Sunday, 13 May 2018

Lalaki, Inabandona ng Ina Matapos Ipanganak ng Walang Kamay at Paa, Pero Makalipas ang 18 Taon Pinainit ng Lalaking ito ang Isang High School Dance Floor

Noong dalawang araw na gulang pa lamang si Gabe Adams ay inabandona na siya ng kanyang tunay na ina sa Brazil. Ipinanganak siya nang walang paa at kamay ngunit hindi naman ito naging hadlang para makamit niya ang kanyang mga pangarap sa buhay.


Hindi nagtagal ay nagawa pa rin siyang ampunin ng mag-asawang Janelle and Ron Adams na nagmula sa Utah na handang mag-alaga at magbigay ng pagmamahal para sa kanya.

Naging inspirasyon siya ng kanyang mga kaibigan at pamilya na nakapaligid sa kanya nang siya ay lumaki na parang walang alintana ang kapansanan.


Inamin ni Janelle sa pakikipanayam niya sa People na: Hindi maalis sa isip ko ang kalagayan ng batang ito sa isang malayong hospital na walang kamay at paa. Sa buong buhay niya, mahaharap siya sa mga mabibigat na pagsubok sa buhay.”

[I kept thinking about this baby far away in a hospital with no arms and no legs–I couldn’t get him out of my mind. For most of his life, he’s faced huge battles.]

Si Janelle at si Ron Adams, parehas na 58-taong gulang, ay may 13 na anak na halos matatanda na.


“Halos isang taon bago niya natutunan ang paglalakad ngunit hindi siya sumuko. Katulad ng ginagawa niya sa pagsasayaw. Sinusubukan niya talaga ng paulit-ulit.”

[It took him a whole year to learn how to walk, but he didn’t give up. It’s the same with dancing. He just kept trying.]


Hindi alintana kay Gabe ang kakaibang kondisyon na Hanhart syndrome, isang sakit na kung saan ay ipinanganak siyang walang kamay at paa.


Hindi ito naging dahilan para tumigil sa mga bagay na gusto niyang gawin. Natuto pa rin siya na kumain, mag-sulat at pumanhik sa hagdan ng sarili niya lamang. Natutunan din niyang lumangoy at tumalon sa diving board.


Noong 12-taong gulang palang si Gabe, natuto rin siyang sumayaw nang patago at ginulat na lamang ang mga tao sa isang junior high school talent show.

Naalala ng kanyang Ina na halos lahat ng tao ay napatalon sa kanilang paa at binigyan siya ng standing ovation.


Inilahad pa ni Gabe na gumugugol siya ng mahabang oras para lamang matutunang sumayaw.

“Ang saya sa pakiramdam. Simula noon, ito na ang naging daan ko para ipakilala ang sarili. Naging determinado ako na matutunan ang lahat ng kaya ko,” dagdag ni Gabe.

[It felt great. From then on, dancing became my way to express myself. I was determined to keep learning everything I could.]


Sumali siya sa isang kumpetisyon sa kanilang eskuwelahan kasama ng 28 babae noong ikalawang taon pa lamang niya sa high school. Lahat ay napahiyaw sa kanilang talento habang sa kalagitnaan ng half-time ng basketball game.

“Ayon sa kanyang kasamahan na si Tori Nybo, nasabi niya na: “Isa siyang napakalaking inspirasyon sa aming lahat. Sa tuwing nahihirapan ako sa loob man ng pagsasayaw o labas, titingin lang ako sa mga ginagawa ni Gabe at napagtatanto ko na sa sarili ko na kaya kong malagpasan ang mga ito. Sa tuwing makakasama namin si Gabe, napapagaan na niya ang loob ng buong samahan. Isa siya sa pinakamasiyahin at mapagkumbabang tao na nakilala ko. Isa sa mga natutunan kong importanteng leksyon sa buhay mula kay Gabe ay kung paano maging masaya.”


[He’s such a huge inspiration to all of us. Whenever I’m struggling in and out of dance, I look to Gabe and realize that we can do anything. Just being around Gabe sends good vibes to the whole team. He’s humble and kind and has learned the most important lesson in life: how to be happy]

“We thought we were rescuing somebody and giving him a better life, but in fact, it’s been just the opposite,” said his adoptive dad, Ron


Nasaad pa ng ama niyang si Ron na: “Akala namin ay siya ang iniligtas namin mula sa buhay na iyon upang mabigyan siya ng mas magandang buhay, ngunit sa totoo laman, siya ang nagligtas sa buhay namin.”

Hindi gusto ni Gabe na narerestriktuhan ang sarili sa mga bagay-bagay tulad ng paggamit ng wheelchair. Gusto niyang ipakita ang sarili upang maantig ang mga puso nila na maging mapagpatawad sa iba.


Nagpakitang gilas din nang pagsasayaw si Gabe sa The Maury Show.

Pagkatapos ng kanilang sayaw, nagbitaw ng kanyang mga pahayag si Gabe. Sinabi niya na: “Lahat ng tao ay katangi-tangi at espesyal. Lahat ay pinanganak nang pantay-pantay. Minsan ay may mga pagsubok na pinagdaraanan tayo sa buhay at bawat punto nito ay may matututunan tayo sa sarili natin.”


Tingnan ang talent ni Gabe sa The Maury Show:



Anong masasabi niyo kay Gabe? Ibahagi ang inyong reaksyon sa artikulo na ito.

source: goodtimes



SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only