Thursday, 24 May 2018

Lalaki, Nagulat at Napaluha ng Malaman ang Dahilan sa Araw-araw na Pagalis ng Alagang Aso sa Kanilang Bahay

Man's Bestfriend, yan ang madalas sumasagi saating isipan kapag nakakakita tayo ng napaka cute at masunuring aso.


Maraming kuwento ngayon sa social media ang ibinabahagi ng mga netizens galing sa ibat ibang panig ng daigdig tungkol sa istorya ng kanilang mga aso ang talaga tumatatak sa puso ng karamihan.


Katulad nalang ng kuwento ni Hachiko na talagang nagpaluha sa maraming tao matapos na gawan pa ito mismo ng pelikula.


Hindi lang pagkakaibigan ang pwede ibigay saatin ng ating mga alagang aso dahil sila din ay isang halimbawa ng katapatan at sobrang magmahal sa kanilang amo.

Katulad nalang ng kuwento ng isang aso na pinatunayan ang kanyang pagmamahal at katapatan sa kanyang amo kahit ito ay pumanaw na.


Si Ismail Öztürk ay isang Turkish na gustong mag-apon at mag-alaga ng isang inabandunang tuta. Hindi nga nagtagal at siya ay nakapagampon at pinangalanan niya itong Zozo. Habang lumalaki si Zozo ay lalong napapamahal ito kay Ismail marahil dahil inaalagaan siya nito ng mabuti.


Ngunit hindi din nagtagal ang masaya nilang pagsasama dahil noong ika 10 ng Pebrero taong 2014 ay pumanaw si Ismail at naiwang malungkot at nagluluksa ang kanyang pamilya at si Zozo.


Makalipas ang ilang araw ng mailibing nila si Ismail ay may napansin silang kakaiba kay Zozo. Madalas kasi itong nawawala bigla o umaalis sa kanila at bumabalik din pero hindi nila alam kung saan ito pumupunta.

Hindi naman nila inalam ang dahilan o kung saan ba talaga pumupunta si Zozo tuwing ito ay nawawala pero nagulat nalang sila ng isang araw ay nakita nila ito sa lugar na hindi nila inaasahan na pupuntahan niya.


Nakita kasi ng anak ni Ismail na si Zafer Öztürk ang aso na si Zozo na nakahiga sa puntod ng kaniyang ama ng minsan niya itong dalawin.


Ibinahagi naman ito ni Zafer sa iba pang miyembro ng pamilya at doon nila na pagtanto na kaya araw-araw nawawala si Zozo ay para dalawin ang kaniyang namayapang amo na si Ismail na sa tingin nila ay miss na miss na nito.

Iba talaga ang pagmamahal na naibabalik ng mga alaga natin aso sa atin katulad nalang ng pagmamahal ni Zozo kay Ismail. Kahit hindi nito masabi ang salitang mahal kita o namimiss na kita ay napapakita at napaparamdam naman nito sa pamamagitan ng simpleng pagbisita kay Ismail araw araw.

Ang pagmamahal ni Zozo kay Ismail ay totoo, kakaiba at walang katulad na kahit wala ang kanyang amo ay patuloy niya pa din itong mamahalin at dadalawin hanggang sila ay mamatay na din.

source: goodtimes




SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only