna ng karagatan.


Pagkaraan ng tatlong araw mula nang siya ay naligtas, dinala siya sa Belém ng mga mangingisda. Pinasok siya sa isang ospital upang mapagamot ang sarili sa loob ng apat na linggo.


Halos siyam na pulgada ang nabawas kay Poon sa mga panahong siya ay nasa dagat. Hanggang ngayon, wala pa ring nakakatalo sa rekord ni Poon.

Bago siya mamatay noon 1991, nasabi ni Poon na: [Sana, walang makatalo sa nagawa kong rekord.]

“I hope no one will break the record I have created.”

Ano ang masasabi niyo sa mga nangyari insidente sa buhay ni Poon Lim? Ibahagi ang mga ito sa artikulo na ito.

source: goodtimes




SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only