Friday, 18 May 2018

Mag-asawa, Nadiskobre ang Isang Sikreto at Maliit na Kwarto sa Bagong Nabiling Bahay. Hindi Nagtagal Inayos, Pinaganda at Ginawang nilang Surpresa para sa Anak Nila

Mejo may katagalan na din mula ng mabili ng magasawang Sarah at Steve Goer ang bahay nila sa California, pero hindi nila inaakala na sa tagal na nila ditong nakatira eh hindi man lang nila napansin ang isang maliit na kwarto.


Noong una ay nagtaka sila kung paano o bakit hindi agad nila ito napansin pero imbis na sayangin nila ang oras kakaisip, nagkaroon sila ng ideya kung anu ang magandang gawin nila dito.


Halos apat na pulgada lang ang taas ng pinto ng maliit na kwarto kaya naman hindi nila ito napansin noong una. Binuksan nila ang pinto ng maliit na kwarto para malaman kung ano ang nasa loob nito at nang makapasok na sila sa loob, mga sirang linoleum sa sahig, sirang kisami at mga lumang kahoy ang tumambad sa kanila.


Dahil sa hitsura ng kwarto, inisip ng mag-asawa na baka isa itong lumang storage room ng dating may-ari ng bahay. Sa kagustuhan nilang gamitin ang maliit na kwarto para nga naman hindi ito masayang ay nagisip sila ng ideya kung anu ang magandang gawin at ilagay dito.

Ilang oras din ang lumipas at nakaisip na sila ng ideya kung anu ang gagawin nila sa maliit na kwarto pero siguradong matagal tagal nila itong gagawin. Habang hindi pa nila ito inuumpisahang gawin, pansamantala muna nila itong tinakpan ng aparador.


Hindi din muna nila ito sinabi sa anak nilang lalaki dahil magiging parte siya sa naisip nilang planong gawin sa maliit na kwarto. Ito din ang dahilan kung bakit tinakpan nila ito ng aparador para hindi niya ito makita.


Inuna muna nilang ayusin ang buong bahay bago nila binigyan ng oras na ayusin ang maliit na kwarto at ginagawa nila ito tuwing nasa skwelahan ang kanilang anak.


Pinagtulungan nilang magasawa ang pagayos at pagpapaganda ng maliit na kwarto. Si Steve ang nakatoka sa paglagay ng wood laminate sa sahig, paglagay ng isa pang dingding at pagpintura nito ng kulay asul.

Si Sarah naman ang nakatoka na pagandahin ito sa tulong ng mga dekorasyon na kanyang dinagdag at mga mga maliliit na upuan at lamesa na binili niya sa IKEA, naglagay din sila ng malaking Mapa sa dingding ng kwarto.



Talaga namang kamangha mangha ang naging resulta ng kanilang ginawa sa maliit na kwarto dahil hindi mo aakalain na dati itong abandunadong storage room.


Ang nasabing kwarto ang naging regalo ng magasawa sa kanilang anak ng magdiwang ito ng kanyang ikaapat na taon gulang at talaga namang ikinatuwa nito ang bago niyang kwarto, sa katunayan niyan pinalitan niya ang pangalan nito ng treasure room na dati ay secret room.


Natuwa din naman ang magasawa ng makita nila ang kanilang anak na sabik na sabik na pumasok sa kanyang bagong kwarto. Tuwang tuwa din ang kanilang anak sa mga bago nitong laruan, sa malaking mapa, kulay asul na dingding at mga libro na kanyang nakikita sa loob ng kwarto.

Ibinahagi din ni Sara online ang ginawa nilang pagpapaganda sa maliit na kwarto, narito at ating tingnan kung gaano kaganda ang naging resulta ng kanilang ginawa.

source: goodtimes



SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only