Wednesday, 23 May 2018

Lalaking Mahilig Suwayin ang Asawa at Patuloy na Naninigarilyo at Umiinom Nagbago ang Buhay Matapos Makausap ang Isang Pulubi

Naglalakad si Ginoong Zhang sa kanilang bahay noong mga oras na iyon habang naninigarilyo sa daan nang makasalubong niya ang isang mabahong pulubi. Nadaanan niya ito sa isang plaza na malapit sa kanilang bahay.


Nang makita siya ng pulubi, kinamusta niya ito at sinabing: “Mabuting ginoo, maaari po bang makalimos ng konting salapi.”

Hindi nakikisalamuha si Zhang sa mga pulubi kaya lumalayo siya sa mga ito. Ngunit nang makita niya itong pulubi, may naisip siyang ideya at naupo sa isang tabi malapit sa pulubi.


Nasabi niya sa pulubi: “Hoy, gusto mo bang kumita ng pera?”

Sinagot siya ng pulubi na: “Oo naman... Kung maaari lamang hilingin ko ito, ngunit...”

“May tatlo akong katanungan at gagantimpalaan kita ng pera kung masagot mo ito ng tama,” seryosong sinabi ni Zhang sa pulubi.

for illustration purpose only

Tinanong ni Zhang ang pulubi: “Ang paninigarilyo, pag-iinom ng alak, at pagsusugal ba ang naging rason kung bakit ka namumulubi ngayon?”

Nagpaliwanag sa kanya ang pulubi at sinabing: “Hundi ako naninigarilyo. Hindi rin ako umiinom ng alak. At mas lalong hindi ako nagsusugal.”

Nang marinig ni Zhang ang mga sinabi ng pulubi, napatayo ito at sinabing: “Napakahusay!”

Katulad ng ipinangako niya, binigyan ni Zhang ang pulubi ng $100 (Php 5,000).

Nalito ang pulubi sa katanungan ni Zhang. Nakita ni Zhang ang mukha ng pulubi kaya naman ipinaliwanag niya na: “Sa totoo lang, ang asawa ko ay nagpapatakbo ng isang kumpanya at siya ang chairperson. Ako naman ang punong tagapamahala nito. Masasabi kong medyo may kakayahan naman kami at mayroon kaming 3 million sa banko.

Ang natatanging problema ko lang ay ang aking pagkahumaling sa bisyo. Gustong-gusto ko uminom ng alak at hindi sapat ang isang bote kada araw para matugunan ang pagnanasa ko dito. Gustong gusto ko rin manigarilyo at kulang pa ang dalawang pakete ng yosi kada araw.


At panghuli, malakas ako magsugal. Kung tutuusin, isa akong propesyonal pagdating sa pagsusugal. Kung gusto mo, maaari mong subukan ang aking talento sa mahjong, poker o kahit anomang sugal na may kasamang pustang pera. Ngunit, lahat ng bisyong ito ay ayaw na ayaw ng aking asawa.”

“Pilit niya akong pinagsasabihan na balang araw ay magiging pulubi ako dahil sa mga bisyo ko. Sasabihin ko sa kanyan na pumunt dito kinabukasan at nais kong banggitin mo lahat ng mga sinabi mo sa harapan niya. Bibigyan kitang muli ng $100 (Php 5,000) kung susundin mo lahat ng ito.”
Naging interesado ang pulubi sa inaalok na pera ni Zhang kung susundin niya ang iniutos nito.

Kinaumagahan, dinala ni Zhang ang kanyang asawang si Yunli sa plaza kung saan nakapwesto ang pulubi. Habang naglalakad sila, sinuway siya ng kanyang asawa na itigil na ang kanyang bisyo.

for illustration purpose only

Kalmadong sinabi ni Zhang sa kanyang asawa na: “Hindi ganoon kakumplikado ang problema at kung tutuusin ay mayaman naman tayo. Kaya huwag ka masyadong mag-alala!”

Ikinagalit ito ni Yunli at sinabihan si Zhang na matutulad siya sa pulubing nakikita nila sa plaza.

Nang marinig ni Zhang ang mga binitiwang salita ni Yunli, sinabi niya sa kanyang asawa na: “Naniniwala ako na hindi niya narating ang pagiging pulubi dahil sa bisyong tulad ng sa akin. Kung hindi ka maniniwala sa akin, makipagpusta ka sa akin. Kung ang pulubing iyon ay nalulong sa kahit isa sa aking mga kinakahiligang bisyo, ititigil ko lahat ng ito magpakailanman. At kung hindi ito ang dahilan kung bakit siya nalugmok sa pagiging pulubi, titigilan mo na ang kakasuway sa aking mga bisyo.”

Hindi umurong si Yunli sa alok na pustahan at pumayag sa mga kagustuhan ng kanyang asawa. Mataas ang kanyang kumpiyansa na mayroong kahit isang bisyo ang pulubing iyon bago pa siya naging pulubi.


Nang nilapitan ng mag-asawa ang pulubi, nagkunwari si Zhang na hindi niya kilala yung pulubi. Tinanong niya agad ang pulubi kung gawain niya ba ang pag-iinom ng alak, pagsusugal o kaya naman ay paninigarilyo. Dinagdag pa niya sa kanyang katanungan kung isa sa mga bisyong ito ang nagdulot sa kanya ng pagkapulubi.

for illustration purpose only

Nang marinig ng pulubi ang tanong sa kanya ni Zhang, tiningnan niya ito ng seryoso at sinabi na: “Oo, negosyante ang ama ko noon ay ang pamilya ko ay nagmamay-ari ng dalawang pabrika at isang supermarket. Mayaman pa ako noonf mga panahong iyon at hindi ko inisip ang buhay ng pagiging pulubi. Nang mamatay ang aking ama dahil sa sakit sa puso, ako ang pumalit upang mamahala sa aming negosyo. Noong umpisa, naging madali lang ang pamamalakad sa negosyong ng aking ama ngunit nasira ito dahil sa aking bisyo sa alak, sigarilyo at sa sugal.”

Idinagdag pa ng pulubi na: “Naubos lahat ng aking kayamanan at nawala rin sa akin ang aking mga negosyo dahil sa bisyo ko sa pagsusugal. Nawala ang lahat ng ito sa akin kaya ngayon ako ay namumulubi dahil sa mga masasamang bisyo.”

Nagulat si Zhang sa mga binitiwang salita ng pulubi dahil may usapan na sila noon pa lamang. Nais niyang gulpihin ang pulubi dahil sa ginawa niyang pandaraya sa usapan nilang dalawa ngunit wala siyang magawa dahil kasama niya ang kanyang asawang si Yunli.

Nang makalipas ang pangatlong araw mula ng kanilang pagkikita, nagtungo muli si Zhang sa pulubi. Nakarating si Zhang sa plaza para kausapin ang pulibi. Nakita ng pulubi si Zhang kaya naman nagmadali itong tumayo sa kinauupuan niya at ibinalik ang $100 na ibinigay ni Zhang.


Nagulat si Zhang sa ginawa ng pulubi dahil hindi niya inaasahan na ibabalik niya ang perang iyon. Sinabi na lamang ng pulubi na: “Alam kong hahanapin mo ako at babalik muli. Pasensya na kung nagsinungaling ako sa iyo ngunit sasabihin ko lahat ng nangyari sa akin.”

Sinaad ng pulubi ang mga nangyari sa kanyang buhay at nasabi na: “Lahat ng bisyong ito ang sisira sa iyong buhay. Maniwala ka!” Nang marinig ni Zhang mga paliwanag ng pulubi, nakumbinsi ito at naniwala dahil kitang-kita sa mga mata ng pulubi ang sinsiridad sa mga binitiwan niyang salita. 

for illustration purpose only

Nagpasalamat si Zhang sa abiso ng pulubi at binigyan niya pa ito ng $500 (Php 25,000). Hindi nagtagal, ay nabago ni Zhang ang kanyang buhay at itinigil niya na ang kanyang mga masasamang bisyo.

Masasabing napakaganda ng desisyon ni Zhang sa kanyang buhay. Anong masasabi niyo sa istorya ni Zhang at ng pulubi? Ibahagi ang inyong reaksyon sa artikulo na ito.





SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only