Thursday, 17 May 2018

Life Long Bestfriends Since Grade 6, Hindi Masukat ang Saya at Hindi Mapigilan ang Luha Matapos Malaman na Magkapatid Pala Sila

Simula pagkabata ay matalik ng magkaibigan sina Walter Macfarlane at Alan Robinson. Parehong silang nagmula sa Honolulu, bukod pa dito ay sabay din silang lumaki dahilan para maging matalik silang magkaibigan.


Halos kapatid na rin ang turing nila sa isa't isa ngunit laking gulat nila nang malaman na sila pala talaga ay tunay na magkapatid.
Sanggol palang si Walter nang siya ay ampunin ng kanyang lolo at lola. Sila na ang nagalaga kay Walter simula ng muntik na siyang ipaampon ng kanyang ina sa ibang tao.

Tinuring din nila ito na parang tunay nilang anak kaya ganoon nalang ang inis nila ng pagtangkaan itong ibigay sa ibang tao.


Nakaligtas si Walter sa balak ng kanyang ina pero hindi naman ang kanyang kapatid na si Alan dahil ito ay pinaapon sa ibang tao nang ito ay sanggol pa lamang.
Pero hindi naman ikinakahiya ni Alan na ampon siya dahil mababait naman ang kumupkop sa kanya at minahal sya na parang tunay nilang anak. Ayon sa kanya, "It was great for me, I was raised by the best people you can imagine. But when I had my own two children I did wonder about family history, because I can never answer any health questions on official forms."

Dahil sa makabagong teknolohiya, nasubukan ni Walter humanap ng iba pang kapareho niya na DNA. Dalawang listahan ang dumating sa kanya, isa mula sa '23 and Me' at isa mula sa 'Ancestry'. Mahigit 800 na tao ang posibleng kamaganak niya dahil ito ang mga nag match sa DNA niya.


Dahil dito ay tyinaga ng anak niyang si Cindy na hanapin ang may pinakamalapit na match, at dito nila nakita ang isang user na si Robi737.


Nang malaman ito ni Cindy ay agad niyang ibinalita ito sa kanyang ina. Inutusan naman siya ng kanyang ina na sabihin ito sa kanyang ama at kung pwede nitong tanunging si tito Alan niya tungkol sa bagay na ito, ang pagkakatanda kasi ng nanay ni Cindy, si Alan ay naging piloto ng Aloha Airlines na 737 at madalas din daw siyang tawaging Robby noon.


Hindi nga nagkamali ang asawa ni Walter, dahil nang tinawagan nito ang matalik na kaibigan na si Alan ay nakumpirma nila na siya nga ang may ari ng username.

Nagulat man sila sa kanilang nalaman, labis pa din ang kanilang kasiyahan ng malaman at makilala ang isang kapatid ng kanilang ama. Sa wakas din ay nahanap na ni Walter ang half brother niyang si Alan.


Hindi narin nahirapan ang mga anak nila na magadjust sa pakikitungo sa isat isa dahil matagal narin silang magkakilala at malapit sa isat isa.

Talaga namang nakakatuwa ang mga nangyari kila Walter at Alan dahil kahit na hindi nila alam na magkapatid sila ay naging maayos parin ang pakikitungo nila sa isat isa.


Isa lang to sa mga patunay na totoo ang tadhana, at kahit paghiwalayin kayo ay pagtatagpuin at pagtatagpuin parin kayo ng sinasabi nating tadhana.

Ano ang masasabi niyo sa artikulong ito? Ibahagi saamin ang inyong opinyon.



source: goodtimes





SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only