Friday, 18 May 2018

Mag-asawa, Nakakita ng Isang Lumang Safety Box na Naglalaman ng Limpak limpak na Salapi at mga Mamahaling Alahas Habang Nagbubungkal ng Lupa para sa Kanilang mga Pananim na Halaman

Habang naglilinis ng kanilang hardin, isang kayamanan sa ilalim ng puno ang nakita nila na naglalaman ng mga mamahaling alahas at pera. Tingnan ang ginawa ng mag-asawa sa mga ito.


Isang mag-asawa mula sa Stalen Island ang nakadiskubre ng isang nakabaong kayamanan habang inaayos ang kanilang bakuran.

Inamin ng mag-asawang sina Matthew at Maria Colonna-Emannuel na pakiramdam nila ay isang natupad na pangarap ang pagkakakita nila sa nakatagong kayamanan sa kanilang hardin.


Sinabi ng dalawa sa CBS2NY na nagkaroon sila ng isyu tungkol sa mga hayop na kinakain ang kanilang mga pananim. Kaya nang magtanim sila ng mga panibagong halaman, nagulat sila sa nabungkal na “safety box.”

“Halos inubos ng mga hayop ang mga dekorasyon naming halaman,” naibanggit ni Matthew.


Nagpatulong sila mula sa isang kumpanya na nagtatanim ng mga halaman. At nang mag-bungkal na sila ng lupa, tumambad ang isang “safety box” na naglalaman ng mga pera at alahas.

Naglalaman ito ng $52,000 at mga alahas tulad ng ginto, jade, rupiya, at diamante. Buti na lamang ay naglalaman din ito ng mga papeles na may address na nakapaloob dito.

Ikanagulat ito ni Matthew at sinabi na: “Ito ay nakakamangha!”


Sinuri ng mag-asawa ang mga nakalathala sa papeles na nakapaloob sa “safety box.” Agad silang nagmadali na puntahan ang lugar na nakapaloob sa address nang mapansin nila na malapit lamang sa kanilang tinitirahan na bloke.

Nagdesisyon ang mag-asawa na isauli ang kanilang mga nakita at agad na dumiretso sa kanilang kapitbahay upang tanungin kung sila ba ay nanakawan. Inamin ng kanilang kapitbahay na sila ay nilooban at sinabing nakuha sa kanila ang isang ‘safety box.’


Kinumpirma rin ng NYPD na ang mag-asawa ay nanakawan ng isang ‘safe’ na naglalaman ng 52,000 na dolyares noong 2011.

Laking tuwa ng kanilang kapitbahay dahil sa kabutihang ipinakita ng mag-asawang Emmanuel.

Marami ang nagtanong kung bakit daw nila isinauli ang mga laman ng ‘safe.’ Sinabi ni Maria na: “Hindi na ito kailangang tanungin pa. Hindi ito pagmamay-ari namin.”


Sinabi pa ng mag-asawa na hindi na nila kinailangan ng kapalit para sa nagawang kabutihan na iyon. Hindi man pera, alam nila na may babalik sa kanilang magandang kapalit na kabutihan din.


Ngayon, may makikitang isang ceramic na elepante sa kanilang hardin para sa maging isang alala sa kanilang nadiskubreng kayamanan.

Anong masasabi niyo sa mag-asawang ito? Ibahagi ang inyong reaksyon sa artikulo na ito.

source: dailymail




SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only