Saturday, 5 May 2018

Lalaking Binusted ng Kanyang Nililigawan Dahil sa Katabaan, Crush ng Bayan na Ngayon Matapos Sikapin at Tiisin ang Hirap Pumayat lang

Ang sakit kapag paulit ulit kanalang tinatanggihan ng mga babaeng nililigawan mo dahil lamang sa panlabas mong hitsura. Ang masakit pa nito kahit ang mga kaibigan mo na inaasahan mong magtatanggol sa iyo ang silang pang nauuna sa pangaasar sa iyo.


Isang lalaki na nagngangalang Mos Sataporn mula sa bansang Thailand ang may ganitong sitwasyon at araw araw nya itong tinitiis.

Si Mos ay may timbang na isang daan at limang put limang (155) kilo at dahil dito madalas syang makaranas ng pangungutya mula sa kanyang mga kaibigan.


Noong una natitiis nya ang mga pangaasar ng kanyang mga kaibigan ngunit nagbago ang lahat simula ng siya ay tanggihan ng kanyang napupusuang babae at dahil ito sa kanyang malaki at mabigat na katawan.

Si Mos ay nagmamay-ari ng isang tindahan ng mga cellphone at ayon sa kanya, ang paglaki at pagbigat ng kanyang katawan ay dahil sa pagkahilig at pagkaadik nya sa mga pagkaing may matataas na calories.


Kahit na sya ay matangkad na may taas na isang daan at walong put limang (185) sentimetro at lumampas sa karaniwang taas ng isang lalaking Asyano, ang kanyang timbang naman ang dahilan kung bakit sya ay kabilang sa mga taong obese o napakataba.

Dahil sa pagtangi ng kanyang nagugustuhang babae, nagpursige syang magbawas ng timbang at baguhing tuluyan ang kanyang panlabas na pangangatawan.


Nagsimulang magpapayat si Mos sa pamamagitan ng pagkain ng mga masusustansyang pagkain at pagbawas ng mga pagkaing may mataas na calories. Pumunta din sya ng gym para sa mga ehersisyo na pampaliit ng kanyang katawan at pampaganda ng kanyang mga muscles o kalamnan.


Ayon kay Mos, sa una nahirapan syang baguhin ang mga bagay na kanyang nakasanayang gawin at mga pagkain na madalas nyang kinakain pero tiniis nya pa ding gawin ang mga bago nyang ginagawa at ang tuluyang pagbabawas ng timbang.


Tuwing umaga naglalaan talaga sya ng oras para mag ehersisyo. Muntik na din syang sumuko at tigilan na ang pageehersisyo dahil pakiramdam nya sobra itong mahirap at masakit.

Pero tiniis nya nalang ito lahat at nagbunga naman ito ng maganda dahil nabawasan ang kanyang timbang ng liman kilo sa loob lang ng isang buwan.

Pagkatapos ng isang taong pagtitiis at pagtyatyaga sa pagkain ng masusustansya at pageehersisyo, si Mos ngayon ay may timbang na walong pong kilo at nabawasan pa ito at nagging pitong put limang kilo nalang.


Si Mos ngayon ay kilala at sikat na sa mga kababaehan dahil sa maganda na nitong pangangatawan dagdag pa ng magandang tindig at pagiging matangkad nito.


Ayon kay Mos, “If you want to diet, the first thing you have to do is to fight with your inner self”, dagdag pa nya, kung kaya ng iba kaya mo din.

Hindi din inaasahan ni Mos na ang pagbawas nya ng timbang at pagbabago ng kanyang pisikal na pangangatawan ay magdudulot ng ingay sa social media. Hindi naman nya kinakahiya ang nakaraan nya bagkos nagbigay pa sya ng mga paraan kung paano ba magbawas ng timbang.


Ang kwento ni Mos ay nagpapakita lang sa atin na kapag ang tyaga ay isang mahalagang sangkap para mapabuti ang ating buhay dahil kung wala ka nito walang mangyayari sayo hanggang dyan ka nalang sa kung anu ka. Ayon sa isang kataga ni Theodore Roosevelt, “Believe you can and you are already halfway there”.

Tiwala lang sa sarili at samahan mo ng tyaga sigurado panalo ka sa hamon sa iyong buhay.!

source: goodtimes






SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only