Friday, 11 May 2018

Mag-asawa Galing sa Bakasyon, Inisip na Ninakawan sila Dahil sa Basag na Salamin, Pagkasok nila ng Bahay Nakita nila na Nakaupo pa sa Sofa nila ang Salarin

Naranasan nyo na bang manakawan? O di kaya ay pasukin ng magnanakaw ang inyong bahay?. Mahirap diba lalo na kung mga mahahalagang gamit ang kukunin sa inyo, ngunit ang kwento na inyong maririnig ay tungkol sa intruder na pumasok sa loob ng isang bahay pero wala itong kinuha na gamit sa halip ay humiga lang ito sa malambot na upuan.


Si Barry Peterson at ang kanyang asawa ay nagdesisyong magbakasyon malayo sa bayan ng Shorewood, ang lugar kung saan sila nakatira. Nang matapos na ang kanilang bakasyon at sila ay nakauwi na sa kanilang tahanan ay laking gulat nila ng makita ang sira nilang bintana sa harapan ng kanilang bahay. Sa hitsura palang ng pagkasira nito ay iisipin mo nang ito ay sinadya para gawing daanan papasok ng kanilang bahay.



Dahil hindi nila alam kung kelan ito sinira o nasira, inisip nila na baka nasa loob pa ng kanilang bahay ang gumawa nito. Para malaman kung nasa loob pa nga ito, dahan dahan pumasok ng kanilang bahay si Barry at ang kanyang asawa at nang makapasok na sila ay nakumpirma nila na nasa loob pa nga talaga ang dahilan ng sira nilang bintana.


Nagawa pa din nitong mamahinga sa kanilang sofa ngunit laking gulat nila ng makita na ang dahilan ng pagkasira ng kanilang bintana ay hindi tao kundi isang pabo.


Laking pasalamat ng magasawa na hindi isang magnanakaw ang pumasok sa kanilang bahay ngunit hindi naman nila alam ang gagawing pagtaboy sa pabo kaya naman humingi sila ng tulong sa mga pulis.


Ayon sa asawa ni Barry, "Its kind of an odd request", dagdag pa nya na "I dont know if I should call you or what, but we just came home from being gone, and a wild turkey flew through our front window and is now in our house".

Sa sobrang pagkakomportable ng pabo sa loob ng bahay nila Barry ay parang wala na itong balak umalis kahit na pinagbuksan na nila ito ng pintuan at dahan dahang tinataboy.

Hindi nagtagal at dumating na din ang mga pulis sa bahay nila Barry at doon nga ay nakita nila ang sirang bintana ng mag-asawa. Tulad nila Barry, nagulat din ang mga pulis ng makita ang pabo sa loob ng bahay nila at malaman na ito ang dahilan ng pagkasira ng bintana ng magasawa.

Sinabi nila Barry sa mga pulis na ginawa na nila ang lahat para paalisin ang pabo ngunit parang ayaw talaga nitong umalis sa loob ng kanilang bahay kaya naman humingi na sila ng tulong.


Dahil manghang mangha ang mga pulis sa nangyari, humingi sila ng permiso sa magasawa na kung pwede nilang kunan ng litrato ang pabo na nasa sofa. Nang makuhaan na nila ito ng litrato ay ginawa na nila ang kanilang trabaho at iyon ay ang paalisin ang pabo ngunit bigo pa din sila. Napagalaman din nila na Tom ang pangalan ng pabo.


Dahil hindi parin mapaalis ng mga pulis ang pabo ay humingi na ito ng tulong sa iba pang pulis, hindi nagtagal ay may dumating pang dalawang pulis sa bahay nila Barry. Isa sa mga pulis ang sumubok na paalisin ang pabo sa pamamagitan ng pagtutok ng ilaw dito at iyon na nga ang nakaagaw ng pansin sa pabo kaya ito ay biglang lumipad palabas ng pintuan nila Barry.


Ayon sa isang pulis, "Tom later left the home on his own and found a better spot in an oak tree. The wild turkey was not injured".


Ibinahagi naman ng mga pulis ang kwento ng magasawang Petersons at ng pabo na si Tom sa Facebook. Nagbigay naman ng ingay ang post na ginawa ng mga pulis kaya naman marami ang nagkomento at nagbiro dito at may isa na nagsabing, "Tom was arrested for breaking, entering and probably pooping in the house. Tom will be doing his sentence over Thanksgiving Dinner!.

source: goodtimes





SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only