Friday, 11 May 2018

Lalaki, Hiniwalayan ang Kanyang Nobya Matapos Malaman na Buntis ito

Isa ang pag-ibig sa nagiging inspirasyon ng madaming tao para ipagpatuloy nila ang buhay, madaming klase ng pag-ibig may pag-ibig sa kapwa, sa pamilya, sa alagang hayop, sa kalikasan at syempre sa especial someone.


Hindi na bago sa magkasintahan ang maghiwalay, ito ay dahil sa ibat-ibang rason at sitwasyon kagaya ng, magkalayo sa isat-isa at hindi kinaya dahil sa komonikasyon, may iba na nagkahiwalay dahil magkaiba ng schools o career na pinili at may iba din na nangibang bahay o kinaliwa ang nobyo o nobya.

Katulad nalang ng kuwento ng magkasintahan na ang buong akala nila ay pang habang buhay na ang kanilang pag-mamahalan hangang dumating ang araw na ang lalaki na mismo ang sumisira sa kanilang relasyon.]


Ito ang kuwento ni kimberly isang babaeng matapang na ipinaglaban ang alam nyang tama.

Ayon kay kimberly na ang relasyon nya sa kanyang boyfriend na si andrew ay nag simula sa masaya na mejo mahirap dahil sa kanilang pagiibigan na love against all odds. Madaming tao sa paligid nila ang ayaw na nakikita silang magkasama lalong lalo na ang mama ni Andrew.

image credit: Facebook/Kimberly Ong

Ayon kay Kimberly na noong bata pa sila madalas daw syang minamaliit at pinapahiya ng nanay ni andrew dahil daw pangit sya, at gusto nya lang daw na magpalahi kay andrew.



Dag dag pa ni kimberly na noong pinahiya din daw sya nito sa harap ng kanilang mga kaklase dahil mababa ang mga grades nya.

Pero lahat daw ng ito ay nalagpasan nila dahil na din sa suporta ng isat-isa, at wala sa kanila ang sumuko para ipaglaban ang pagiibigan nila, lahat daw ay ginawa nila para lang ipag laban ang alam nilang tama.

Pero lahat ng ito ay nagbago noong tumungtung ang kanilang relasyon sa pangatlong taon. Nagbago si andrew at nagsimula na itong mambabae. May mga oras na pag nag-aaway na sila dito gumaganti si andrew ng pang bababae, at may oras din na sinugod si Kimberly ng babae ni andrew pero mas pinili pa din na ipagtangol ni andrew ang babae nya.

Hindi kinaya ni Kimberly emosyonal ang ginagawa ni Andrew kaya nag desisyon itong pumunta ng manila upang magpakalayo, pero hinabol daw siya ni Andrew at nagmakaawa na bumalik na ito dahil hindi daw nito alam kung pano mabubuhay ng wala si Kimberly.


Pero dahil mahal na mahal ni Kimberly si Andrew nagawa nya parin itong patawarin at bumalik sa pilin nya. Akala ni kimberly ay nagiging okay na ulit ang lahat hangang dumating ulit ang araw na nahuli nya ulit si andrew na may kasamang ibang babae at minsan kahit bukong buko na itinatangi pa din daw ito ni andrew at sinasabi minsan na ka churchamate nya lang daw ito.

Hangang dumating ang isang rebelasyon na nagbago ng kanilang buhay at nagpakita ng tunay na ugali ni Andrew. Nalaman ni Kimberly na buntis sya at akala nya noong una ay isang normal na sakit lang hangang lahat ng senyales ng pagbubuntis ay lumabas dito na sya nag pasya na magtake ng pregnancy test.

Nang makita nya ang resulta ng kanyang pregnancy test  talagang nagulat siya at hindi makapaniwala na totoo ngang buntis siya.

Nang nakompirma nyang buntis sya, sinabi nya ito kay Andrew pero imbis na matuwa si Andrew sinabi nito ang mga bagay na talagang hindi inaasahan ni Kimberly na marinig sakanya, sa punto ng mga sinend nyang mensahe kay kimberly ay nagpaparamdam syang hindi pa sya handa maging ama sa ipinagdadala ni Kimberly at sinabi nya din na may chansa na hindi matuloy ang pagbubuntis nito.

image credit: Facebook/Kimberly Ong

Sinabi pa nito na hindi pa daw ito handang maging ina para sa kanyang anak kasi daw hindi pa ito financially stable.

image credit: Facebook/Kimberly Ong

Nakipag hiwalay si Andrew kay Kimberly ng malaman na buntis ito  at sinabi pa nito na kaya siya makikipag hiwalay ay dahil mas pinili ni Kimberly ang bata.

Pero sa kabila ng pagmamahal ni Kimberly kay Andrew mas pinili pa din niyang gawin ang tama. Mas pinili nito na maging ina sa magiging anak nya kaysa maging tanga kasama ang tatay ng ama na wala naman palang kakayahan na ipaglaban silang mag-ina.


Kaya sa mga lalaki maging aral sana satin ang kuwentong ito na kung alam nyo namang hindi pa kayo handa huwag nyo ng subukan kung alam nyo naman na tatakbo lang naman kayo at wala kayo mga balls.

Basahin dito ang buong kuwento. narito.










SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only