Sunday, 13 May 2018

Mag-ina, Bumili ng Isda sa Palengke, Pero Laking Gulat nila Paguwi na ang Nabili pala nilang Isda ay Hindi Isang Ordinaryong Isda

Isang post sa Facebook ang gumawa ng ingay at nagiwan ng mga katanungan sa ating mga kababayan. Isang lalaki ang nagbahagi ng kanyang kwento tungkol sa isang isda na nabili nila ng kanyang nanay sa palengke.


Hindi inaakala ng nasabing lalaki na ang mabibili nilang isda ay kakaiba dahil sa laman ng bituka nito. Ito ang dahilan kung bakit ito ay naglikha ng ingay at katanungan sa mga nakakita at nakabasa ng nasabing post ng lalaki sa facebook.


Ayon sa lalaki, agad nilang binili ang isda ng makita nila ito at ang malaking tiyan nito. Iniisip kasi nila na kaya malaki ang tiyan ng isda ay dahil madami itong itlog sa loob, ngunit ng buksan nila ang tiyan ng isdang binili pagkauwi nila ng bahay ay laking gulat nila sa kanilang nakita.


Lilinisin na sana ng nanay ng lalaki ang isda ng mapansin niya ang kakaibang buntot sa may tiyang bahagi ng isda. Nagtaka siya kung bakit may buntot doon kaya naman hinila niya ito at laking gulat niya na ang buntot pala na kanyang hinila ay mula sa isa pang isda.



May mga ganito na ding pangyayari na nasasaksihan ng mga taong kumakain ng isda dahil nga ang isa din sa pagkain ng mga ito ay ang kapwa nilang isda. 


Ang nakakamangha lang sa malaking isda ay hindi lang isang maliit na isda ang laman ng kanyang tiyan kundi 30 pirasong maliliit na isda. 




Kahanga hanga talaga kung ating iisipin na kung paano nagkasya ang 30 pirasong maliliit na isda na ito sa tiyan ng malaking isda na nabili ng mag-ina. 

Bukod pa dito, nakakapagtaka din na imbis na itlog ang makikita na laman ng tiyan ng malaking isda dahil ganoon ang paraan nila ng pagbubuntis ay maliliit na isda ang agad ang laman nito.

Hindi naman maiwasan ng mga tao na nakakita at nakabasa ng post na magkomento dito. 


May isang tao na nagbahagi din ng kaparehong karanasan niya sa lalaki pero hindi lang 30 maliliit na isda ang laman ng tiyan ng isda na kanyang nabili kundi 48 piraso lahat.



Ano ang masasabi niyo sa artikulong ito? Ibahagi samin ang inyong opinyon.

source: goodtimes





SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only