Thursday, 31 May 2018

Lalaki, Hindi Makapaniwala sa Naging Reaksyon ng Longicorn Beetle na ito Matapos niya Lagyan ng Earphones sa Magkabilaang Gilid at Patugtugan ng Isang Heavy Metal Song

Marahil lahat naman saatin ay mahilig makinig ng musika? Isa ito sa mga pampatangal ng stress, pang pa-inspire sa mga bagay na ginagawa natin, pam-patangal ng pagod at kung ano ano pang positibong puwedeng maging epekto sa ating katawan at kaisipan.


Sa panahon ngayon ibat ibang musika na ang ating mapakikingan gawa ng magagaling na musikero at mang-aawit  galing sa ibat-ibang parte ng mundo, kaya marami ang nahihilig sa musika dahil para sa iba ito ang nagbibigay kulay sa kanilang araw at mundo.


Pero alam nyo bang hindi lang tao ang nahihilig o napapaindayog ng dahil sa tunog ng isang musika? Pinatunayan ito ng dalawang tinedyer matapos gumawa ng isang eksperimento na talagang ikinatuwa nilang dalawa at ng mga netizens.

Ang mga kabataang ito ay sinubukang paringgan ng musika ang isang longicorn beetle upang makita kung ano ang magiging reaksyon nito.


Inilagay ng mga kabataang ito ang dalawang pares ng earphones sa magkabilaang gilid ng longicorn beetle sabay nagpatugtug ng isang musika.


Nang simulan na nila patugtugin ang isang heavy metal song sa mga earphones nabigla sila sa ikinilos ng beetle, noong una ay wala itong reaksyon pero habang tumatagal at lumalakas ang tunog nagsisimula na itong magkaroon ng reaksyon sa musika.


Makikita sa video na parang nag hehead bang ang beetle at sinasabayan ang musika, at ng dahil dito natuwa ang mga kabataan at kinunan ito ng video.

Ibinahagi ng mga kabataang ito ang video ng beetle na agad naman nag viral sa social media.


Hindi inasahan ng mga kabataan na ganito ang magiging reaksyon ng beetle. Narito at panoorin niyo ang kanilang nakuhang video.


Talaga nga namang nakakagulat ang naging reaksyon ng beetle sa ginawang eksperimento ng dalawang kabataang ito, hindi lang mga sarili nila ang kanilang napasaya dahil sa kanilang ginawa, dahil marami ang natuwa sa video na ito.



Ano ang masasabi niyo sa artikulong ito? Ibahagi saamin.

source: goodtimes




SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only