Thursday, 3 May 2018

Lalaki, Nahuli ang Kanyang Aso na May Binubungkal sa Kanilang Bakuran, Pero Laking Gulat nito ng Makita nya ang Itsura ng Aso at ang Nahukay nito

Isa ang aso sa pinaka cute, malaro, malambing at pinaka paborito ng tao alagaan. Isa sa hilig ng mga aso ay ang tumakbo kung saan-saan, magbungkal ng lupa at kung ano ano pa. Madalas may mga gamit din itong dinadala at tinatago, minsan ay binabaon pa nila sa kanilang lupang binungkal.


Katulad nalang ng isang aso sa Brazil na nakakuha ng isang bagay mula sa kanyang pangbubungkal na talagang ikinatuwa ng kanyang amo.


Ang asong ito na kinahuhumalingan ng nakararami ay si Pandora. Madalas makikita si Pandora na naglalaro sa bakuran at nagbubungkal ng lupa.


Pero isang araw ng nagbungkal ng lupa ang asong ito ay bigla itong may natagpuan na bagay. Pagbalik ng aso sa kanyang amo ay bitbit na nito ang isang pustiso.


Ang mas nakakatawa parito ay nalagay ng asong ito ang pustiso sa kanyang bibig. Sa sobrang tuwa ng may-ari ay napagulong ito sa kakatawa dahil sa itsura ng kanyang aso.


Si Lucas Alves Magalhães, amo ni Pandora, ang unang nakapansin sa aso na naglalaro sa bakuran. Naisip niya na naghuhukay na naman ito sa lupa kaya nilapitan niya ito.


Nang tinawag ni Lucas si Pandora at lumapit lumapit ito, napansin niya agad ang nakalagay sa bunganga ng aso at dito na siya napatawa ng husto.


Sinabi ni Lucas: [Hindi ko makita kung anong ginagawa niya kaya tinawag ko siya. Nang tinaas ko ang kanyang ulo, muntik na akong mamatay sa kakatawa.]

“I couldn’t see what it was, so I called her in. When I lifted her head, I almost died from laughing.”


Nasabi nila na ang mga pustisong iyon ay maaaring pagmamay-ari ng mga matatandang naunang naninirahan sa kanilang bahay.


Dagdag pa ni Lucas na: [Maaaring tinabi nila sa ilalim ng lupa ang kanilang mga pustiso nang palitan nila ang mga ito ng bago. At iyon lamang ang natatangi nilang naisip na naging dahilan kung bakit may pustiso na nakabaon duon dahil wala namang gumagamit ng pustiso sa pamilya nila.]


Bago nila tinanggal ang pustiso sa aso, sinabi ni Lucas na kailangan niyang kunan muna ng larawan ang kanyang aso para may remembrance sya.


Tuwang-tuwa ang mga marami nang makita nila ang litrato ng aso na may suot na pustiso. Sinabi ni Lucas na kahit nakakadiri ito, makikita sa mukha ni Pandora na masaya siya sa kanyang suot suot na pustiso.


Anong masasabi niyo kay Pandora? Ibahagi ang inyong mga reaksyon sa artikulo na ito.

source: goodtimes




SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only