Saturday, 19 May 2018

Kilalanin ang Tinaguriang ‘World’s Ugliest Bird’ na Mahirap Hanapin at Makita Dahil sa Kakayahan nitong Mag Balatkayo 'Camouflage'

Kung tutuusin, halos mahihirapan ang isang tao na matukoy ang napakaraming uri ng ibon sa buong mundo. Karamihan pa sa mga ibong ito ay napakabihirang makita dahil sa kakaunting bilang ng mga ito.


Ang iba pa rito ay nanganganib ng maubos dahil sa kapabayaan ng tao na pangalagaan ang kalikasan. Ngunit, maraming mga bagong uri ng ibon ang nadidiskubre ng mga mananaliksik para madagdagan ang mga iba’t-ibang klase ng ibon sa panahon ngayon.


Isa sa mga napakabihirang ibon na makita at hindi masyadong kilala sa pandinig ng nakararami ay ang ang ibon na “Potoo.” Ang ibong ito ay mahirap makilala dahil sa kakaibang itsura nito.

Ayon sa mga eksperto, nakakita sila ng kakaibang ibon na ito sa malalim na parte ng kagubatan sa Venezuela. Kilala ang mga uri ng ibon na ito na namumuhay sa sanga ng mga puno. Sinasabi rin na ang mga ibon na ito ay bihira lamang makita sa umaga dahil sila ay mga ‘nocturnal’ o mga hayop na gising sa gabi.

Ang mga Potoo rin ay pinaniniwalaang monogamous o mayroon lamang na nag-iisang asawa. Ayon din sa mga eksperto, pinaghahatian ng mag-asawang Potoo ang responsibilidad sa pagpapalaki ng kanilang mga anak.


Ang mga ibong ito ay mayroong sariling mekanismong panlaban sa mga hayop o tao na tumutulong sa kanila upang maging mahirap silang makita o mapansin.

Ang mga ibong ito ay naninigas sa tuwing makakaramdam sila ng panganib. Ang mga uri ng ibon na ito ay makikita sa mga rehiyon ng South America at Central America.


Sobrang hirap makita ang mga ibon na ito dahil sa angkin na talento nilang itago ang kanilang sarili. Tinatwag itong “camouflage” para sa kanilang proteksyon kaya laking tuwa ng mga mananaliksik nang makita nila ito personal.


Tinatayang 30 araw ang itinatagal bago mapisa ang mga itlog na iniluwal ng mga Patoo. Nagpapalitan ang mag-asawang Patoo sa gabi pati na rin sa umaga sa pagpapainit ng kanilang mga anak na itlog at naghahati rin sila sa responsibilidad nang pagpapalaki ng kanilang mga anak tulad ng paghahanap ng makakain at paglayo sa mga panganib mula sa mga hayop na nais silang saktan.


Hindi sila gumagawa ng sarili nilang bahay para paglagyan ng kanilang mga itlog. Bagkus, inilalagay na lamang nila ito sa pinakatuktok ng mga puno o kaya naman sa mga sanga ng puno. Makikilala ang mga itlog ng Patoo dahil sa puting kulay nito na may kasamang mga marka na kulay “purple-brown.”


Halos kahawig ng mga hayop na ito ang mga awla dahil sa kanilang malalaking mata at sa kurbado nilang mga bibig.

Ang kinakain mg mga hayop na ito ay mga insekto na hinahanap nila tuwing gabi.


Tingnan ang kabuuang video ng mga Patoo:


Anong masasabi niyo sa ibong ito? Ibahagi ang inyong reaksyon sa artikulo na ito.

source: goodtimes




SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only