Wednesday, 16 May 2018

Lalaki, Inakalang Multo ng Pamilya Matapos ito Umuwi sa Kanilang Bahay 7 Buwan Matapos Edeklarang Nasawi at Ecremate ng Pamilya

Madalas kapag pumapanaw ang ating mga minamahal sa buhay ay humihiling tayo sa Panginoon na sana ay ibalik o buhaying muli sila para makasama ulit.


Pero paano kung ang hiling mo ay matupad at makita mo siyang buhay pagkatapos mo siyang ipacremate ilang buwan na ang nakalipas? Matatakot kaba o matutuwa?.


May 18, 2017 nang matagpuan ng mga Pulis na wala ng buhay si Sakorn Sacheewa kaya naman agad nilang tinawagan ang pamilya nito para kunin ang kanyang bangkay. Ayon sa mga pulis, nagulat nalang ang pamilya ni Sakorn ng malaman nila ang balita na pumanaw na ito. 


Nawalan kasi sila ng komunikasyon sa kanya simula nang siya ay umalis sa kanilang lugar para magtrabaho sa Bangkok dalawang taon na ang nakakalipas. Lumalabas sa imbestigasyon ng mga pulis na nasawi si Sakorn dahil sa sakit sa digestive system at nakita ang bangkay niya sa kaniyang tinitirhan sa Bangkok.

Agad namang kinuha ng pamilya ni Sakorn ang kanyang bangkay sa Faculty of Medicine, Vajira Hospital of Navamindradhiraj University, ngunit nang kukunin na nila ito ay may napansin na kakaiba ang pinsan nito na si Nakornchai sa kanyang bangkay.

Ayon kasi sa kanya, wala na ang dalawang ngipin ni Sakorn sa harapan pero ang harapang ngipin ng bangkay ay kumpleto pa. Dahil sa napansin ni Nakornchai sa ngipin ng kanyang pinsan agad niya itong ipinaalam sa mga pulis na nagiimbistiga pero hindi nila ito pinansin.

Ang katawan ni Sakorn ay magang maga na ng makita kaya pati ang itsura nito ay halos di na makilala.


Imbis na ipaglaban ng pamilya ni Sakorn ang kanilang napansin, kinuha nalang nila ang bangkay nito at iniuwi sa kanila. Pinacremate din agad nila ang bangkya ni Sakorn pagkatapos nilang matanggap ang death certificate nito tatlong araw ang lumipas bago nila kunin ito sa Vajira Hospital.

Pero hindi alam ng pamilya ni Sakorn na ito ay buhay na buhay pa at kasalukuyan paring nagtratrabaho sa Bangkok kaya naman gulat na gulat sila ng ito ay umuwi pagkatapos nila itong ipacremate pitong buwan na ang nakalipas. 


Hinawak hawakan at pinisil pisil nila si Sakorn dahil hindi pa din sila makapaniwala na buhay pa ito at hindi isang multo. Dahil walang kaalam alam si Sakorn sa totoong nangyari, ganoon nalang ang pagtataka niya ng hawak hawakan at pisil pisilin siya ng kanyang pamilya.

Hindi naman nakatiis ang kanyang ina na hindi parin makapaniwala sa kanyang nakikita kaya naman tinanung niya si Sakorn ng, “You’re already dead. How did you come back?”.

Nagulat si Sakorn sa sinabi ng kanyang ina, noong una naguguluhan siya hanggang sa may naalala siyang isang pangyayari. Ang bangkay pala na kanilang pinacremate ay bangkay ng isang Myanmar na nagnakaw ng identification card ni Sakorn. 


Ang Myanmar na ito ay umalis ng walang paalam sa kumpanya na pinagtratrabahuhan ni Sakorn at dahil ninakaw niya ang id nito kinailangan niya ulit kumuha ng bago sa opisina nila sa Khanom.


Wala namang bagay na pwede magsabi sa ang mga pulis ng pangalan ng Myanmar na napacremate ng pamilya ni Sakorn, kaya naman hanggang ngayon ay palaisipan pa din ito sa kanila. Inaasikaso na din ngayon ni Sakorn ang record niya at humingi na din siya ng tulong para mabago ito.

Nawa ay maging aral sa atin ang nangyari kay Sakorn na dapat maging maingat tayo sa ating mga mahahalagang gamit lalo na ang mga dokumento na nagbibigay ng impormasyon tungkol sa ating buhay na pwedeng magamit ng ibang tayo laban sa atin.

source: dailymail



SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only